7

4K 94 0
                                    

Nathalie's POV

Sa pagtakbo at paglalakad ko ay hindi ko namalayan na napadpad na pala ako dito sa isang park na malapit sa isang paaralan, hindi ko aakalain  na meron pala nito rito.

Pinahiran ko muna ang mga luha na patuloy na umaagos sa pisngi ko. Ayoko namang pagtinginan ng mga tao.

Jared was so harsh. Hindi niya man lang naisip kung ano ba ang mararamdaman ko.

Everything was not my fault! He was the one who started this fight at kasalanan niya iyon lahat.

Ganun na ba ako kasama para pagsabihan niya ng mga ganong bagay? Bakit ba ang init ng dugo nun sa akin. Hindi niya nga ako kilala eh, kung makapagsabi naman siya ng masasakit na salita parang nakasama niya naman ako ng ilang taon.

Pagkatapos kong kalmahin ang sarili ko ay naisipan kong umupo sa isa sa mga swing sa park. Pero natigil ako ng makita kong parang may kaguluhan sa di kalayuan.

Puro mga lalaki ang nandoon. Pero parang kinakawawa nila iyong isa. Are they bullying him?

Mukhang nakakatakot din ang mga lalaki doon. Tutulungan ko ba siya? Pero baka ako 'yong mabugbog doon. Pero hindi naman kaya ng konsensya ko na makitang may inaapi. Lalo na at ako ang palaging napipili na president sa classroom namin.

Naaawa na ako sa isang lalaking kinakawawa nila kaya naisipan kong pumunta sa banda nila.

Bahala na!

Lumapit pa ako sa kanilang lahat and I took a deep breath, "Hoy! Tigilan niyo na nga 'yan!" awat ko sa kanila at bigla kong hinawakan ang kamay ng isang lalaki na mukhang susuntukin na iyong inaapi nila. Mukhang siya rin kasi iyong leader ng grupo.

Natigil naman silang lahat dahil doon at napatingin silang apat sa akin, lalo na iyong lalaking sinita ko. Tinignan niya ako ng masama at napatingin ito sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "What do you think you're doing?" napakalamig na tanong nito sa akin.

Hindi ko alam kong bakit bigla akong kinabahan sa kanya kaya dali-dali kong kinuha ang kamay ko sa kanya.

Now, I think I'm in big trouble!

Pero ako iyong nasa tama! He's just a bully. Kailangan kong maging matapang para mailigtas iyong kinakawawa nilang tatlo. "How about you? What do you think you're doing?" pabalik na tanong ko sa kanya.

He scoffs, seems like he cannot believe what he had just witnessed. "At sino ka namang bata ka?" may halong galit na tanong nito sa akin. Ang mga kasamahan naman niya ay nakatingin lang sa akin mula ulo hanggang paa.

I crossed my arms. "Excuse me? For your information, I'm not a child anymore. I'm already seventeen years old." I said.

"Aba't! At talagang sinasagot-sagot mo pa talaga ako!" tumiim pa ang bagang nito. Tinignan ako nito ulit ng masama na para bang tinutunaw na niya ako sa galit.

Pero hindi ko maiwasan na titigan siya. Singkit kasi 'yung mga mata niya tapos maputi pa siya at inaamin ko na may itsura rin pala siya. Tapos mukhang magkahawig pa silang tatlo ng kasama.

Mga magaganda nga ang mukha pero bully naman. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh."

Bigla namang nagsalita ang kasama niya. "Bata, sa tingin mo ba sino ka para mag tapang-tapangan dito?"

Mga masasama talaga ang ugali nila! Pero ayaw kong mag patalo. "I'm Nathalie." and I raised my eyebrows.

The guy in front of me chuckled, "Gusto mo bang makatikim ng suntok?" at tinakot pa talaga ako nito.

"Of course not! What do you think of me, stupid?" asik ko sa lalaking mukhang leader nila. Nakita kong napatawa ng bahagya iyong mga kasamahan niya sa sinabi ko.

You're Still The One (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon