28

3.1K 54 4
                                    

Nathalie's POV

Nasa labas ako ng bahay nila Jared ngayon at hinihintay ko lang na makauwi siya. Kanina pa nga ako palakad-lakad dito sa bakuran nila habang naghihintay sa kanya.

Gusto ko kasi siyang kausapin. I am just concerned about him.

Ilang araw na rin kasi noong huling pag-uusap namin.

Maya-maya lang ay dumating na rin ito. At himala! He's not drunk but he's smoking at may hawak ito na sigarilyo sa kamay niya.

I just realized that everytime he is smoking, it only means, he's stressed out or he has a problem.

When our eyes met, he chose to ignore me na para bang wala lang itong nakita sa harapan niya.

I scoff.

Ilang minuto akong naghintay dito tapos babaliwalain niya lang ako. "Hey, wait!" at hinawakan ko ang braso niya. Pero agad akong napaubo sa usok ng sigarilyo niya.

Napatingin naman ako sa labi niya at may sugat naman iyon. Bago lang 'to ah! Nakipag-away na na naman siya panigurado. Ang gulo gulo pa ng buhok niya. "Ano'ng kailangan mo?" he plainly said.

Parang ang sakit lang ng pakikitungo niya sa akin ngayon na para bang wala kaming pinagsamahang dalawa. He treats me like a stranger.

It all started from the day he kissed me. Hindi niya nga ba talaga naalala 'yon? "Can I talk to you?"

His forehead knotted. "Tungkol saan?"

"Tungkol sayo."

At hinithit muli ang sigarilyo na dala-dala niya. "Bakit?"

"Can we talk in the park? Iyong tayong dalawa lang sana."

"We can talk here, Nathalie." he's so cold.

"Pero-"

He cuts me off, "Wala na akong time para diyan, Nathalie. Sabihin mo nalang kung ano ang gusto mong sabihin sa akin ngayon." at binuga nito ang usok ng sigarilyo niya.

Tinakpan ko naman ang ilong ko. "I already told you that smoking is not good to your health."

"Iyan lang ba ang sasabihin mo?"

"Jared naman."

Agad niya naman akong tinalikuran. "Kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ako."

Ang bastos naman niyang kausap. Pero kailangan ko talaga siyang makausap ngayon. "Kinakausap pa kita, Jared. Nakikita mo pa ba ang sarili mo ngayon?"

Napalingon naman siya sa akin. "Anong klaseng tanong 'yan? Malamang oo, Nathalie." at tumawa ito ng pagak.

I shake my head. "No, you're not! Look at yourself right now, Jared! Tignan mo nga! Ibang-iba kana."

Nilapitan niya naman ako. "Okay naman ako Nathalie ah. Ano bang pinagsasabi mo diyan."

"Yun ang akala mo, Jared. Maawa ka naman sa sarili mo, kasi maraming tao na rin ang nag-aalala sa'yo. At paano na lang kapag nagkasakit ka? Mas mag-aalala sila sa'yo."

Umiwas ito ng tingin sa akin. "Wala kana dun, Nathalie. Kaya ko na ang sarili ko."

"Sa tingin mo ba kapag papabayaan mo ang sarili mo ngayon ay babalikan ka pang nung Audrey na 'yon? Iniwan ka na nga diba!?" I shouted.

Napatingin naman ito kaagad sa akin at biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya ng nabanggit ko na si Audrey sa usapan. "Huwag mong idadamay si Audrey dito."

I smirked. "Totoo naman ah. Iniwan ka na niya, Jared! Hindi kana niya babalikan! Ayusin mo na nga 'yang sarili mo Jared. Marami pa namag ibang babae diyan eh!"

You're Still The One (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon