CHAPTER 19 - Talk

7K 152 0
                                    

Chloe Zamora


PAGMULAT ng mga mata ko, bahagyang liwanag na lang ng araw ang naaaninag ko. Mukhang buong maghapon ako nakatulog pagkatapos kong umiyak ng bongga kanina.

Paglabas ko ng tent, nakaupo si Luke sa isang bato. He is using his binoculars to check something on the mainland. Akala ko ay susungitan niya ko, pero suprisingly, ngumiti lang siya ng makita ko.

Pagkatapos mo ko awayin kanina, ngingitian mo ko? Hello? Hindi ako nadadaan sa sexy smile!

"Dinner is ready, kumain ka muna. Kapag nagdilim na, hindi tayo pwede gumamit ng kahit anong source of light," mahinahon na utos niya sa kin.

Tumango lang ako sa kanya at binuksan ang isang canned pork and beans. May tinapay din at mga bottled waters. Mukhang breakfast ang pagkain namin at hindi dinner.

"Chloe, your boyfriend Xander Jimenez, nasaan siya ngayon? Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kanya?" tanong niya sa akin habang tahimik akong kumakain.

"Wala kang pakialam, Luke. In other words, it is none of your business."

"It is my business to know as he might compromise this mission."

"Wala na kami ni Xander. I just broke up with him a few days ago."

"Siya ba ang dahilan kung bakit ibinigay mo sa isang estranghero ang katawan mo?" tanong niya habang nakatingin sa binoculars.

"I don't feel like preserving my virginity anymore when the love of my life cheated on me with my own step sister. You were there in the bar, readily available and you seem capable of giving me pleasure."

"At nakuha mo naman ang gusto, Chloe. An experience of a lifetime that you can share with your fellow bitches."

"You got it right Luke, charge it to experience! I must admit, you are really good, but I am looking for more. Pagkatapos ng kaguluhan na ito, remind me to try someone else para maiba naman. I don't want to fuck a heartless man anymore!"

Akala ko, isang offensive rebuttal na naman ang matatanggap ko kay Luke, pero nagbago ang kanyang tone.

"I am sorry about you and Xander," he said as if he meant every word.

"H-ha?"

"Sabi ko, sorry dahil niloko ka ng ex-boyfriend mo."

"At least, nakilala ko ang ulupong na 'yon bago kami ikasal. Geez, hindi ko nga alam kung minahal ko ba talaga siya!"

With all the passion that I feel right now for Luke, Xander became non-existent in an instant. Binura ni Luke ang lahat ng alaala namin ni Xander.

"It is a blessing in disguise, don't you think? You should be thankful as you just dodged a bullet," malambing na sabi ni Luke.

Salamat sa madilim na paligid at hindi nakita ni Luke ang blushing cheeks ko. Sigurado na ako na may dual personality ang lalaking ito. He can be vulgar in one moment and he can transform into a caring man in a split second.

At ako naman itong si gaga na nagfa-fall pa rin kahit anong klaseng halimaw pa siya!

"Masaya ko na wala na si Xander Jimenez sa buhay ko. I know there is something fishy about him when he keeps bringing up wedding talks even if I am not ready. How about you, Luke? May someone special ka ba dito sa probinsya or sa ibang bansa?"

"I had a girlfriend years ago. Balak na din namin magpakasal noon. However, with my line of work, I will only put her at risk."

Oh? So marunong palang mag-share ang halimaw about his personal life?

"Luke, if you don't mind me asking, isa ka bang government assassin?" dagdag na tanong ko sa kanya dahil mukhang nasa mood naman siya.

"Hindi ako assassin, Chloe. I am just an investigator, pero lahat ng operations ko ay patago. Nothing on books and everything is in secret as if we don't exist."

"Wow talaga? Parang James Bond operation na may license to kill?"

"Don't give me too much credit. Nag-resign na ako sa trabaho ko. Isa na lang akong simpleng magsasaka ngayon."

"Care to share kung bakit ka nag-resign sa work mo? Or is that supposed to be a secret as well?"

I continued to bombard him with personal questions. Mukhang ganado naman sumagot si Luke kaya lulubusin ko na.

"Nang mamatay ang nanay, parang nanghina ang tatay Franco. I decided to handle our farming business here on the island and to take care of my dad."

"How about your Kuya Aidan?"

"Mataas na ang posisyon ni Kuya Aidan sa police department. Nag-request siya ng transfer dito sa probinsya para din alagaan ang tatay."

"I am sorry about your mom. Hindi ko alam na wala na siya. Walang sinasabi sa akin ang daddy. Kahit kay Sir Franco, wala akong balita."

"Nasa Beijing noon si Don Demetrius Zamora nang mamatay ang nanay, pero kinansela niya lahat ng business trip niya para sa samahan kami sa pagluluksa. Hindi ko lang maintindihan kung bakit wala siyang sinasabi sa'yo tungkol sa akin o kahit sa pamilya ko."

Tumango lang ako kay Luke. Hindi ko din alam kung bakit tila pinipigilan ng daddy ang pagtatagpo namin ni Luke. Kung nasa telenovela kami, iisipin ko ay iisa ang ina namin ni Luke at magkapatid kami.

"Kamusta naman si Sir Franco?"

"Nagkasakit ang tatay, pero okay na siya ngayon. May mga ilang caregiver sa bahay na nag-aalaga sa kanya. Hindi ko sinabi sa kanya na nasa panganib kayo ni Don Demetrius. I don't want him to worry. He treats your dad like his own blood brother."

"Luke, salamat ah?"

"For what?"

"Sa lahat lahat ng tulong mo sa akin. You saved me and you took care of me kahit labag sa loob mo. You are one hell of a protector and I feel like hating you every moment that we are together in this rocky island, but still I want to thank you."

"You hate me, huh?" nakangiti niyang tanong sabay bukas ng isang canned beer at ibinigay sa akin.

"If you will play Mr. Nice once in awhile, I might begin to hate you less."

Humalakhak lang si Luke dahil sa sinabi ko. He looks genuinely happy na magkasama kami ngayon.

Sana ganito siya palagi... Sana palagi siyang walang sumpong... 

The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon