Hindi ko na nakita ang lalaking dumamba sa akin noong first day. At naging busy rin ako dahil nag-a-adjust pa ako sa teaching style ng mga teachers, saka medyo nahirapan ako sa ibang subjects. Hindi ko nga alam kung bakit madali lang sa mga kaklase ko ang mag-adjust.
"Laura! Pahingi ng tubig!"
Dinukot ko ang water bottle ko na hindi ko pa nabubuksan at inabot sa kaklase ko. Binalik niya 'yon na kalahati na ang laman.
"Laura, pwedeng humingi ng favor?"
Ngumiti ako. "Ano 'yon?"
"Pwedeng pakisagutan ng assignment ko sa Math? Hindi ko kasi alam kung paano."
"Ah." Tinanggap ko ang inabot niyang notebook at saglit na sinagutan ang assignment bago binalik ang notebook. Nagpasalamat siya at ngiti ang sinukli ko.
At hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Dahil kapwa kami nakakuha ng zero sa assignment ng kaklase kong humingi ng favor sa akin.
"Bakit ka na-zero, Miss Alvaro?" tanong ni Teacher.
"U-Uhm... hindi ko nakitang negative sign 'yong nasa numbers."
"Ikaw, Miss Revamonte?"
Napatingin ako sa kaklase ko. Pinagpawisan siya nang malagkit sabay sulyap sa akin, at binalik kay Teacher ang tingin. "Hindi ko a-alam kung paano sumagot ng integers, 'cher."
Bumuntong-hinga si Teacher saka pinaupo na kaming dalawa. Ramdam ko pa 'yong titig ng kaklase ko sa akin. Napayuko ako sa kahihiyan. Alam ko. Sobrang hina ko pagdating sa Math.
"Uy, sa susunod, 'wag ka nang tumanggap ng favor," bulong ni Revamonte bago dumiretso sa upuan niya.
Napalunok ako. Napahiya. Hindi ko naman kasi akalaing sabay kaming makakakuha ng zero score sa assignment. Huminga ako nang malalim. Oo na, tinatanggap kong... isa akong malaking failure.
Wala na akong ginawang matino sa buhay. Sobrang useless ko. Ni hindi ko masagot nang tama ang mga quiz at assignments. Sa susunod, hindi na ako tatanggap ng favor. Ako lang 'yong magpapabagsak sa kanila sa klase.
SI ATE SIDINE ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. Gustong-gusto ko 'yong kulay ng buhok at mata niya. Para siyang living Barbie girl. Pero si Ate Shiera 'yong sa tingin ko ang pinaka-charming sa lahat. Tipong kapag tinititigan nang matagal, mas lalong gumaganda sa paningin.
"I am Shiera Ann Cristobal, please vote for me!"
Namangha ako nang magpaulan ng candies ang kasama niya. Nagkagulo ang mga kaklase ko sa pagpulot ng candies sa sahig, pero nanatili lang ako sa upuan. Pagkatapos no'n, si Ate Sidine naman ang nagpakilala.
"Don't forget Sidine Malarie Bulak during election, my friends... It will be a great honor to serve Tyrant King Academy."
Namigay sila ng flyers ng listahan ng mga pangalan sa partylist nila. Nang lumabas sila ng classroom, nagbiro 'yong isa sa mga kaklase ko.
"Wala bang candy riyan?!"
Nagtawanan ang mga kaklase ko. Napailing na lang ako at binasa ang nakasulat sa flyers. Magaganda ang pangalan pero may isang pumukaw sa interes ko. Hanson Seda - 3C.
Hanson Seda? Hindi ba ito 'yong pangalan ng lalaking dumamba sa akin no'ng first day?
Napangiti ako. 3C. Sa'n kaya ang 3C?
Nang mag-break, naglakad-lakad ako sa field habang sumisipsip sa sachet ng orange juice. Tapos, bigla na lang pumasok sa isip ko ang tungkol kay Hanson Seda.
BINABASA MO ANG
Lonely Town of Shadows (Complete)
Teen FictionLaura Ashlee Alvaro thinks that she is living an unworthy life. She fails. She cries. She hopes no more. She knows that there is no way for her to be happy. That she is just a shadow lurking behind those sweet smiles of an angel. Until Hanson, her...