Nathalie's POV
"Apo, gumising kana diyan at bababa na tayo ng bus." pag gising ng isang matandang lalaki sa'kin. Kaya napamulat naman ako, the one who wake up is Lolo Pedro at nasa bus na kami ngayon pauwi sa kanila.
Labag man sa kalooban ko ang lahat ng nangyayari ay wala naman akong nagawa sa desisyon nila para sa akin. I didn't had the choice to choose, that's why I am here with them. And I have to live with them.
Tinapik naman ni Lola ang balikat ko. "Tara na, Apo bumaba na tayo kasi sasakay pa tayo ng tricycle papunta sa bahay." sabi naman ni Lola Fely at binuhat ang mga dala namin.
Agad namang tumaas ang kilay ko sa narinig ko. "Tricycle? Do you mean iyong maliit na sasakyan? Na kapag makasakay ka doon ay malalanghap mo yung dumi ng kalsada?!" nakasakay na kasi ako sa tricycle noon, at dito rin iyon noong nagbaskyon kami dito nina Mommy at pagkatapos kong makasakay doon ay naalala kong muntik pa akong ubuhin pagkatapos.
Hinawakan naman ni Lolo ang kamay ko. "Oo, Apo. Pero huwag kang mag-aalala sa loob ka naman uupo ng tricycle."
"Oo nga, Apo. Hayaan mo at masasanay ka rin sa buhay probinsya." at ngumiti pa si Lola Fely sa akin.
Sumikip naman bigla ang dibdib ko sa hinanakit. Ayoko talagang tumira dito, malayo ito sa buhay na kinagisnan ko. Hindi ako nararapat na tumira dito. "Ayoko po, Lola. Pwede bang mag taxi na lang tayo. Para may aircon naman. Ang init naman kasi dito." tanong ko.
Agad naman siyang umiling. "Ano ka ba, Apo. Walang ganito dito... sa siyudad ka lang makakakita ng taxi at dito sa probinsya walang taxi rito. At saka wala ka namang dapat ikabahala kasi ligtas ka naman sa tricycle."
"Oo nga, Apo. Hali kana at bumamaba na tayo ng bus. Baka gabihin pa tayo nito mamaya eh." sabi ni Lolo at bumaba na nga kami.
Dala-dala ko naman ang backpack ko na naglalaman ng mga gamit at damit ko. Ang ibang gamit ko ay dala-dala nila Lolo. Yung ibang gamit na hindi na namin makayang dalhin mula sa bahay ay ipinaiwan nalang sa bahay namin nina Mommy. Wala na rin naman akong kayang magawa pa sa bahay namin kasi ibebenta na rin iyon nina Lolo para daw sa pag-aaral ko, lalo na kapag tumuntong na ako ng kolehiyo. Mahirap man para sa kanila na ibenta iyon... pero kailangan kasi hindi naman nila kayang mamuhay sa siyudad kasi dito na raw sila lumaki sa probinsya.
Halos maubos na rin kasi ang pera na naiwan sakin ng mga magulang ko sa akin. Kasi sa nagastos na namin sa paglilibing at pag-uwi ng katawan nila rito. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa kanila. Kasi parang sa isang iglap ay nawala sila sa akin... sa hindi ko inaasahang araw.
"Apo, bilisan mo ang paglalakad para makahanap tayo kaagad ng tricycle."
Naglakad pa kami ng ilang minuto mula sa babaan ng bus bago kami umabot sa terminal ng mga tricycle. Kinausap naman ni Lolo Pedro ang isang tricycle driver doon at pagkatapos noon ay sumakay kami sa tricycle. Nilagay naman ni Lolo at ng driver ang aming dala sa likuran ng tricycle. Sa loob nga ako sumakay at si Lola naman ay sa tabi ko umupo, samantala si Lolo Pedro ay sa likod ng driver umupo.
Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mabahing kasi hindi kaya ng ilong ko ang maalikabok na daan.
Matagal-tagal din ang byahe at halos ginabi na rin kami bago nakarating sa bahay nila Lola at Lolo.
Bumaba naman sina Lolo at Lola kaya bumaba na rin ako sa tricycle. Tumulong naman ang tricycle driver sa amin sa pagdala ng mga gamit. Pagkatapos nun ay nagbayad na si Lolo ng pamasahe namin at umalis na rin ito. "Nandito na tayo, Apo." sabi ni Lola Fely sa akin.
Lumapit naman si Lolo sa akin. "Alam kong magugustuhan mo rin dito, Apo." hindi ko lang sila sinagot.
Kasi alam kong hindi ko magugustuhan dito. Pagkatapos nun ay nagsimula na nga kaming pumasok sa loob bahay nila.
Yung bahay nina Lolo at Lola dito ay maliit lang kumpara sa bahay namin sa siyudad. Mas magarbo ang bahay namin doon at dito ay simple lamang. Hindi ko nga alam kong paano sila namumuhay dito kung ganito lamang ang bahay nila.
Inilagay naman namin nina Lolo ang gamit namin sa sala. Napaupo naman ako sa upuan at pumaypay gamit ang kamay ko. Ang init na kasi eh, pinagpapawisan na ako. Kaya napatingin naman sa akin si Lolo. "Naiinitan ka ba Apo? Pasensya kana Apo ha. Wala kasi kaming aircon dito sa bahay."
Napatingin naman ako kay Lolo. Anong ibig sabihin niyang wala? "Ano po? Wala pa rin po kayong aircon dito? Then, how can I survive here without aircon? Hindi po talaga ako nakakatulog kapag walang aircon." and I am already frustated. Kakarating ko pa lang ay parang gusto ko ng umuwi.
This is one of the reasons why I hated to be here. "Pero Apo, mahangin naman dito sa probinstya kaya hindi mo na kailangan ng aircon. At makakatipid pa tayo ng kuryente, diba?" paliwanag ni Lolo.
"I can't believe this!" I said in frustration. Gusto ko na lang matapos ang araw na 'to. "Pwede ko na po bang makita kung na saan ba dito 'yong kwarto ko? Para makapagpahinga na po sana ako." sa nakikita ko kasi dalawang kwarto lang ang nandito.
Lumapit naman si Lola sa akin. "Yung nasa kanan Apo, sayo 'yan." at tinuro ang kwarto sa akin. Tinalikuran ko na lang sila at dinala ang bag ko. At padabog akong pumasok doon.
Noong pinasok ko ang kwarto ko ay agad akong napangiwi sa itsura nito kasi napakaliit nito. At ang higaan ko ay tanging banig lang. Seriously? Wala na ngang aircon, wala pa ring mattress or foam?
Hindi man lang ba sila humingi noon kay Mommy ng pera pambili ng aircon at foam? O' di kaya'y pambili ng gamit sa pagpapalaki ng bahay nila dito sa probinsya para mas maganda naman tignan ang bahay nila.
I just growled.
Sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang humiga na lang banig. Kahit naninibago ang katawan ko ay wala akong nagawa.
I curled and hugged my knees. And I don't like what I feel right now... there's only grief and pain.
Naninibago naman ako sa higaan ko ngayon kasi hindi siya comfortable sa akin ito ang una kong pagkakataon na mahiga sa ganito kasi matigas yung hinihigaan ko para sa akin. Samantala noon ay napakalambot at napakomportable.
Tumingala na lang ako sa kisame at naalala ko naman si Mommy at Daddy kaya hindi ko maiwasang umiyak na naman.
"I miss you already... Mommy and Daddy." I whispered.
Gabi-gabi ay hinihiling ko na sana ay panaginip lang ang lahat na sana hindi sil nawala sa akin. Hinihiling ko na sana ay kasama ko pa rin sila hanggang ngayon. Mas lalo akong napaiyak nang napagtanto ko na hindi na ulit mabubuo ang pamilya ko. Kasi iniwan na nila ako and now, I don't know if I can survive without them.
A/N: Keep reading guys❤️
BINABASA MO ANG
You're Still The One (REVISING)
AcakSi Nathalie Guevera ay lumaki sa nakasanayang magandang buhay na kung saan lahat ng gusto nito ay nakukuha niya, ngunit papaano kung sa isang iglap lang ay mabago ang nakasanayang buhay nito? And that happened when her parents died in a car accident...