CHAPTER 18 - Questions

6.8K 170 5
                                    

Luke Torres


LUMABAS ng tent na nagdadabog si Chloe. Hindi ko naman siya masisisi dahil sinungitan ko na naman siya. Siguro ay wala pang lalaki at tumatrato sa kanya ng ganito.

I must admit, I want to be near her all of the time, but sometimes the urge the annoy her is more powerful.

Sinundan ko si Chloe paglabas ng tent dahil baka kung anong gawin ng babaeng ito. I found her rummaging my backpacks. Obvious sa mukha niya na inis na inis siya dahil sa sinabi ko.

Dapat matagal ko nang dinala dito si Chloe. I was asked by her father to bring her right away to our island province, but I can't seem to approach her when I first saw her in the club.

Chloe was my childhood crush, my first love. Galit ang naramdaman ko sa una naming pagkikita. She is almost making out sa mga lalaki sa dance floor. The thought of her dancing with other men infuriate me to the fullest.

"Ano bang hinahalungkat mo dyan?" I asked her as she continued to ransack my belongings.

"May extra shirt ka ba at towel?" inis na tanong niya sa akin.

"The pink bag is yours. Andyan lahat ng kailangan mo---"

"I am going down. I need to pee. Huwag ka na sumunod, kaya ko ang sarili ko," sabi niya sabay kuha ng isang bath towel at shirt.

Wala naman akong choice kundi sundan si Chloe pababa. She is a fast learner as she was able to swiftly climb down these steep walls. Hindi niya maitago ang inis sa mukha niya at natatakot pa rin ako na mahulog siya.

"Luke, may dumadaan ba na bangka dito?" tanong niya habang nagtatanggal ng snickers.

"Bihira ang dumadaan dito. Kahit ang ibang mangingisda ay hindi nagagawi sa islang ito."

"Mabuti naman kung ganun."

Chloe quickly removed her shirt revealing almost everything. She even removed her pants and any traces of clothes kahit nandoon ako sa harapan niya. I saw every inch of her the other night, but she is more beautiful in broad daylight.

Is she seducing me and using her naked body as her weapon?

And something inside my pants knows that she is slowly succeeding with her seductive plot!

"Next time, bigyan mo ko ng heads-up kung balak mong mag hubad sa harapan ko," sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Why should I? Hindi mo naman ako type, 'di ba? Anong sabi mo sa akin kanina? You won't touch me?"

"I won't touch you, Chloe."

"Hayun naman pala eh, bakit ka nakatalikod sa akin? Are you affected? Tara, maligo tayo sa dagat, Luke. Unless you can't stand my naked body," natatawa na sabi ni Chloe habang dahan dahan na naglalakad papunta sa tubig.

"As I have said, I won't touch you and I am also not affected," sagot ko sa kanya sabay hubad ng damit ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko pinatulan ang offer ni Chloe. Barging in her room a few nights ago was mistake. Ang buong akala ko, matatanggal ng alcohol ang attraction na nararamdaman ko para sa kanya, pero tila lumala pa.

Don Demetrius will kill me if he finds out that I touched her precious daughter.

"Luke, can I ask you something?" tanong ni Chloe habang lumalangoy sa 'di kalayuan.

"Go ahead, but I can only answer three questions."

"Tatlo lang? Ang tipid mo naman!"

"Anong itatanong mo, Chloe?"

"May girlfriend ka na ba? Mukha kasing badtrip ka sa mundo. Duda ko na may babaeng tatagal sa kupal na pag-uugali mo."

"No, wala akong girlfriend," maikli kong sagot sa kanya nang maramdaman ko na unti unti siyang lumalapit sa akin.

"Next question, ilan na ang naging girlfriends mo? Rough estimate?"

"I lost counting. Last question, princess," kabado kong sagot sa kanya dahil malapit na siya sa akin.

"Luke... Are... You... Gay?" she savored every word in her lips like an alluring water nymph.

This time, I glared at her. She is just a few feet away from me and I can perfectly see the contour of her naked body in the water.

Halatang ginagalit niya ko sa mga tanong niya at mukhang nagtatagumpay siya.

"Do I look gay to you? Hindi ba napatunayan ko na sa'yo 'yan noong isang gabi? The last time I remember, you were shouting my name! Nakalimutan mo na ba?" inis kong tanong sa kanya, pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil nahulog ako sa patibong niya.



The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon