CHAPTER 23 - Zurich

6.4K 148 1
                                    

Chloe Zamora


NARAMDAMAN ko na banayad na tinatapik ni Luke ang balikat ko. Hindi ko alam kung anong oras na dahil walang bintana sa cabin namin, pero alam ko na medyo mahaba na ang naitulog ko.

"Wake up, Chloe. Nandito na tayo sa city port."

"Good morning to you too. Anong oras na?" tanong ko sabay hikab.

"It is two in the morning. We need to catch the early morning flight to Zurich. Hihintayin kita sa ship deck kapag nakapag-prepare ka na," sabi ni Luke na lumabas ng cabin dala ang ilan naming mga luggage.

The realization that I am running for my life began to hit me again. Wala nga pala ako sa honeymoon period or sa isang adventure of a lifetime. May mga assassins nga pala na gusto ko patayin.

Pagkatapos ko mag-ayos, sinundan ko agad si Luke. Tinulungan kami ni Captain Ambrosio na makasakay ng taxi papunta sa airport. Kung wala siya, mahihirapan kami makalabas ng island dahil lahat ng ports ay bantay sarado ng mga tauhan ni Janice.

"Bakit tayo pupunta sa Zurich?" tanong ko kay Luke habang tinitignan ko ang aming flight itinerary.

"We are not staying in Zurich. We are going to Feldkirch," seryosong sagot niya sabay bigay sa akin ng isang brown paper bag na may laman na pancake burger.

Kagabi nakikipag harutan ka. Ngayon seryoso ka na naman?

"Feldkirch? Saan 'yon? Sa Germany?" tanong ko ulit sa kanya.

"Sa Austria, malapit sa border ng Switzerland and Liechtenstein. Nanirahan ako doon ng ilang buwan. We are safe there. If they found us there, we can easily go anywhere and they can't even trace us."

"Anong meron doon? Doon ka ba dati nagtatrabaho?"

"My ex-fiancee used to live there."

Kahit narinig ko ang salitang ex, hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako nang malaman ko na may fiancee na si Luke noon.

Dahil ba umaasa ako na ako lang ang mamahalin niya noong mga bata kami at hanggang ngayon?

"Bakit kayo nag break? Dahil ba sa trabaho?" casual kong tanong as if hindi ako bitter sa na-discover ko.

"Yep, something like that."

"Mahal mo pa noh? Come on, Luke. You are no longer working as a government asset. Pwede mo na siya pakasalan. Malay mo may second chance kayo."

Nagsu-suggest pa ko na parang hindi ako affected, pero deep inside, sinasaktan ko lang sarili ko sa mga sinasabi ko.

What if magkita sila ng ex jowa niya? What if may "Muling Ibalik" moment sila? Kakayanin ko ba?

"Chloe, are you sure hindi ka reporter ng showbiz tsismis? Ang dami mo tanong eh!"

"Utang ko ang buhay ko sa'yo. Kahit papaano, gusto ko maging maligaya ka sa piling ng iyong long lost love," nakangiti kong sagot sa kanya.

Shit, ang plastic ko!

"Past na 'yon, Chloe. Move on na tayo sa kanya."

"Eh bakit tayo pupunta sa Eldrich kung hindi dahil sa kanya?"

"Feldkirch, princess. Stop asking annoying questions. I am not paid to share my personal life to you," inis na sabi ni Luke sabay irap sa akin.

Sasabihin mo na may ex-fiancee ka tapos feeling mo hindi ako affected?

Hello? Affected kaya ako ng bongga!

The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon