CHAPTER 6 - Car

8.1K 212 3
                                    

Chloe Zamora


Sumakay ako sa likod ng sasakyan niya at sa loob ng ilang minuto, palabas na kami ng RO-RO vessel. This annoying stranger asked me to duck and to hide under a thick mattress that is conveniently prepared at the back of his car. May pakiramdam ako na tinutulungan niya ko, pero labag sa kalooban niya.

Napansin ko din papalapit sa amin ang sinasabi niyang dalawang police officers kaya mabilis ko siyang sinunod.

"Excuse me, Sir. Magtatanong lang po. Nag-iisa ka lang ba o may kasama pa po kayo?" tanong ng isa sa mga officer.

"I am alone and I am a local here. How can I assist you, officer?"

"May napansin ka ba na babae katulad ng nasa picture na ito?"

"Nah! Siguradong mapapansin ko siya kung nakita ko. That woman stands out in a crowd."

Nakahinga lang ako ng maluwag nang mabilis na tumakbo ang sasakyan palayo sa port. Wala akong pakialam kung saan niya ko dadalhin. Malakas ang pakiramdam ko na ang mga nagpapanggap na police officers ay mga tauhan ni Janice.

"Ako ba ang hinahanap nila?" tanong ko sa lalaking nasa driver seat.

"Yeah..." maikli niyang sagot.

"Sinabi ba nila kung bakit ako hinahanap?"

"Nah..."

"Kilala mo ba kung sino ang mga police officers na 'yon? Taga dito ba sila?"

"Nope..." he quickly answered again as if he does not want to talk to me.

"Ano ba ang problema mo? Bakit ang ikli ng sagot mo?"

"Nothing..."

"Anong nothing ka diyan! Nakakainis ka na! I bet pati sarili mo naiinis na sa'yo!"

Walang sense na makipag-usap sa lalaking ito. Tama nga ako ng hinala, my dad probably just forced him to help me. Hindi bukal sa loob niya ang pagtulong niya sa akin.

"Hey princess, nasaan ang phone mo?" tanong niya pagkatapos ng ilang minuto.

"Tinapon ko sa compartment area ng isang bus papuntang norte. Janice has her ways of tracking me and my phone is a dead give away."

"When did you last used your cards?"

"Hindi ako gumamit ng cards. May cash pa ako."

"Good, you are not that stupid after all."

"Excuse me, mukha ba kong stupid, farm boy?"

"Young and rich girls like you are always stupid. Akala niyo, pag-aari niyo ang mundo. Akala niyo, kaya niyong bilhin ang kahit sino gamit ang pera niyo," inis na sabi niya sa akin.

"Well, exclude me in that list. Hindi ako spoiled brat! Ang bitter mo noh? May pinagdadaanan ka ba at galit ka sa rich girl?"

Hindi ko alam kung anong traumatic experience ang naranasan niya sa kamay ng isang mayaman na babae. Malamang may bad memories siya sa isang rich girl kaya siya napopoot siya sa akin.

"Boy Bitter, anong pangalan mo? Unless gusto mo na tawagin kita na Farm Boy simula ngayon?" tanong ko sa kanya pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Markus."

"May last name ka ba or screen name mo 'yan?"

"Markus Torres."

"Torres? Teka, may kilala ka ba na Franco Torres? Best friend kasi siya ng daddy ko na dito din sa isla naninirahan."

"Franco Torres is my dad."

"Tatay mo si Sir Franco? Teka, ikaw ba si Aidan Torres? Ang kuya ni Luke Torres?"

"I am Luke Torres," he said with no interest in his voice.

"Ha? What do you mean you are Luke? No, hindi ikaw si Luke. Kilala ko si Luke. Kababata ko siya at----"

"I am Luke Markus Torres, princess. Deal with it. Aidan is my older brother."

Luke Torres was my childhood crush. Bata pa lang ako ay bumibisita na kami ng daddy ko dito sa isla. Mabait at malambing na bata si Luke Torres. Prinsesa ang turing niya sa akin tuwing magbabakasyon kami dito.

Naalala ko pa noon na Princess ang madalas na tawag niya sa akin instead of Chloe. Kaya pala attracted ako sa kanya sa unang kita ko pa lang sa kanya. Siya pala si Luke, ang first crush ko.

"Wow, Luke. Ang laki mo na. Paki-explain nga kung bakit ka naging halimaw?" tanong ko sa kanya sabay lipat sa passenger seat katabi niya.

"My monstrosity depends on your bitchiness. Put your seatbelt on."

"Bakit ka ba galit sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ah?"

Hindi ako sinagot ni Luke at patuloy na nag-drive ng sasakyan as if isa akong invisible seat mate. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit sa akin. Sa pagkaka-alala ko, isang mabait na bata si Luke.

Etong katabi ko, rude and condescending.

"Since napipilitan ka lang naman na tulungan ako, paki sabi nga sa akin kung nasaan ang daddy ko para matapos na ang paghihirap mo?" inis na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung nasaan si Sir Demetrius."

"Anong hindi mo din alam? He sent me here! He is supposed to be here!"

"Sorry to disappoint you, pero wala siya dito sa isla. He just asked me to bring you here until he sorts things out."

"Hoy, hindi mo ko dinala dito noh? Ako mismo ang pumunta dito!"

"I was following you for two days while you are taking your sweet time to decode those coordinates, idiot. Are you really that stupid?"

"Fuck you! Anong alam ko sa coordinates? Mukha ba akong may background sa geography? Just so you know, gusto ko patayin ng stepmother ko! Baka naman pwede maging considerate ka sa akin."

"Tingin mo hindi ko alam na may threat sa buhay mo? Are you saying na gusto ko lang makisabay sa'yo sa bus at sa ferry? And by the way, fuck you too!" he said in an equally irate voice.

"OMG, Luke! Nakaka highblood ka! Ano ba ang pinaglalaban mo at nagagalit ka sa akin? I fucking hate you right now."

"Well, Chloe Zamora, just so you know, I fucking hate you too for two days now."

For two days? Anong ginawa ko sa kanya? Bakit abot langit ang galit niya sa akin?

The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon