Chapter 5

79 9 4
                                    

'Yong unang araw kung saan ko siya nakita ay siya ring unang beses na tumibok nang mabilis ang puso ko. Dahil siguro sa pagbuhol niya sa sleeve ng jacket sa tiyan ko, o baka dahil masyado siyang malapit... o baka 'yon ang unang beses na may taong nagmalasakit sa akin. Kaya hindi ko siya malimutan.

Kaya hindi ko siya kayang bitiwan na lang basta-basta.

"Hans!" Tumakbo ako palapit sa kaniya at mas humigpit ang yakap ko sa mga libro. "Sabay tayong mag-break!" ngiti kong aya sa kaniya.

"Ashlee." Bumuntong-hinga siya saka huminto sa paghakbang. Napahinto rin ako at napatingala sa kaniya. Iniling niya ang ulo saka sumulyap sa akin. "Busy ako ngayon. Sa susunod na lang."

"Uhm, okay! Walang problema. Sa soccer field pala ako tumatambay tuwing lunch. Kung maisipan mong hanapin ako, doon mo lang ako mahahanap. Masyadong malawak kasi ang Tyrant -"

"Ashlee," putol niya. Nahigit ko ang hininga nang kinuha niya ang dalawang makapal na librong yakap-yakap ko. "Hatid na kita sa classroom niyo."

"O-Okay..."

Natulala ako saglit sa kaniya. Napalunok ako at lihim na napangiti bago sumunod sa kaniyang nauna na sa ilalim ng covered pathwalk. Wala akong dapat ikangiti pero hindi ko mapigilan ang labi sa pagkurba kaya napansin 'yon ni Hanson na naglalakad sa tabi ko.

"Masaya ka," puna niya.

Lumapad ang ngiti ko. "Hinahatid mo ako sa classroom ko." Inipit ko ang buhok sa tainga. "First time mo akong inaya."

"Nakita kong nahihirapan ka sa pagbitbit nito." Tinaas niya ang mga libro at kumunot ang noo niya. "Chemistry and Physics textbook? Inaaral mo 'to?" taka niyang tanong.

"Para advance...?"

Natawa siya bigla. "Sa third year at fourth year pa ang mga 'to. First year ka pa lang, Ashlee. Hindi pa kaya ng utak mo ang higher level textbooks."

"Nakita kasi kitang nahihirapan sa Chemistry kaya gusto kong pag-aralan para matulungan kita."

Napahinto siya. "Sinusundan mo ako, Ashlee? Masama 'yan."

"Hindi, a!" tanggi ko saka nag-iwas ng tingin. "N-Nakita kaya kita kahapon sa library. May sinauli lang akong book, tapos narinig kitang nagreklamo." Nagkibit-balikat ako. "Kaya humiram ako ng dalawang science books."

"Isauli mo 'to mamaya -"

"Hanson, 'pre!"

Sabay kaming napalingon sa tumawag. May isang lalaking humahakbang palapit sa amin. Malaki ang ngisi sa mga labi niya na siyang nagpakunot ng noo ko. Siya yata 'yong lalaking humabol sa kaniya no'ng first day.

"Aba, may kasama kang bata?" Humarap sa akin ang lalaki at nilahad ang kamay. "Yui Sy, bata."

Nanlaki ang mga mata ko. Humalakhak si Hanson at bahagyang sinapak ang balikat 'yong Yui. "Highschool 'yan. Hindi elem," natatawa niyang sambit.

"Gano'n?" Ngumisi si Yui. "Miss, pangalan mo?"

Kumurap ako at tinanggap ang kamay niya. "Laura Ashlee."

"Nice to meet you, Laura." Bumaling siya saglit kay Hanson. "Pedo ka na pala, 'pre."

"Hindi," natatawang tanggi ni Hanson. Bigla niya akong inakbayan at hinigit ako palapit sa kaniya. Pakiramdam ko, tumigil bigla sa pagtibok ang puso ko. Nakagat ko ang labi at pasimpleng tiningnan ang kamay niyang marahang nakahawak sa balikat ko. "Parang kapatid ang turing ko rito kay Ashlee. Saka, masyado pa tayong bata para sa ganiyan. Hindi ba, Ash?"

"H-Ha? Ah... oo." Tumango ako at hilaw na ngumiti kay Yui.

"May naghahanap pala sa 'yong babae. Kinukulit ako pero hindi ko masabi kung saan ka kasi hindi pa kita nakikita sa field."

Lonely Town of Shadows (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon