29

3.4K 70 4
                                    

Nathalie's POV

Ilang buwan na rin akong malungkot because of what happened. Simula nung araw na 'yun ay hindi na kami nag-uusap pa ni Jared at nagbago na nga ang pakikitungo namin sa isa't-isa.

Marami na rin sa amin ang nagtataka kung bakit hindi na kami nagpapansinan. Pero hindi ko na lang sinasagot at gabi-gabi ay naaalala ko pa rin iyong sakit na naidulot niya sa akin.

Loving him was a mistake.

Wala na rin naman akong balita kung ano na ang nangyayari sa buhay niya kasi iniiwasan kong makarinig ng kahit na ano tungkol sa kanya. And maybe, it's time for me to move on, kasi why do I have to hold on to someone who doesn't even see my worth, right?

I must let go, so I can move forward.

"Apo, okay ka lang ba diyan?" tanong ni Lola sa akin habang nanood ako ng TV. At sa matagal na buwan kong pamamalagi rito ay naisipan ko na lang na magpabili ng TV para kahit papano ay may mapanooran kami.

I nodded. "Oo naman, 'La." at pilit na ngumiti.

"Talaga ba, Apo? Para kasing hindi eh. Alam naman namin ng Lolo mo na hindi pa rin kayo nagpapansinan ni Jared. Ano ba ang nangyari sa inyo ng batang 'yun ha?" at umupo na si Lola sa tabi ko.

"Wala nga po 'La. Siguro... sadyang hindi lang talaga kami magkasundo na dalawa... kaya ganun." at pilit na ngumiti.

Yeah, I know that I am really good at hiding my feelings. Inaamin ko naman na I still love him. I sill do, kasi hindi naman ganun kadali makalimot eh. Everytime na makikita ko siya ay nasasaktan pa rin ako kasi alam ko na hinding-hindi niya ako kayang mahalin. Kasi hindi naman ako si Audrey.

"Pwede mo namang sabihin kay Lola ang lahat eh."

Alam kong nag-aalala rin sila sa amin. Pero hindi ko kayang sabihin sa kanila ang nangyari. "Wala naman Lola. Alam ko namang maayos din namin ni Jared 'to." and I smiled fakely. Kasi hindi ko naman alam kung magkakaayos pa kami.

"Sige, Apo. Alam kong maraming bumabagabag sa isip mo pero ayaw mo namang sabihin sa amin ng Lolo mo. Pero kung handa kana ay nandito lang kami para makinig. At sana magka-ayos na kayo ni Jared." at hinaplos ni Lola yung buhok ko.

Sana nga Lola. "Sino nga pala ang kasama mo mamaya para bumili ng damit mo para sa moving up?" masayang saad ni Lola.

"Si Molly po at si Lala ang kasama ko mamaya, 'La.'' sa loob ng ilang buwan na pamamalagi ko dito ay nakatagpo ako ng mga totoong kaibigan at iyon ay si Molly at Lala. 

"Ganun ba? Mag-ingat kayo mamaya ah. Pagkatapos ng moving up mo ang debut mo naman ang paghahandaan natin."

Sa Byernes na kasi ang moving up namin at sa susunod na pasukan ay Senior High na ako. And I am so proud na mapasama sa with honors.

Tamang-tama naman na pagkatapos ng moving up ko sa Junior High ay 'yong debut ko naman ang okasyon. Sabi nina Lola at Lola ay maghahanda raw sila ng bongga sa debut ko. Pero sinabi at pinili ko na lang na simplehan iyon kasi malaking aksaya lang 'yon ng pera.

Jared made me realize that... but now, we don't talk anymore.

Natigil naman kami ni Lola sa pag-uusap nang biglang pumasok si Lolo at may dala itong mga prutas. "Saan galing 'yan, Pedro?" tanong ni Lola.

"Sa manliligaw ng Apo mo." sabi naman ni Lolo kaya tumaas naman ang kilay ko.

Pumasok naman si Kevin ng bahay at agad na nagmano kay Lola. Nothing changed, he's still persistent about courting me.

Alam na rin pala nina Lolo at Lola ang tungkol dito kasi noong nakaraang buwan ay pormal na siyang nagpaalam sa kanila. Sa una nga ay hindi pa sila makapaniwala na manliligaw sa akin ang panganay na anak ng mayor dito sa amin. Sa huli naman ay napapayag sila ni Kevin.

Pero sinabihan siya nina Lolo at Lola na hindi pa ako pwedeng magka boyfriend hanggang sa tamang edad ko. At pumayag naman si Kevin doon at sinabi kina Lolo na handa naman daw siyang maghintay sa akin, kahit gaano pa katagal.

I saw how serious he really is. The moment he asked permission from Lolo and Lola ay na realize ko na seryoso nga talaga siya sa akin kasi he wouldn't go that far kung biro pa rin 'to sa kanya.

 "Oh, Kevin. Nandito ka pala." napatingin naman si Lola sa bitbit ni Lolo. "At nag-abala ka pa talaga. Sana hindi mo na kami binilhan ng Lolo mo ng prutas."

"Para po sa inyo 'yan ni Lolo, para po mas maging healthy kayo." sobrang bait talaga niya pagdating kina Lolo at Lola.

"Salamat, Iho. O' siya, bakit ka nga pala napunta dito?"

"Gusto ko lang sanang ibigay 'to sa apo niyo." and he gave me a bouquet of flowers at may kasama pang chocolates.

Tinanggap ko naman 'yon. "Thank you." sanay na ako sa kanya. Kasi he never failed to give me presents.

"Everything for you, Lily." and he winked at me.

I just rolled my eyes on him. Hindi pa rin talaga nagbabago, ganun pa rin.  "Basta, Kevin. Kapag sinagot kana nitong Apo ko. Sana ay huwag na huwag mo siyang sasaktan ah." pagbabanta ni Lolo.

"Opo, Lolo. Ganun ko po ka gusto ang Apo niyo." and he looked at me.

Tumango naman si Lolo. "Mabuti naman, Kevin. Aasahan ko 'yan. Nag-iisang apo lang namin kasi Nathalie at ayaw namin na makitang nasasaktan siya."

"Hinding-hindi ko po 'yon magagawa Lolo."

Napangiti naman si Lola. "Napakabuti mo naman, Iho. At saka nga pala, malapit na ang debut ng apo ko at iniimbitahan ka namin, aasahan namin ng Lolo mo na pupunta ka ah."

Kevin looked at me. "Opo naman, 'La. Hinding-hindi po ako mawawala sa espesyal na araw ni Nathalie." and he gave me genuine smile.

Inaamin ko na kahit papaano ay nagpapasalamat ako na hindi ako iniwan ni Kevin kasi noong mga time na nasasaktan ako kay Jared, nandoon siya para pasahayin ako. Kahit hindi niya alam ang rason kung bakit hindi ako masaya, he never ask me, but he never failed to make me feel that I'm not alone.

You're Still The One (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon