CHAPTER 8 - Dora

7.8K 201 2
                                    

Chloe Zamora


Hindi ko inaasahan na magiging hostile sa akin si Luke Torres. He was a kind kid when we were young. And yet, knowing that Markus and Luke are the same person makes me feel relieved.

Tama lang ang daddy ko na pagkatiwalaan si Luke. Walang masyadong alam si Janice tungkol kay Franco Torres. Ang alam lang ni Janice, dito sa isla lumaki ang daddy ko at ang kapatid niya na si Aunt Liza.

Pagkatapos ng mahabang byahe sa highway, kumaliwa si Luke sa isang rough road. Sa dulo ng daan, may maliit na village na may colorful bungalow houses. Bumaba si Luke sa sasakyan at inutusan niya ako na sumunod sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta? Saka pwede dahan dahan ka maglakad?" tanong ko sa kanya dahil ang bilis niya maglakad.

"I don't think we have all the time in the world, princess," sagot niya sa akin sabay katok sa isang bahay na kulay hot pink.

Lumabas ang isang lalaki na nakasuot ng fitted white shirt na naka-tuck in sa loob ng kanyang faded blue pants. Awkward din ang kanyang bright and blonde hair na contrasting sa kanyang tanned complexion. Nevertheless, this man looks attractive.

"Ivo San Gabriel, this is Chloe Zamora. Fix her hair. Gawin mo siyang typical na na probinsyana. Plain and unattractive. Ugly if possible," utos ni Luke.

"Teka lang, baby. Sino ba ang magandang babaeng ito?" tanong ni Ivo sabay kuha ng kamay ko para pumasok sa bahay.

Pagpasok ko sa loob, pinaupo niya ko sa isang high chair sa tapat ng malaking salamin. Mukhang hindi ito bahay kundi isang beauty parlor. Napansin ko din ang mga blower at ilang kagamitan na ginagamit ng isang hairdresser.

"Ivo, just do you magic. Wala ng maraming tanong, please?" sabi ni Luke sabay upo sa bakanteng upuan.

"Alright, baby. Masyado kang bugnutin. Hindi ko nga alam kung bakit ka hinahabol ng mga girlats kahit may attitude problem ka. Chloe, heads up lang. Barubal kausap madalas 'yang si Luke pero don't be fooled by his facade, he is a good man and he is kind hearted."

"Ivo..." Luke stopped him with warning.

"Okay, fine! Shut up na ko!"

Dahan dahan na ginupit ni Ivo ang long light brown hair ko. Gusto ko umiyak habang bumabagsak ang buhok ko sa sahig. Hindi kasi ako sanay na maikli ang buhok ko. Ang pangit pa ng haircut ko at mukha akong tanga sa buhok ko na may bwiset na bangs.

Nilagyan din ni Ivo ng black hair color ang buhok ko. Within minutes, I transformed into someone I don't know. Ashton will go hysterical kapag nakita niya ang buhok ko na mukhang bunot.

Para tuloy akong si Dora The Explorer!

"Take a picture of her and print a copy for me," utos na naman ni Luke kay Ivo.

"Para saan, baby?"

"Susundin mo ba ko or magtatanong ka pa?"

"Sungit mo naman, baby. Sungit niya noh?" tanong sa akin Ivo at ngumiti lang ako sa kanya.

Hindi masungit si Luke, isa siyang nakakainis na nilalang at isang antipatiko. Sinunod naman ni Ivo si Luke at sa loob lang ng ilang minuto, may printed photos na si Ivo.

"This will do. Salamat, Ivo."

"You are always welcome, baby. Chloe, alagaan mo ang baby ko ah?" sabi ni Ivo with a seductive voice habang palabas kami ng bahay niya.

Gusto ko umiyak dahil sa hitsura ko ngayon, pero kung kailangan na magpakalbo ko para hindi ako makilala ni Janice, gagawin ko.

"Luke, may something ba sa inyo ni Ivo? Are you a thing? Baby kasi ang tawag niya sa'yo," tanong ko kay Luke nang makaupo ako sa passenger seat.

"Seriously, Chloe? Mukha ba akong boyfriend ni Ivo sa'yo?"

"Eh baby tawag niya sa'yo eh! But no worries, Luke. I don't really mind your gayness. Hindi naman ako judgmental kung nag-iba ang preference mo," sabi ko sabay halakhak.

Napuno ng evil laugh ko ang sasakyan ni Luke at mukha naman effective ang pang-aasar ko sa kanya dahil naka-clench na ang kanyang mga kamao sa inis.

"Ipaalala mo sa akin mamayang gabi na gay ako. I will surely prove some manly things to you," he said as he gritted his teeth.

"I can't wait for it, Your Gayness!"

"Chloe, I will pretend that I did not hear that," sagot ni Luke sabay irap sa akin.

The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon