26

3.1K 58 0
                                    

Nathalie's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi lalo na sa kakaisip sa nangyari kahapon sa amin ni Jared.

Nagtataka nga sina Lola at Lolo kung bakit ang laki raw ng eyebagas ko kasi kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Jared kaya hindi ako nakatulog ng maayos.

He kissed me!

Hindi pa nga sana ako sasabay kina Jared at Molly ngayong araw kasi parang hindi ko pa kayang makita si Jared. I dont' know what to act after that kiss. Pero wala na akong nagawa kasi sinundo ako ni Molly sa bahay.

Kaya magkasama kaming tatlo ngayon habang naglalakad papuntang school and Jared is being quiet the whole time. Wala itong ka imik-imik simula pa kanina. At hindi ko naman ito matignan kasi naiilang din ako sa nangyari sa amin kahapon.

Naaalala niya ba ang nangyari sa amin kahapon? "Bakit ang tahimik niyo naman ata ngayon?" tanong ni Molly habang pagtataka.

Agad akong napayuko."Wala n-naman."

"Ang laki pa ng eyebags mo, Nathalie oh. Nakatulog ka ba kagabi ng maayos?" tanong niya.

Ngumiti naman ako ng pilit, "Oo naman. Ano ka ba!" sabi ko. Ayoko na kasing mapag-usapan.

Napatingin naman siya kay Jared. "Ikaw naman, Kuya. Ayusin mo na nga 'yang sarili mo. Tignan mo oh! Pareho na kayo ni Nathalie na may malaking eyebags!"

Nagtagpo naman ang tingin naman ni Jared pero agad itong umiwas ng tingin sa akin. Is he avoiding me? "Hayaan mo na lang ako Molly."

"Paano kita hahayaan? Eh, Kuya kita! Huwag mo na ngang sirain 'yang buhay mo ng dahil lang sa kanya!" naiinis na sagot ni Molly.

Tinignan lang ito ni Jared.

Nang malapit na kami sa gate ng school ay nakita kaagad namin na naka angkas si Audrey sa motor ni Kevin papasok sa eskwelahan.

Agad akong napatingin kay Jared at nakita niya rin iyon.

I saw how Jared closed his fist. At dali-dali siyang naglakad papalapit sa kanila. Bigla na naman akong kinabahan. Kaya binilisan din namin ni Molly ang paglakad baka kasi kung ano pa ang magawa niya kay Kevin.

"Kuya! Saan ka pupunta?! Hintayin mo kami." at tumakbo na kami para mahabol si Jared pero hindi ito nakinig sa amin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad pero nakakuom na ang mga kamao nito kaya alam namin na hindi maganda ang mangyayari.

Nang makarating kami sa loob ng school ay nakita namin na masayang nag-uusap sina Audrey at Kevin habang naglalakad.

Agad na hinatak ni Jared si Kevin at sinuntok agad ito sa mukha.

Napatingin naman sa amin ang mga tao nang makitang agad na tumilapon si Kevin. Nagulat naman si Kevin doon at hindi niya inaasahan ang nangyari.

"Kevin! Oh, no!" Audrey was surprised to witness that.

Napatingin naman siya kay Jared pero mas inuna nitong nilapitan si Kevin. Kaya kami ni Molly ay kaagad naman na lumapit kay Jared para hawakan ito. Baka kasi ano pa ang magawa niya kay Kevin.

"Ano ba ang problema mo, Jared?Sinabi ko naman sayo na wala na tayo diba!?" galit na galit na saad ni Audrey at tinulungan niyang makatayo si Kevin habang hawak ang kanang pisngi nito na namumula na suntok na ibinigay sa kanya ni Jared.

Bigla namang napunta ang tingin ni Kevin sakin. Mukhang sinungaling nga talaga ang lalaking 'to kasi noong nakaraan, ang sabi nito ay hindi niya gusto si Audrey, at ako ang gusto nito pero iba naman ang kinikilos niya ngayon.

"I get it that we're done pero ayokong sumasama ka sa walang hiyang 'yan!"

Audrey laughed at tinignan niya ng maigi si Jared. "We're over, Jared. You don't have the right to dictate to me anymore."

Natigilan naman si Jared sa sinabi ni Audrey sa kaniya. "Are we really over, babe?" he asked.

Nasasaktan ako sa inaasata ni Jared ngayon.

"Gumising kana Jared! At tanggapin mo na lang na wala na tayo." Audrey hissed at him.

Nakita ko kung paano nasaktan si Jared sa binitawang salita ni Audrey, ganun din si Molly. "Ate Audrey... hindi mo na ba talaga mahal si Kuya Jared?" nagulat ako ng biglang nagsalita si Molly. "Sobrang mahal na mahal ka kasi ni Kuya at ayokong makitang nasasaktan siya." at nakita kong naluluha na rin si Molly.

Pero bakit naluluha na rin si Audrey? Hindi ko na alam kong ano ba talaga ang nararamdaman niya. "I'm so sorry, Molly, but I d-dont love your Kuya Jared a-anymore." she suddenly looked away.

Ganun nalang ba talaga kadali yun? Bigla na nga lang ba nawawala ang lahat? "You heard that Jared? Hindi kana mahal diba? Kaya tigilan mo na si Audrey." sabi ni Kevin at tinignan ng mapang-insulto si Jared.

He's not helping! Kevin is just provoking Jared.

Si Jared naman ay tinignan lang ng masama sina Audrey at Kevin. "Huwag kang makikisali dito Kevin kung ayaw mong masuntok kita ulit." pagbabanta niya.

Lumapit naman si Jared kay Audrey. "Mukhang ito talaga ang gusto mong mangyari... pero gusto kitang tanungin ulit, Audrey. At gusto ko sana na sagutin mo ang tanong ko ng walang halong kasinungalingan." he continued, "Hind mo na ba talaga ako m-mahal?" and his voice cracked.

It's my first time seeing Jared being vulnerable. Audrey gently gleamed at him and nodded. "I already told you, Jared. I am s-sure that I don't love you anymore." walang pag-aalinlangang sagot nito.

Jared forced a smile. "I see. I get it, sana maging masaya ka." at bigla nalang umalis si Jared sa harapan namin.

Alam kong nasaktan siya. Pero nakita kong naluluha pa rin si Audrey ngayon sa harapan namin.

I looked at Audrey. "Naiiyak ka?" napatingin naman siya sa akin. "Ang duwag mo naman pala. Sobrang mahal ka nung tao oh. Pero ang problema, duwag ka. Sana marunong ka ring pahalagahan siya" saad ko. At iniwan na siya namin ni Molly doon.

A/N: What do you think about Audrey guys?❤️

You're Still The One (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon