14

3.4K 72 1
                                    

Nathalie's POV

"Mag-ingat ka, Apo." sabi ni Lolo.

Kakatapos lang namin mag-almusal at papasok na ako ngayon sa eskwelahan. "Opo, Lolo." at lumabas na ako ng bahay.

Sinadya kong mag pa huli ngayon sa klase para hindi ko makasabay sina Jared. Pagkatapos ng nangyari sa amin kahapon ay 'di ko alam kong paano ko pa siya kakausapin.

Kapag galit talaga siya ay wala siyang pakialam kung ano ang lalabas sa bibig niya. He's so impulsive and I don't like that attitude of him.

Paglabas ko ng bahay ay nagulat ako ng makita ko rin si Jared sa labas ng bahay nila na nakatayo at parang bang may hinihintay ito.

Nagtagpo naman 'yung mga mata namin. "Nathalie." pagtawag niya pero hindi ko lang siya pinansin at nilampsan ko lang ito.

Akala niya nakalimutan ko na 'yung ginawa niya kahapon. "Teka lang." at hinabol niya ako at nasa unahan ko na siya ngayon.

"What?" at tinaasan ko siya ng kilay.

"Galit ka ba?"

Hindi ba halata? "Hindi." I lied.

He sighed. "Alam kong galit ka sa akin. Kaya nga nagpahuli ka ngayon para hindi mo ako makasabay diba?" aniya.

I rolled my eyes at him. "Alam mo naman pala eh! Ba't mo pa tinatanong." saad ko.

He bit his lower lip. "I'm sorry." saad niya. Naramdaman ko naman ang sincerity sa apology niya.

''Sorry for what?''

He looked at me intently. "I am really sorry for what happened yesterday." pag-uulit niya. Here we go again, parang nadadala na naman ako sa mga tingin niya. Para akong nanghihina kapag tinitignan ko siya sa mga mata lalo na kapag ganito siya kalapit sa akin.

"It won't happen again. I'm sorry."

"Bakit sakin ka humihingi ng tawad? Diba dapat kay Kevin?"

Umiwas naman siya ng tingin. "Hindi kami okay nun."

"Bakit naman?"

"Basta." malamig na sagot niya.

Dahil ba yon sa girlfriend niya? Nagseselos ba talaga siya kay Kevin? "Is it because of your girlfriend?" I asked.

Napatingin naman siya ulit sa akin. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Huwag na muna nating pag-usapan ang bagay na 'yan." at naging malamig na naman ito.

Kanina lang ay humihingi ito ng tawad pero ngayon mukhang magagalit na ito sa'kin. Kaya mas lalo akong naiintruga sa girlfriend niya. "Who's your girlfriend ba? I haven't met her yet." kailan pa kaya ako naging curious sa love life ng iba.

He chuckled. "I'll tell you more about her but in one condition..." at ngumiti ito sa akin. Baliw na ata.

"Ano?"

"Makipagbati ka muna sa akin." aniya.

Seryoso ba siya? Pero gusto kong makilala ang girlfriend niya.

I sighed. Since he already apologize naman na. "Tsk. Fine. We have a deal, then."

"That's good! Tara alis na tayo. Sasabihin ko na lang sa'yo habang naglalakad tayo papunta tayo sa school." at nagsimula na kaming ulit maglakad.

Tinignan ko naman siya. "Sabihin muna kasi kung sino ang girlfriend mo."

He cleared his throat and put his hands inside his pocket while walking.

Why did he look so attractive right now?

B-but... What? No, he's not! Ano na naman ba 'tong nasa isip ko.

You're Still The One (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon