9

3.6K 72 0
                                    

Nathalie's POV

Linggo na pala ngayon at na late na akong nagising kasi nagpuyat ako kagabi sa cellphone ko. Nakauwi na kasi dito sa Manila sina Siero at napuyat ako kagabi kasi ilang oras din kaming nag-usap.

Pagkatapos kong ayusin ang higaan ko ay agad naman akong nagtungo sa hapag kainan at hindi ko inaasahan na madatnan ko si Jared na kumakain kasama si Molly.

Siguro sobrang lapit lang talaga ng loob nila kina Lolo at Lola kasi base sa nakikita ko ngayon ay sobrang saya nila. Kaya siguro sila naging malapit ay dahil walang masyadong kasama dito sa bahay sina Lola.

"Oh, Apo. Gising kana rin sa wakas." sabi ni Lola at tumayo ito sa upuan niya. "Halika kumain kana rin."

Lumapit naman ako sa kanila para kumain na nagugutom na rin kasi ako eh.

Sinabawang manok naman ang ulam namin ngayon na may malunggay. "Good morning, Nathalie!" masayang bati sa akin ni Molly.

I looked at her. "Good morning."

"Nandito nga pala sina Jared at Molly kasi inaaya ka nilang lumabas kaya magbihis kana rin pala pagkatapos mong kumain." sabi ni Lola habang nilalagyan ng kanin yung pinggan ko.

Inaaya saan?

Napakunot naman ang noo ko. "Bakit po, Lola? Saan po sila pupunta?"

"Aalis daw kasi sila papuntang bayan para bumili ng school supplies at bag para sa pasukan. At naalala ko rin na malapit na rin pala ang pasukan niyong tatlo at wala ka ring mga gamit para sa paparating na pasukan. Kaya sumama kana lang din sa kanila papuntang bayan para bumili ng gamit mo." sabi ni Lola.

Oo nga pala. Malapit na rin ang pasukan namin at next week na iyon. Pero wala pa akong mga gamit para sa pasukan.

Lola and Lolo already enrolled me na rin, at sa pagkaka-alam ko parehong school lang ata kami nina Molly ng papasukan.

"Ganun po ba." tinignan ko naman si Jared pero busy lang ito sa kinakain niya ngayon.

"Oo, Apo. Sa kanila kana lang sumabay. Kasi hindi na rin kasi kita masasamahang bumili. Marami pa kasi akong gagawin dito sa bahay."

I nodded. "Okay lang po, Lola. I understand at sasama na lang po ako sa kanila." at ngumiti ng pilit.

Well, to be honest, I'm quite excited kasi makakalabas na rin ako ulit ng bahay. Gusto ko rin na makakalabas mula rito at gusto kong makapunta ng bayan nila dito kasi hindi pa ako nakakapunta doon. Pero nahihiya lang ako kasi hindi pa naman ako masyadong malapit kina Jared at Molly. Meron pa rin naman akong hiya kahit hindi lang halata.

Pagkatapos kong kumain ay naligo at nagbihis naman ako. At binilisan ko ng kaunti kasi hinihintay nila akong dalawa sa labas.

I chose to wear high-waist shorts and a white croptop. It looks simple but I'm still slaying it.

Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko pa rin silang naghihintay sa akin.

"Wow, Nathalie ang ganda mo naman diyan sa suot mo at sobrang puti mo talaga!" mangha saad ni Molly.

Jared just gave me a weary look at halatang hindi ito interesado sa nakikita niya.

"Oo nga, Apo. Oh, sya ito na nga pala ang perang pambili mo." at binigay na ni Lola ang pera sa akin.

Kinuha ko naman iyon mula sa kanya. "Salamat po, Lola. Aalis na po kami." paalam ko.

"Mag-ingat kayo ha. Jared ikaw na bahala sa mga bata." sabi ni Lola kay Jared.

Tsk. Bata talaga.

"Opo, Lola Fely, 'wag po kayong mag-alala." ngumiti lang din si Lola.

"Sige na. Umalis na kayo para maaga pa kayong makauwi mamaya."

At umalis na kami ng bahay. Paglabas namin ng bahay ay sobrang init at sakit na ng araw kasi it's almost 10 o'clock in the morning. Hindi man lang ako nakapagdala ng payong ko.

"Sa labasan na tayo maghihintay ng tricycle." sabi ni Jared.

What sa labasan pa? Eh, malayo pa 'yun eh! "Ano?! Ibig mong sabihin ay maglalakad tayo papuntang labasan? Ganun ba?" ang my forehead met.

"Oo."

I groaned. "What!? Eh, ang layo pa kaya nun tapos ang init pa oh!". Nakita ko lang na tumawa si Molly.

Napatingin naman siya sa akin habang naglalakad, na para bang hindi alintana ang init. "Malapit lang 'yun. Sadyang maarte ka lang talaga at alam mo namang walang masyadong tricycle na pumapasok dito sa atin. Pwera na lang kong may nagpapahatid dita sa looban." he said coldly.

What's with him? He's being rude to me again. Parang sinasabi niya lang na magkaiba lang yung lalaking nakasama ko noon pauwi galing sa park kumpara ngayon kasi he's back to his old self, the one who's a jerk.

"Hindi ako maarte!"

I heard him murmur, "Hindi raw."

Gusto ko pa sana siyang sumbatan pero naglakad ito ng mabilis at nauna sa amin kaya si Molly na lang yung kasabay kong maglakad ngayon.

I really hate his guts.

Ngumiti sa akin si Molly. "Nako, Nathalie hayaan mo na lang si Kuya Jared ha. Ganyan lang talaga 'yan minsan, sana maintindihan mo na lang siya. Pero sa totoo lang sobrang bait niyan." puri ni Molly sa kanya.

I scoffs. "Mabait? Saan banda?"

"Hindi mo pa kasi nakikita. Pero mabait talaga 'yang pinsan ko."

Siguro may oras lang yung kabaitan nyan eh. Bipolar lang ata yang si Jared. Akala ko pa naman okay na kaming dalawa pagkatapos nung nangyari sa amin sa park.

Pero nagkamali lang pala ako.

But why do I feel so disappointed?

A/N: Thank you so much for reading this chapter. Feel free to leave a comment. And don't forget to vote!❤️

You're Still The One (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon