Media: Way Maker by Leeland (Live Passion 2020 feat. different artists)
~
Nakita ko si Yui na nakasandal sa isang haligi ng giant tent. Sumulyap siya sa gawi ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi naman siya nag-atubiling lumapit sa akin kaya nanatili akong nakatayo sa giliran ng mga speakers.
Gaya lang nang last CLP ang set-up. Kaya lang, mas maliit lang ang bilang ng tents na inilabas ng maintenance. Ang sabi ng P.I.O, may gaganaping closing party para sa one week Intramural celebration. Ang SSG daw ang nagha-handle.
"Heto. Mag-juice ka muna."
Tinanggap ko ang inabot na juice sachet ni Gernalie. "Sa'n ka pupwesto mamaya?" tanong ko saka tinusok ng straw ang ilalim ng sachet.
"Sa likod. Siyempre."
"Sasama ka kay Yui sa likod gaya no'ng CLP?" patay-malisya siyang tanong. Sumipsip ako sa straw habang nakatitig kay Gernalie.
Nagkibit-balikat siya. "Mas feel ko ngayon samahan ka, friend. Ayokong ma-fall hard kay Yui."
"Fall hard." Natawa ako. "Akala ko study first. May fall-hard pang nalalaman."
Ngumuso siya at dumila. Napailing na lang ako at natawa. Tiningnan ko ang sini-set pang stage. Nandoon 'yong vice-president ng SSG. Ah, wala pa rin si Ate Sidine. Naaksidente siya no'n kaya hindi ko masyadong nakita sa buong week ng Intramurals. Alam kong kapag nandito siya, hands-on 'yon sa lahat ng activities under SSG.
"Tingnan mo, friend. May nagkakantahang seniors sa unahan," bulong ni Gernalie.
Napatingin ako sa ininguso niya. Isang seksyon yata 'yong pumaikot sa isang lalaking may dalang gitara. Napatayo ako nang maayos habang tinititigan ang lalaki. Siya 'yong kasama nina Sera at Cara. Hinanap ng mata ko ang dalawa at nakita ko sila sa harapan ng lalaki. Parang... Zion yata ang pangalan ng lalaking 'yon.
Nagtanong si Zion at masayang sumagot si Cara. Maya-maya pa'y narinig ko ang strum at boses ng seniors. Sabay-sabay silang kumanta. Nakapikit sila at may munting ngiti sa mga labi.
Natigilan ako habang pinapanood sila. May pamilyar sa himig. Pumasok bigla 'yon kantang kinanta ni Hanson pagkatapos no'ng CLP na first time kong naranasan.
Nanigas ako. Hindi dahil sa gulat pero dahil sa naalala ko 'yong panahong sinambit ko ang pangalan ni Jesus para iligtas ako sa depresyon at pangungulila. Naalala ko ang panahong naiyak ako sa tuwa pagkatapos kong ibigay sa kaniya lahat-lahat... matapos kong sabihin sa kaniya kung gaano ako nasasaktan, kung gaano ako napapagod sa buhay.
Naalala ko bigla ang panahong wala akong ibang gusto kung hindi paglingkuran Siya.
Naalala ko. Bigla na lang pinaalala sa akin lahat. At... nanlabo ang paningin ko. Bakit ngayon ko lang ulit naalala ang Diyos? Bakit ngayon ko lang ulit naalala si Jesus?
Bakit nakalimutan ko Siya? Anong nangyari sa akin? Totoo ba talagang... lumalapit lang ako dahil may kailangan ako sa Kaniya? Na lalapit lang ako sa harapan ng Diyos para humingi ng tulong?
Nasa'n ako sa panahong masaya ako? Nasa'n ako sa panahong guminhawa ang buhay ko? Nasa'n ako sa panahong maganda ang takbo ng buhay ko? Nasa'n ako? Nasa'n ako....
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong humakbang palapit sa mga seniors. Hindi ko rin alam kung bakit naupo ako sa likuran ng isang babaeng senior at pumikit. Hindi ko alam... may nag-uudyok sa aking makinig.
Totoo bang... nandito Ka? Nakikinig Ka? Totoo bang... nakikinig Ka sa hinaing ko? Akala ko naririnig Mo ako pero bakit parang wala Kang ginagawang hakbang para mawala ang lungkot sa puso ko? Bakit?
BINABASA MO ANG
Lonely Town of Shadows (Complete)
Teen FictionLaura Ashlee Alvaro thinks that she is living an unworthy life. She fails. She cries. She hopes no more. She knows that there is no way for her to be happy. That she is just a shadow lurking behind those sweet smiles of an angel. Until Hanson, her...