Chapter 17

51 8 14
                                    

Mas lalo akong nilugmok nitong mga araw. Magkasunod-sunod na bagsak ang nakuha ko sa weekly summative tests. Idagdag pa ang pag-aaway nina Mama at Tito Boy. Gusto ni Mama na humanap ng trabaho si Tito Boy pero lagi nalang dinadahilan ng huli na walang tumatanggap sa kaniyang kompaniya.

Sa totoo lang, ayoko nang umuwi sa bahay. Mabigat ang hangin sa loob dahil sa tensiyon sa pagitan nina Mama at Tito Boy. Isinugod pa sa ospital si Lola dahil biglang inatake sa puso. Tuloy, halos hindi na umuuwi si Mama dahil sa pag-o-overtime.

Ako 'yong nasasaktan para sa kaniya. Nagpapakahirap siya para ipantustos sa mga taong dapat sana tumutulong sa kaniya, kaso naging palamunin pa sa bahay.

Si Tito Pol, nakahanap nga ng trabaho pero isandaan lang ang naiuuwi kada araw. Ilang kilo ng bigas lang ang nabibili niya, pero dahil doon kaya nagkaroon ng pag-asa sa mga mata ni Mama. Naisip ko ring... ayos na 'yon kaysa wala.

"Twinkle...twinkle... little Math." Bumuntong-hinga ako. "How I wonder what you got. Up above the board so high. Giving answers I don't find."

Napaangat ako ng tingin nang may biglang tumawa. Nakita ko si Gernalie kasama si Hanson. Tumatawa siya habang naiiling ang huli.
"Jowain mo si Math. Baka maturuan ka no'n," biro ni Gernalie.

Ngumuso ako. "Ilang beses ko nang sinubukan. Ayaw niya talaga sa akin. Pinapahirapan niya ako!"

"Maybe you don't get the concept," singit ni Hanson.

Napatingin ako sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"

Humakbang siya palapit saka naupo sa tabi ko. Sumandal din siya sa puno at tinanaw ang mga estudyanteng naglalakad sa soccer field. "Teachers may give us formula to get the answer as quick as possible, but they don't teach the concept."

"Ha?" Nangunot ang noo ko. "Di ko pa rin gets."

Nakita ko sa gilid ng mata ang pag-upo ni Gernalie sa damuhan - sa tapat ko. Bumuntong-hinga si Hanson at bumaling sa akin. Tumitig siya sa mga mata ko. "They teach us how to solve the problem using formulas, but they neglect the concept. In basic mathematics, the most important thing to understand is the concept - or the idea of what is what or how it works. In other words... application."

Application? Mas lalong tumaas ang kuryosidad ko sa sinabi niya. Nakita ko rin sa gilid ng mata ang pag-upo nang maayos ni Gernalie.

"Application..." bulong ko. "Yong pag-apply ng formula sa problem?"

Ngumiti si Hanson. "What do you think is the best... applying formula to solve the idealistic math problem, or applying the problem with formula in real world?"

"Ha?" Mas lalo akong naguluhan.

Natawa siya. "Ibig kong sabihin, Ash... ang pag-apply ng formula sa totoong buhay. Kagaya ng integers..." Ngumiti siya. "Negative plus negative is equal to negative. Umutang ka ng limang piso, that is negative five, at umutang ka pa ng tatlong piso, that is negative three... negative five plus negative three is equal to negative eight. Hindi mo pwedeng gawing positive eight dahil umutang ka ng dalawang beses."

"Ah." Nawalan ako bigla ng sasabihin habang pinoproseso ang sinabi niya. Saka umikhim ako. "Kaya pala... palagi akong wrong sa bagay na 'yan. Akala ko negative plus negative is positive."

"Sa multiplication 'yon," sabi niya. "Yan ang sinasabi ko. Pwede kitang bigyan ng formula para madali mong i-solve ang isang math problem... pero hindi mo kailanman maintindihan kung bakit 'yon ang sagot. Ang resulta, nawawalan ka ng interes sa Math kaya hindi mo maso-solve ang higher level math problem dahil hindi mo nakuha ang basic concept no'n."

"Wow," manghang saad ni Gernalie. "Saan mo napulot 'yon, Hanson?"

"Experience."

Tumango-tango ako. Baka pwede kong pag-aralan ang concept na sinasabi niya. Marahan akong ngumiti at binaling ang tingin sa field. Naramdaman kong may biglang humawak sa kamay ko. Napatingin ako ro'n at lumakas ang kabog ng dibdib ko habang tinititigan ang mga kamay naming magkasiklop.

Lonely Town of Shadows (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon