CHAPTER 4 - Bus

8.2K 212 2
                                    

Chloe Zamora


Sa loob lamang ilang ng oras, nagbago ng tuluyan buhay ko. Thanks to my ever-loving stepmother na isa din palang ahas tulad ng anak niyang si Arabella. Ang daddy ko lang ang tanging makakatulong sa akin sa ngayon.

Bakit kasi may pa-codes codes pa siya? Sana sinabi na lang niya sa akin ng derecho na may pagka psycho ang new wife niya?

Sumakay ako sa isang provincial bus papunta sa island na tinutukoy ng daddy ko sa sulat niya. Kilala ko si Janice. She is smart and she has vast connections. Kung gusto niya ko hanapin, magagawa niya 'yon gamit ang pera ng daddy ko.

Kung gusto ko pang mabuhay, kailangan kong tanggalin lahat ng evidences na magsasabi na ako si Chloe Zamora, the heiress. Mula sa pagiging socialite princess, mukha na ako ngayong isang ordinaryo na babae na may suot ng cheap clothing.

"Is this seat taken?"

Boses ng isang lalaki ang nagpagising sa akin habang nakatulala ako sa loob ng bus. He is wearing a fitted shirt and faded jeans like a handsome action star. A black baseball cap and Ray-Ban Aviator sunglasses is almost covering his face.

"May problema ba tayo?" inis na tanong uli sa akin ng lalaki.

I blushed when I realized that I was stupidly staring at this magnificent creature in front of me.

Hindi ko din alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa lalaking kaharap ko. Siguro dahil sa kanyang American accent.

"No, it is not taken," maikli kong sagot sabay tingin sa bintana ng bus.

I am Chloe Zamora. I eat confidence during breakfast, lunch and dinner! Bakit ako kinakabahan sa lalaking ito?

Umupo ang lalaki sa tabi ko, pero hindi ko siya tinapunan ng kahit isang tingin. I can smell his perfume at mukhang mababaliw ata ako sa mabangong lalaking katabi ko.

Lumipas ang ilang minuto at naramdaman ko na tulog na ang lalaking sa tabi ko. Dahil nanalo ang curiosity ko, pinagmasdan ko mabuti ang lalaking suplado na akala mo ay meron menstruation.

I found myself examining every feature of this gorgeous man. From his perfect face to his undeniably sexy lips, I was staring at him with awe.

Kilala ko ba ang lalaking ito? Bakit familiar ang mukha niya? Geez, he really looks gorgeous up close!

Marami na ko nakilala na mga gwapo at makisig na lalaki sa buhay ko. Sa totoo lang, I don't give a shit about them. For me, they are all the same. They want to flaunt their bodies and dicks as if they are for sale.

However, this man seems to entice every little piece of me like I am a moth drawn to a flame. Ganito din ang naramdaman ko noong nakita ko ang misteryosong lalaki sa club ni Ashton.

Is he the same man?

I doubt it. The man who took my innocence looks like a rich businessman. He is wearing a semi-formal attire at halatang mula sa mayaman na pamilya. Ang lalaking katabi ko ngayon at tila isang raggedly handsome probinsyano with American accent.

Lahat ba ng probinsyano ay ganito ka-hot? Damn it! Sana sa probinsya na lang ako nanirahan!

"Pasado ba ko sa panlasa mo?" tanong ng lalaki habang nakapikit.

"I am sorry? What did you say?"

"I said, are you done exploring my features?"

This time, he opened his eyes and smiled at me. I almost gasped when I saw his perfect white hiding inside his luscious lips.

"Hoy lalake, anong pinagsasabi mo?" inis kong tanong sa kanya sabay tingin uli sa bintana.

Paano niya nalaman na tinitignan ko siya? Nakakahiya!

"Next time kasi, maging discreet ka naman. Huwag ka masyado pahalata," nakakaloko na sabi ng lalaki sabay takip ng baseball cap sa mukha niya.

Hindi ko alam kung saan ako magtatago dahil sa kahihiyan. Nagmukha tuloy akong sabik sa lalaki. Gusto ko sana lumipat ng ibang seat, pero mukhang puno na ang bus. Mukhang kailangan ko magtiis ng ilang oras na katabi ang poging probinsyano na ito na may slight American accent.

The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon