Chloe Zamora
PAGKATAPOS ng mahabang byahe, tumigil ang sasakyan ni Luke sa tapat ng isang ancestral house sa gitna ng malawak na rice fields. Hindi ako maaring magkamali, this is the Torres Family house dahil malapit din ito sa bundok. Ilan beses na rin ako nakapunta dito noong bata pa ako.
"Wow, walang pinagbago ang bahay niyo. You have done a good job in preserving this ancestral house," sabi ko habang iniikot ang mata ko sa loob ng bahay.
Ang Torres family house ay isang malaking stony house. Scary-looking sa una, pero comfy ang loob. Naalala ko noon na madalas kami maglaro ni Luke ng hide and seek game dito.
Lumapit sa amin ang dalawang may edad na babae at binati kami ni Luke. Siguro mga house helpers base sa kanilang uniforms.
"Sasamahan kita kay daddy. Just so you know, walang alam ang daddy na nasa panganib ang buhay mo at ang buhay ni Don Demetrius," sabi ni Luke sabay hila ng kamay ko paakyat ng second floor.
"Anong sasabihin ko kay Sir Franco?"
"I will handle everything, princess."
Kumatok si Luke sa isang pinto na nasa dulo ng corridor. Nang binuksan niya ang pinto, nakita ko agad si Sir Franco. Nakaupo siya sa wheelchair, habang nanonood ng isang basketball game.
"Luke, sino ang magandang binibini na kasama mo?" nakangiti na tanong ni Sir Franco.
Sir Franco Torres, ang daddy ni Luke Torres. Siya ang matalik na kaibigan ng daddy ko. Sanay na ako na tawagin siyang Sir Franco noong bata pa ako.
"Dad, si Chloe Zamora po. Girlfriend ko," Luke casually said.
My eyes widened and my jaw almost dropped with his introduction. Hindi ako prepared na ipapakilala ako na girlfriend ni Luke.
"Chloe? Ang prinsesa ng Demmy?" gulat na tanong ni Sir Franco.
"Good evening po, Sir Franco. Long time no see po. My dad sends his regards," mabilis na sagot ko sa kanya sabay mano sa kamay niya.
"Anak, sabi mo pupunta ka sa Manila para sa isang importante na business. Hindi ko alam na si Chloe pala ang business na tinutukoy mo."
"I want to surprise you, dad. Alam ko po na matutuwa ka kapag nalaman mo na si Chloe ang girlfriend ko."
"Teka, kailan kayo uli nagkita? Demmy never mentioned that you are both dating."
"Long story dad, but I guess first love never dies," sabi ni Luke sabay hablot ng bewang ko palapit sa kanya.
I can't help but to gasp when Luke pulled me closer to him. Every part of me became suddenly aware of Luke's closeness. Hindi ko alam kung bakit grabe na naman ang tibok ng puso ko.
"Alright, alright. Hindi na ko magtatanong pa dahil malaki na kayo pareho. Alam ko naman na mahal ka na ni Luke noon pa lang," nakangiti na sabi ni Sir Franco.
Mahal ako ni Luke? Eh nasusuklam nga po sa akin ang anak niyo!
Muntik na akong masamid sa sinabi ni Sir Franco. Hindi niya alam na abot langit ang galit ng anak niya sa akin sa hindi ko malaman na kadahilanan. May bitterness sa rich girls at sa akin binabaling ang kanyang galit.
BINABASA MO ANG
The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]
Romance[Completed] Chloe, an heiress of a pharmaceutical empire is on the run from her assassins. She thought it was her demise until she met Luke, an arrogant and rude probinsyano. Join their adventure as they run away from Chloe's captors, and how they s...