Chapter 9

64 10 2
                                    

It's been months. I've grown a lot... or so I thought?

Natapos ko ang freshman year na tahimik, walang kaibigan, hindi naka-akyat ng stage, at malamig. May bago ba ro'n? Nasanay na ako. Noon, nasanay ako sa sakit at ngayon mas nasanay na akong mapagod.

Siguro, kailangan ko lang dumistansiya sa mga tao. Magtayo ng pader sa pagitan namin, at 'wag hayaang may makapasok maski isa. Ah, maliban sa isa. Si Hanson.

"Mahal kita," bulong ko sa tainga niya. Nilayo ko ang mukha sa kaniya at ngumiti.

Inipit niya ang buhok sa tainga ko. "Last year ko na sa Tyrant. Kaya mo ba ang LDR?"

"Oo naman!" Natawa ako. "Maghihintay lang naman ako ng two years, saka susunod ako sa University kung saan ka magka-college. Hmm... baka ikaw ang hindi makapaghintay?"

Tumaas ang sulok ng labi niya. Kinabig niya ako at niyakap. "Basta mag-aral ka nang mabuti, Ash."

"Asus, parang hindi mo naman nakita ang GWA ko last year. Nakatungtong ako ng eighty-five plus top twentieth student pa."

"Hmm? It's bad to boast."

"Opps, sorry." Hilaw pa akong ngumiti.

Ngumiti siya. "CLP na sa susunod na linggo. May bagong Bible verse ka bang nasaulo?"

"Yes." Lumapad ang ngiti ko. "2 Corinthians 7:10."

Tumango-tango siya saka inaya akong maglakad-lakad sa soccer field. Masaya akong sumunod kung saan siya papunta. Naupo siya sa lilim ng isang puno kaya naupo ako sa tabi niya.

"Anong natutuhan mo sa 2 Corinthians 7:10?"

Tumingin ako sa berdeng field sa harap. "Hmm..." Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan kung paano kuminang ang bermuda sa ilalim ng sinag ng araw. "It says... for godly sorrow produces repentance leading to salvation, not to be regretted; but the sorrow of the world produces death. Ang naintindihan ko, 'yong godly sorrow na tinutukoy rito is 'yong sorrow natin sa oras na malamang sobra tayong makasalanan. It will lead us to repentance.

Pero 'yong worldly sorrow, na sa tingin ko ay sorrow dahil sa temporary problems or trials, siyempre will lead to death kasi walang repentance na involve. Tama ba ako?"

"You have a point."

Natawa ako. "See? Medyo may kaalaman na ako sa Bible verses. Makakasabay na ako sa 'yo."

"I told you, Ash. It's bad to boast."

Nangunot ang noo ko at tumingin sa gawi niya. "Hindi naman ako nagmamalaki, a?"

"Really?" Tumitig siya sa akin.

Napalunok ako at inalala ang sinabi ko. Maya-maya pa'y natutop ko ang bibig. "Oo nga! Sorry, hindi ko alam!"

Napabuntong-hinga si Hanson. "You should learn how to discern right from wrong. Ask the Holy Spirit to lead you, Ash."

Nahihiya akong napayuko. "Sorry talaga. G-Gagawin ko 'yong sinabi mo."

Tinapik lang niya nang bahagya ang balikat ko. Sumulyap ako sa kaniya saglit bago muling nagbaba ng tingin. Napabuntong-hinga ako. Ewan, hindi ko alam kung tama ba 'yong pinanggagawa kong pagsama kay Hanson. Minsan, ramdam kong may iba sa kaniya. Pero madalas, ramdam ko 'yong difference naming dalawa.

Kaso hindi ko kayang lumayo sa kaniya, lalo ngayong boyfriend ko na siya. Saka, siya lang 'yong taong kayang tumawid sa pader na ginawa ko.

"Ash."

Napakislot ako saka nagbaba ng tingin sa inabot niya. Isang candy. Napangiti ako at agad 'yong tinanggap. "Thanks!"

"You're welcome."

Lonely Town of Shadows (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon