CHAPTER 14 - Cabin

7.1K 171 5
                                    

Chloe Zamora


NALAMAN na siguro ni Janice na nandito ko sa isla. Tama si Aidan Torres. Dalawa lang ang pwede ko puntahan dito. Ang Aunt Lisa ko o ang kaibigan ng daddy ko na si Sir Franco.

Habang nasa sasakyan kai ni Luke, hindi ko alam kung matatakot ako dahil nandito na ang mga assassin ko or kung matatakot ako dahil sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Luke. Nakahinga lang ako ng maluwag nang lumiko ang sasakyan sa isang rough road papunta sa kawalan. Maraming mga puno na parang nasa kalagitnaan kami ng Amazon Forest.

"Luke, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

Hindi ako sinagot ni Luke na parang hindi niya narinig ang tanong ko. Hindi ko alam kung masyado lang siyang focus sa pagda-drive or inatake na naman siya ng kanyang beast mode.

Tumigil kami sa tapat ng isang wooden gate na nagsisilbing entrance sa isang malawak na private property. Luke pressed a few buttons on his phone and the wooden gate suddenly opened.

Hindi ko na uli tinanong si Luke. Obvious naman na ayaw niya akong kausapin. Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil ang sasakyan sa harap ng isang wooden cabin.

"May gusto ka ba itanong sa akin?" nakangiti niyang sabi habang binubuksan ang pintuan ng cabin.

"Wow ha? Hindi mo nga ko kinakausap sa buong byahe natin eh! You did not even answer my last question!"

"Ngayon sasagutin ko na lahat ng mga tanong mo. Huwag mo lang akong tanungin kung mahal na ba kita," he said as he winked at me.

Grabe, napaka moody as fuck ng lalaking ito!

I just rolled my eyes dahil sa extreme mood swings ni Luke. One moment he is rude and quiet and the next thing I know, hinaharot na naman niya ko. May pakiramdam ako na nag-aalala lang siya kanina sa maaring mangyari kaya ayaw niya akong kausapin. Kahit malaki ang buong isla, maraming tauhan si Janice at pwede nilang suyurin ang buong bayan lalo na kung gagamitan niya ng kapalit na pera.

Pagpasok ko sa loob ng cabin, napansin ko na malinis ang buong lugar lalo na ang highly-polished parquet floor. Wala din ibang furniture bukod sa a dark wooden chairs at tables.

"Luke..." mahina kong sabi sa kanya sabay hablot ng shirt niya.

"Yes, princess? May problema ba?"

"Nagugutom na ko..."

"Oh shit! Hindi ka nga pala kumain ng tanghalian. Come on, ipagluluto kita para may energy ka mamaya," nakakalokong sabi ni Luke sabay hila sa akin papunta sa maliit na kusina.

"Energy para saan?"

"Do you really want me to answer your question?" nakangiting sagot niya sa akin sabay bukas ng kitchen cabinet.

Nagsimulang magluto si Luke gamit ang mga available na pagkain sa refrigerator. Kung walang humahabol sa akin, para kaming nasa camping mode ni Luke sa gitna ng kagubatan.

"Matulog ka ng maaga. May pupuntahan tayo bukas," sabi ni Luke pagkatapos namin kumain.

"Akala ko may energy consuming activity tayo?" bulong ko sa kanya.

"May sinasabi ka ba, princess?"

"Wala po..."

Shit! Nag-expect pa naman ako na may part two ang steamy night namin!

"Diyan ka na sa loob ng kwarto matulog. Dito na lang ako sa sofa. Let me know if you need something."

"Hindi tayo magkatabi?" bulong ko ulit sa kanya.

"No, princess. I can't stay alert if we are sleeping on the same bed," sabi ni Luke sabay halakhak ng malakas.

Akala ko pa naman ay magkatabi kami matulog ni Luke, pero mukhang ayaw niya kong katabi. Dahil na din sa pagod ko kagabi, hindi ko na namalayan na nakatulog na din ako ng mahimbing.

Dapat talaga hindi ako nag-assume ng love making part two para 'di ako masyado nadi-disappoint.

The Heiress And The Probinsyano [Taglish - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon