CHAPTER 16 - Wall Climbing

6.9K 160 1
                                    

Chloe Zamora


TAHIMIK kami pareho ni Luke sa habang nasa bangka. Tumigil kami sa isang uninhabited island na tila napag-iwanan na ng panahon. Hinila ni Luke ang bangka at itinago sa likuran ng malaking bato.

The island is mostly covered by towering rocks. It looks like a typical barren island, unattractive and unremarkable

"Princess, nasubukan mo na bang mag wall climbing?" nakakaloko na tanong ni Luke habang nakatingin sa mataas na batuhan.

"Seriously? Mukha ba akong athletic type? Huwag mo sabihin na paakyatin mo ko diyan? Eh mas mauuna pa ko mamatay dito sa isla bago pa ko mahanap ni Janice eh! Hindi ako aakyat dyan! Paano kung madulas ako?"

Hindi ako sinagot ni Luke at ngumiti lang sa akin. Kilala ko na kahit papaano ang lalaking ito. Alam ko na hindi ko magugustuhan ang mga susunod niyang gagawin base sa mala-demonyo niyang ngiti.

Mula dito sa maliit na isla, tanaw ko ang main island. Judging from the numerous small islands surrounding the mainland, Janice will have a hard time locating me in this concealed place.

Binuksan ni Luke ang isang bag at nagsuot ng black gloves. Nagsimula siyang umakyat sa rocky walls na parang isang professional extreme wall climber. The stony wall is just three-story high, hindi gaanong kataas, pero tila namangha ako sa pag akyat ni Luke.

The way he climbs the rocks spells sexiness and masculinity. His muscles are shouting with too much sensuality.

Damn it, Chloe! Control yourself! Masyado ka ng nahihibang kay Luke!

Nang marating ni Luke ang pinakamataas na bahagi ng rocky wall, inihagis niya ang isang makapal na rope. Bumaba siya gamit ang harness ng walang ka-effort effort.

Sige na, ikaw na ang marunong ng wall climbing keme!

"Are you ready, my princess?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"May choice ba ko?"

"Uhmmm, wala?" sabi ni Luke sabay halakhak ng malakas.

He slowly slipped the harness creating loops through my thighs which made me stiffened. First time ko mag wall climbing, pero imbes na kabahan ako sa pag-akyat, mas kinakabahan pa ata ako dahil napaka lapit ni Luke sa akin.

Luke gently wrapped the belt around my waist without removing his eyes on mine as if we are making love using only our eyes. He gently held my waist and tightened the buckles. Every time his hands touched my skin, I felt like a hidden fire within me is raging.

"Any last words?" he asked with his signature devilish smile.

"Kapag namatay ako sa rock climbing shit mo, please tell my daddy na mahal na mahal ko siya."

"Gamitin mo lang ang binti mo and you are good to go. Don't worry, I will make sure to catch you when you fall."

Paano kung na-inlove na ko sa'yo? Sasaluhin mo ba ko? Pa-asa ka eh!

Nagsimula akong umakyat sa batuhan. Luke is a good teacher dahil naituro niya sa akin ng maayos kung paano umakyat ng mabilis sa mga bato. Hindi ko na namalayan na nasa ibabaw ng pala akong ng isla.

The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon