Nakatayo kang ako ro'n sa field habang manghang pinagmasdan ang naka-set na giant tents. Noong last CLP, sa isang enclosed space pero ngayon... open space?
Nagkibit-balikat ako saka in-text si Gernalie. Hinanap ko rin siya sa field pero dahil marami nang estudyante kaya hindi ko makita. At si Hanson... hindi ko rin siya nakita. Simula kahapon, wala siya. Nagpunta pa ako sa 4C pero sabi no'ng babaeng kaibigan daw ni Hanson na absent ang isang 'yon.
Napabuga ako ng hangin. Nagpunta lang naman ako sa M.A building para makita siya at maibigay ang buong isanlibo. Gusto kong maisalba ang kahihiyan ko no'ng isang araw.
"Excuse me," sabi ko sa dalawang nag-uusap saka lumusot sa pagitan nila.
Napangiti ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Nilabas ko 'yon at binasa ang text ni Gernalie.
*Nasa first tent ako. Kasama si Yui. Ayieee.*
Kumunot ang noo ko. Pamilyar ang pangalang Yui. Pinagkibit-balikat ko na lang at hinanap ang unang tent. Nahirapan pa ako sa rami ng estudyante pero kalaunan, nakarating din sa wakas. Nakita ko si Gernalie na kausap ang isang lalaki.
"Gernalie!" tawag ko. Nag-excuse na naman ako sa mga estudyante saka ngiting lumapit sa kaniya. Lumingon siya sa akin kaya napangiti ako. "May puwesto ka na?" tanong ko at huminto sa harap niya.
Ngumiti siya. 'Yong abot hanggang tainga. "Nakakuha na ng puwesto si Yui sa likod."
"Likod?" Nangunot ang noo ko at napatingin sa lalaking kausap niya. Ngumiti ang lalaki at nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko kung saan ko nakita ang mukhang 'yon. "Ikaw 'yong humabol kay Hans last year!"
Natawa siya. "Ako ba 'yon, Miss?" Tapos ngumisi.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko at humalukipkip. "Gernalie."
"O?"
"Ba't mo kausap ang lalaking 'yan? Saka... saan mo nakilala?"
"Tinulungan niya ako kahapon. Nakita ko kaya..." she trailed off. Tinaasan ako ng kilay. "Gulat ako. Magkakilala pala kayo ni Yui?"
"Hindi mo ba naalala? Siya 'yong humabol kay Hans no'ng last year."
"So?"
"Anong so?" Kunot noo akong bumaling kay Gernalie. "Hindi mo ba gets? May something sa kanila kay Hanson. Kaya malamang na mayama -" Huminto ako at umikhim. "I mean... uh basta. Hindi ka pwedeng makipagkaibigan sa kaniya, okay?"
Natawa si Gernalie. "Come on, Laura. Wala namang masamang balak si Yui." Bumuga siya ng hangin. "Okay, kung ayaw mo akong katabi ngayon, pwede kang maupo sa harap. O kaya sumama ka na lang sa classmates mo. Kami na lang ni Yui ang uupo sa likod," dagdag niya saka hinigit si Yui papunta sa likuran. Nilampasan nila ako.
Napasinghap ako saka nilingon ang dalawa. Nagtatawanan sila habang lumulusot sa kumpul ng mga estudyante. Payak akong natawa. Ano bang... bahala na nga siya. Sana hindi siya ma-bully ng mga mayayaman.
Kunot-noo akong lumusot sa nagtatangkarang mga lalaki. Tiningnan pa ako ng isa na parang tinubuan ako ng sampung sungay. Napasimangot ako.
Dumiretso ako sa pinakagilid ng naglalaking tents. Naupo ako sa bermuda at bumuntong-hinga na naman. Luminga ako para hanapin ang mga kaklase ko pero walang pamilyar na mukha maski isa. Siguro nasa kabila ang mga 'yon.
Humalukipkip ako at naghintay ng ilang minuto.
Bagot akong nag-participate sa Praise Jam. Saka, binunot ko ang damo habang nakikinig sa sermon ng preacher. Nakuha lang ng isang babaeng umakyat sa maliit na platform ang interes ko.
BINABASA MO ANG
Lonely Town of Shadows (Complete)
Roman pour AdolescentsLaura Ashlee Alvaro thinks that she is living an unworthy life. She fails. She cries. She hopes no more. She knows that there is no way for her to be happy. That she is just a shadow lurking behind those sweet smiles of an angel. Until Hanson, her...