Chapter 18

48 8 0
                                    

"Sa'n ka?"

Nilingon ko si Yui bago nagpatuloy sa paghakbang papasok sa entrada ng M.A building. Hindi na pwede 'to. Kailangan kong makausap si Hanson. Kahit na anong mangyari! Magpapalusot na lang ako kay Teacher mamaya.

"Laura," tawag ni Yui. Sumunod siya sa akin.

"Ano?"

Tumakbo siya at humarang sa harap ko. "Don't go near him."

Nahinto ako sa paghakbang. "Anong ginagawa mo?" taka kong tanong.

"May klase ka."

Nangunot ang noo ko. "Alam ko. Gusto ko lang kausapin si Hanson. Saka babalik din agad ako sa classroom ko."

"Mamayang break."

Napabuga ako ng hangin. "Ilang araw ko na siyang hinanap tuwing break, pero hindi ko siya nakita. Inisip kong mas maganda kung ngayon ko siya kakausapin, dahil alam kong nandoon siya sa 4C."

"Hindi pwede."

"Anong hindi pwede?" Napatitig ako nang husto sa kaniya. "May tinatago ka ba?"

Umiling siya. "Kaibigan ko si Hanson. May ginagawa lang siya kaya hindi ka niya nahahatid sa bahay niyo."

"Ha? Paano mo nalaman ang tungkol do'n? Saka..." Nag-iwas ako ng tingin. "Hinahatid naman ako ng driver niya."

Ngumiti siya. "Hanapin mo na lang siya mamaya, Laura."

"Gusto ko siyang makita ngayon. Girlfriend niya ako pero parang hindi." Bumuntong-hinga ako. "Ilang araw ko na siyang tinitiis pero ngayon, naputol na ang pasensya ko. Dapat ko siyang makita kasi nababaliw na ako."

"Pero Laura -" Nahinto siya sa pagsasalita nang may limang babaeng nagsisigaw at tumakbo papalapit sa gawi namin. Mahinang napaungol sa inis si Yui. "Girls," daing niya. Tumingin siya sa akin. Alam ko na agad na humihingi siya ng tulong.

Ngumiti ako sa kaniya, saka siya nilampasan at tumakbo papasok sa M.A building.

"Laura!" tawag ni Yui.

Natawa ako. Agad kong hinanap ang pinto ng 4C. Napangiti ako nang makita ko 'yon. Humakbang ako palapit. Sakto namang bumukas 'yon at niluwa si Hanson. Nahinto ako saglit nang makita ko ang seryoso niyang mukha. Dahan-dahang kumurba ang mga labi ko saka mabilis siyang nilapitan.

"Hans!" tawag ko. Gulat siyang napatingin sa gawi ko. Nakita ko pa ang pag-awang ng mga labi niya. Ngumiti ako at huminto sa harap niya. "Nakakatampo ka. Ilang araw mo akong natiis. Ni hindi ka man lang nag-text kahit greetings no'ng birthday ko noong isang araw. Ano bang ginawa mo't na-busy ka nang husto?"

"Ashlee..."

"O?" Natawa ako. "Gulat na gulat ka. Hindi mo siguro inasahan na makikita mo ako. Inisip ko tuloy na iniiwasan mo ako." Naningkit ang mga mata ko at pabirong humalukipkip sa harap niya. "Iniiwasan mo ba ako, Hans?"

"Ashlee," aniya at nanatiling nakatitig sa mukha ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan nang may babaeng lumabas mula sa isang pinto. Sa tingin ko, pinto 'yon ng 4D. Umikhim si Hanson at tinawag ang babaeng tumambay sa gilid ng pinto. "Miss."

Lumingon ang babae sa kaniya. Tinuro ang sarili. "Ako?"

"Oo. Pwede bang pakitawag kay Sonya Amarez?"

Nangunot ang noo ng babae bago pumasok ulit sa pintong pinaglabasan kanina. Napatitig naman ako nang husto sa mukha niya. "Hans," tawag ko.

Bumaling siya sa akin. "Bakit?"

"Iniiwasan mo ba ako?" Lumunok ako. "Iniiwasan mo ako, 'di ba? Umiiwas ka sa akin, Hans. Ayaw mo akong kausap? May mali ba akong nasabi? Sabihin mo sa akin kung bakit, Hans."

"Magkita na lang tayo mamaya, Ashlee."

Biglang may pumitik sa puso ko. Nanlabo bigla ang paningin ko. "Pero Hans..." Inabot ko ang kamay niya at mariing pinisil. "Please, hindi ko alam kung bakit ayaw mo na akong kausapin. Kung tungkol na naman ito sa grades ko, pagbubutihin ko na next time. Just don't ignore me. Nasasaktan ako, Hans."

"Ashlee." Nahigit ko ang hininga nang inabot niya ang pisngi ko at marahang hinaplos. "Hindi pa 'to ang oras natin. Wala rin akong balak na saktan ka kaya tigilan na natin 'to."

Parang may libo-libong karayom na sabay-sabay tumusok sa puso ko. Bigla akong nasakal ng sarili kong hininga. Mas lalong nanlabo ang paningin ko na naramdaman ko ang mabilis na pagdaloy niyon sa magkabila kong pisngi.

"H-Hans..."

Umawang ang labi ko sa sakit. Napahawak ako sa dibdib bago tumalikod at tumakbo palayo sa kaniya. Palabas ng M.A building. Sinapo ko ang bibig para pigilan ang mga hikbi.

Anong nagawa ko para tratuhin niya akong ganito? Bakit? Bakit palagi na lang akong tinatapon nang ganon-ganon lang?

Nadapa ako sa damuhan. Doon mas lalong bumuhos ang luha ko. Napahagulgol ako sa sakit. Sana hindi ko na lang siya pinapasok sa pader na ginawa ko. Sana... sana naprotektahan ko pa ang sarili ko.

Nakuyom ko ang kamao. Ramdam ko ang damuhan sa mga palad ko. Galit ko 'yong binunot at impit na sumigaw sa sakit. Napatingala ako. Nagmamakaawa.

"Wag mo na akong buhayin. Ayoko na. Pagod na akong masaktan, please. Kill me."

Tapos... masamang tingin ang pinukol ko sa asul na kalangitan. Pero may taong humarang sa paningin ko. Magkasalubong ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin na nakaluhod sa damuhan.

"Laura," mariin niyang tawag sa pangalan ko. "Tumayo ka."

Mabilis akong umiling at impit na namang napahagulgol. Narinig ko ang marahas niyang buntong-hinga bago ako binuhat na gaya ng sa kasal. Mabilis ang mararahas niyang paghinga at madilim ang awrang naglakad papunta sa direksyon ng parking lot.

"You didn't listen," magkalapat ang ngiping bulong niya. Humigpit ang kamay niyang nakahawak sa braso at likod ng hita ko.

"Y-Yui," bulong ko. Pinikit ko ang mga mata at hinilig ang ulo sa balikat niya.

Naramdaman kong binaba niya ako paupo sa hood ng isang sasakyan. Bumuntong-hinga siya at namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Minulat ko ang mga mata at kunot-noong tumitig sa kaniya.

"Baka sitahin tayo ng g-guard."

"Ako nang bahala. Magpahupa ka muna riyan. Ihahatid kita sa klase mo kapag maayos-ayos ka na."

Napayuko ako. Pinaglaruan ko ang mga kamay at paminsan-minsan ay nag-aangat ng tingin kay Yui. Nang hindi ako makatiis ay umikhim ako at nagtanong. "Paano mo nalamang umiiyak ako ro'n?"

"Sinundan kita."

"Sinundan?"

Tumango siya. "Masama ang kutob ko kaya sinundan kita."

"P-Pero wala ka bang klase? Class hour ngayon."

Napaiwas ako ng tingin nang humalakhak siya. "Ask yourself too, Laura." Ngumiti siya. "Free time ng 4E ngayon kaya namamasyal ako sa field."

Napakurap-kurap ako, saka suminghap. "4E?" Nanlaki ang mga mata ko at tinuro siya. "4E ka?!"

Bumulwak ang tawa niya. Hinawakan pa ang tiyan sa kakatawa. Nagtaas-baba naman ang balikat ko at nanlalaki ang mga matang napatitig sa kaniya. Umawang pa ang mga labi ko.

Bakit napapalapit ako sa mayayaman?

"Epic. Your face is priceless," aniya saka tumawa na naman.

Nagbaba ako ng tingin at pagak na natawa. Sinasabi ko na. Hindi lang siya ordinaryong estudyante lalo't kaibigan siya ni Hanson na isang mayaman. Ang hindi ko lang inasahan ay makakakilala ng isang lalaki mula sa seksyong ilag sa ibang estudyante. Sa lahat-lahat ba naman ng seksyon, bakit 4E pa?

Lonely Town of Shadows (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon