CHAPTER 22 - Ambrosio

6.8K 148 1
                                    

Chloe Zamora


TAKOT na takot ako dahil sa nangyari sa isla. Pinipilit ko lang na maging matapang para kay daddy.

Tumigil ang motor boat sa isang wooden port na malapit sa isang private beach resort. Biglang napakapit ako sa braso ni Luke nang makita ko ang apat na lalaki na palapit sa amin. Ang isa ay lalaking nasa late fifties, samantalang ang kasama niya ay tatlong teenagers.

"Luke, sino sila?" bulong ko sa kanya.

"Relax ka lang, princess. I know these men. This old man here is Captain Ambrosio. Ang tatlong lalaking kasama niya ay kanyang mga apo."

Lumapit sa amin si Captain Ambrosio. Kahit may edad na siya, matikas pa rin ang kanyang pangangatawan. Pamilyar na ang pangalan niya. Sigurado ako na kakilala siya ng daddy ko.

"Captain Ambrosio, this is Chloe Zamora. Ang unica hija ni Don Demetrius Zamora. Chloe, Captain Ambrosio is a good friend of your father. Siya ang sinasabi kong Plan B."

Mainit naman akong tinanggap ni Captain Ambrosio. Malapit na kaibigan pala siya ng daddy ko at ng daddy ni Luke.

"Luke, may kailangan ka pa ba bago tayo umalis?" tanong ni Captain Ambrosio.

"Yes, one last thing, Captain. Baka may GPS sa motor boat na ginamit namin ni Chloe. Ayokong masundan nila tayo dito sa private resort mo---"

"Consider it done, Luke. Let us go boys!"

Tinulungan kami ng mga apo ni Captain Ambrosio sa mga dala naming gamit. Sa 'di kalayuan, napansin ko ang isang color royal blue na fishing vessel na may nakalagay na Blue Pearl. Niyaya niya kami na pumasok dito. Mukhang ito ang magiging getaway vehicle namin paalis ng isla.

"Chloe, alam mo ba na ang ama mo ang bumili ng Blue Pearl noong kinapos ako sa pera? Malaki ang utang na loob ko sa daddy mo. Malayo na ang narating ni Demetrius, pero hindi niya tinatalikuran ang mga kaibigan niya. Nakapagpatayo ako ng private resort dahil sa fishing business ko at dahil na rin sa tulong ni Demetrius," sabi ni Captain Ambrosio sabay bukas ng pinto ng isang kwarto.

"Maraming salamat po, captain. Nasa panganib kami ni daddy ngayon at utang na loob din namin sa inyo ang pagtulong niyo sa amin."

"I am happy to help, para sa'yo at para sa kaibigan ko na si Demmy. Pagpasensyahan niyo na ang maliit na cabin. This is not a luxury liner, pero sana maging komportable kayo ni Luke. Kung kailangan niyo ko, puntahan niyo lang ako sa cabin ko," sabi ni Captain Ambrosio bago kami iwan ni Luke.

Inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. It is a clean windowless room, painted in white with two double-deck beds. Para kaming nasa loob ng isang sailor ship cabin.

"Chloe, can I ask you something?" seryoso na tanong ni Luke habang unti unting lumalapit sa akin.

Dahan dahan akong umatras palayo kay Luke, pero mabilis natumama ang likod ko sa double-deck bed. Sa loob ng maikling sandali ay nakalapit na sa akin si Luke at gahibla na lang ang pagitan ng aming mukha.

"Ano ang itatanong, Luke?"

"Gusto mo ba sa top or sa bottom?" mahinang bulong ni Luke sa tenga ko.

"T-top? B-bottom? What do you mean?"

Luke suddenly touched my hair. Pakiramdam ko nga ay isa akong aso na hinahaplos niya. I can feel his lips touching my ear. I closed my eyes when his lips gently touched the outline of my jaw. I just closed my eyes to welcome whatever that will happen next.

"Do you want to use the lower bed or the top one?" nakakaloko na tanong ni Luke na biglang tumigil sa paghalik sa akin.

Bigla kong itinulak si Luke dahil pinaglalaruan na naman niya ko. Aakitin tapos iiwan sa ere tulad ng ginawa niya noong isang gabi.

"Dito na lang ako sa baba matutulog!" inis na sagot ko sa kanya sabay upo sa lower deck bed.

"Bakit galit ka? May iniisip ka bang iba sa top or bottom?" nakangisi niyang tanong.

"Oo, meron! Masaya ka na?"

Tumawa lang si Luke at umupo sa tabi ko. He is enjoying my vulnerability. Kinuha niya sa bag niya ang isang small brown envelope na nasa loob ng zip lock plastic container.

"Ano naman 'yan?"

"Our ticket out of this mess."

Ang brown envelope ay may laman na two passports at identification cards. It also includes several 500 Euro bills and an airplane tickets named after someone else.

"Adelle Schiele and Bruno Schiele? Sino naman ang mga ito?" tanong ko kay Luke nang makita ko ang dalawang identification cards.

"That is our new identities," he answered while grinning.

"Ang corny naman ng name natin."

"Corny? Gusto mo pakainin kita ng corn na color brown?"

"Anong corn na color brown?"

"Slow! Ang sabi ko, we will pretend as a married couple, na nag-travel sa Europe for honeymoon."

"Sana man lang ginamit mong pangalan ko ay Marie or Sophie para pretty and girly. Adelle sounds old-fashioned."

"Kapag hindi ka pa tumigil sa kaka-reklamo mo, isang brown corn talaga ipapasok ko sa bibig mo," sabi ni Luke sabay higa sa lower bed.

"Teka, akala ko ba diyan ako sa baba at ikaw sa upper deck?"

"Not anymore. I want to sleep here beside you," sabi ni Luke hila sa akin palapit sa kanya.

Hindi na ako nagreklamo dahil gusto ko din naman na kasama ang lalaking ito. Parang kahit anong daanan namin na pagsubok, makakayanan ko basta kasama ko siya.

"Alam ba ni daddy kung saan tayo pupunta?" tanong ko habang magkatabi kami ni Luke sa kama.

"I just gave him a small background about my plan B. Alam niya na aalis tayo ng bansa kapag na-discover ni Janice ang hide-out natin."

"Alam mo ba kung nasaan ang daddy ko ngayon? Bakit siya biglang nawala pagkatapos ng car accident niya?"

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung nasaan si Don Demetrius Zamora. Before he did the vanishing act, he asked me to pick you up as soon as I can and bring you to the island. It is my fault, Chloe. Wala akong lakas ng loob na lapitan ka at kausapin ka. I always observed you from afar and I never thought that you will proactively approach me and seduce me," sabi ni Luke sabay halik sa noo ko.

"Luke, broken hearted ako noon, okay? Saka lasing ako at hindi ko masyado maalala ang mga nangyari. Don't tell me, nagrereklamo ka? Nag-enjoy ka naman, 'di ba?"

"Hmmmm... Slight lang."

"Slight lang? Hindi ka nag-enjoy?" inis kong tanong sabay kurot sa braso niya.

"Hey, princess! Huwag mo ko kurutin. Baka may magalit."

"Huh? Sinong magagalit?"

"Mabuti pa matulog na tayo. This cabin is not actually suitable for lovemaking. Ambrosio's men might hear us," sabi ni Luke he pulled me much closer to him.

"Duh? Hindi ko iniisip 'yan ah?"

"Good night, Mrs. Schiele. Bukas matitikman mo ang brown corn ko. I am sure, mag-eenjoy ako sa gagawin mo."

Gusto ko mainis sa pang-aalaska ni Luke, pero nawala ang lahat ng inis ko nang niyakap niya ko ng mahigpit. Nasa gitna kami ng dagat at may mga taong gustong pumatay sa akin, pero panatag ako dahil kasama ko si Luke Markus Torres.

The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon