10

3.7K 74 0
                                    

Nathalie's POV

Pagkatapos kong magreklamo sa kanila ay nakarating na rin kami sa bayan. And I really regret that I didn't bring my umbrella with me, kasi sobrang init na ngayon.

Hindi ko rin inaasahan na ganito ka rami ang mga tao ngayon dito. Ang sabi kasi ni Molly, ganito raw talaga, lalo na't linggo pa ngayon.

Marami ring stalls dito, at kumikinang ang mga mata ko sa mga stalls na nagbebenta ng mga sweets. Paborito ko kasi ang mga matatamis.

"Pumunta na muna tayo sa bilihan ng school supplies." sabi ni Molly. Kaya 'yun nga ang una naming ginawa.

Pumasok kami sa isang store na may mga school supplies.

Agad naman akong nagtungo sa mga may notebooks. "Hala! Ang mura naman ng notebook dito!" sabi ko habang hawak-hawak ang isang notebook. Kasi ang layo ng mga presyohan dito sa mga pinabibili ko noon kay Mommy.

"Mura lang dito. Hindi 'to katulad ng mga gamit mo noon." sabi ni Jared habang pumipili na rin ng bibilhin niya.

"Oo nga, Nathalie. Sa halagang 300 to 500 pesos lang ay may school supplies kana." ngiting sabi ni Molly.

Kaya binuksan ko naman ang notebook na nakuha ko. "Ang mura nga ng mga bilihin dito pero hindi naman high quality." para kasi sa akin, hindi ganon ka ganda ang quality ng paper. Kaya siguro ganun ka mura.

Napatingin naman si Jared sa akin ngayon. "Kung ayaw mong bumili ng school supplies dito. Edi, doon ka bumili sa mga mamahaling mall mo." bara niya sa akin.

I rolled my eyes.

He's really back to his old self. "I'm just stating the truth, may masama ba doon?'' pagtataggol ko sa sarili ko.

"Pinagsasabihan lang din naman kita. Kaya dito tayo pumunta, para makapagtipid din tayo. Pero kung gusto mong mamahalin ang bibilhin mo, sigurado ako na kukulangin iyang perang dala mo." sabi niya sa akin.

Tama nga siya. I still have to buy bag at kung bibili pa ako ng mamahalin na notebooks ay hindi na magkakasya ang pera na binigay ni Lola para sa akin. "I understand." and I groaned.

Kumuha na lang ako ng notebooks na bibilihin ko, kinuha ko na lang iyong mura lang para may matira pa sa pera ko. Pagkatapos naming bumili ay lumabas na rin kami doon sa store. Sunod naman kaming bumili ng bag, pero si Jared ay hindi na bumili ng bago kasi sabi niya okay pa naman daw ang bag niya dati.

Sumunod lang siya sa amin habang pumipili kami at kami lang ni Molly ang bumili ng bagong bag. At pinili ko nga ang brown na backpack kay Molly naman ay iyong red.

Pagkatapos naming bumili ng mga gamit namin ay nag-aya si Molly na kumain kami muna saglit, nagugutom na raw kasi siya. "Kumain muna tayo, Kuya Jared." sabi niya.

"Sa bahay na lang." sabi ni Jared habang bitbit ang pinamili ni Molly.

Lunch time na rin kasi. "Ehh... Kuya. Nagugutom na ako." sabi pa ni Molly.

Tinigyan siya ni Jared. "Magtitipid tayo Molly." maikling sagot niya dito. Hindi ko maintindihan kung bakit pilit siyang pinagtatanggol sa akin ni Molly na mabait na halatang hindi naman.

Mukhang nagugutom na nga si Molly. "It's okay, Jared. I'll treat you guys na lang." aya ko. Tamang-tama naman kasi na may natira pa sa pera ko.

"Huwag na, may pera rin naman kami." he refused. Kita mo talaga 'to!

He's really getting into my nerves. Pero I need to be patient, kasi naisipan nila akong isama dito. "It's okay, it's on me this time. Kaya kumain na lang tayo."

"Sige na, Kuya Jared. Kumain na kasi muna tayo bago umuwi.'' si Molly.

Jared sighed. "Tsk... fine. Pero ako na lang ang manlilibre sa ating lahat. Hindi ko hahayaan na ikaw ang magbabayad." sabi ni Jared sa akin.

You're Still The One (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon