CHAPTER 3 - Alberto

8.2K 209 2
                                    

Chloe Zamora


Isa lang ang alam ko sa mga oras na ito, may gustong pumatay sa akin. Ito siguro ang dahilan kung bakit biglang nawala si daddy at kung bakit gusto niya ko pumunta sa isla para sundan siya.

Ang stepmother ko na si Janice at ang stepsister ko na may lahing anaconda na si Arabella ang tanging pamilya ko dito bukod sa daddy ko. My father married Janice three years ago. Wala naman ako maipipintas sa kanya dahil napaka mapagmahal niya sa amin ni daddy. Tinuring niya ko bilang tunay na anak.

Si Arabella naman, though she is a bit difficult to deal with, she never shows any animosity towards me. Until I found out that she is sleeping with my boyfriend.

"What do you mean you lost her?" tanong ni Janice sa kausap niya sa phone habang papunta ko sa study room.

Gusto ko sana siya kausapin tungkol sa pagtatangka sa buhay ko. Baka meron siyang ideya kung bakit biglang umalis din ang daddy.

Napansin ko na sinisigawan na ni Janice ang kausap niya sa phone. Janice is an epitome of mildness. Palaging kalmado at malumanay kung magsalita. Hindi ko inaasahan ang pagtaas ng boses niya dahil ngayon ko lang siya narinig na sumigaw sa buong buhay ko.

"Again? Geez, she's just a kid!"

"You have one job, Alberto! I don't need your excuses! Demetrius is nowhere to be found and this is the perfect time to kill Chloe!"

I gasped when I heard her. The awareness of the danger slowly dawned on me. I covered my mouth to avoid making any sound.

Hindi siguro niya alam na nandito na ko sa bahay dahil iniwan ko ang kotse ko sa coffee shop. Parang dumadagundong sa kaba ang puso ko. Kahit ang mga kamay ko ay nanginginig sa takot dahil sa narinig ko.

Bago pa ko makapag isip ng kung ano ano, maingat akong tumakbo palayo sa study room. Umalis ako ng bahay at sinigurado ko na walang makakakita sa akin. Kapag malaman ni Janice na nandoon ako, sigurado ko siya mismo ang papatay sa akin.

Bakit gusto ko patayin ni Janice? Buong akala ko ay anak ang turing niya sa akin.

Nagkamali ba ako ng pagkakakilala sa kanya?

Nagkamali ba ang daddy sa babaeng pinakasalan niya?

The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon