Sariah
NASA coffee shop kami ng aking kaibigang si Stanley nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. I think I know what that is, nag-update na siguro si Achilles. Kahit pa busy ako ay sinubukan kong buksan ang aking cellphone.
"I knew it! Nag-update na siya! Teka babasahin ko muna--" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil may sinabi si Stanley sa akin
"Will you lower your voice? Tingnan mo nga Sariah, everybody is looking at you right now. Hindi ka ba nahihiya? Naku naman! Si Achilles lang naman iyan ah?" sabi ni Stanley
"Sorry naman Stanley, na-excite lang ng konti eh. Ito na nga, hihinaan ko na ang boses ko. Selos ka naman agad kay Achilles," sabi ko sabay kuha ng fries
"Bakit ba kasi sobrang inlove na inlove ka dyan sa writer na iyan? Ang balita ko, hindi naman niya pinapakita ang mukha niya sa public right? So why are you so inlove with him? Ma-iinlove ka na nga lang, sa hindi pa nakikita ang halaga mo!" sabi niya sa akin
Aba, grabe ang sagot niya sa akin ah? May pinagdadaanan ba itong si Stanley at ganito na siya makipag-usap sa akin ngayon? Bago naman kami pumunta dito kanina ay masaya kaming dalawa. What happened?
"Alam mo, okay na itong inlove ako sa writer na hindi ko kilala. Hindi naman niya ako sasaktan eh, unlike dito sa mga kilala ko nga pero manloloko naman. Edi wala rin! Diba?" sagot ko naman
"Grabe ka sa mga kakilala mo ha, nasubukan mo na ba ang lahat ng lalaking kilala mo? Hindi pa naman diba? Haynaku, bakit ganyan kayong mga babae? You are generalizing men as if natikman niyo na kaming lahat!" sabi niya
"Stanley, watch your words! May ibang tao dito sa coffee shop, better drink your macchiato na lang. After that, umalis na tayo dito at babasahin ko pa itong upate ni Achilles," sagot ko
"What if pangit pala ang Achilles na iyan? Ganyan ka pa rin kaya ka-excited na basahin ang mga gawa niya?" Stanley asked me, I was surprised
"Hindi naman ang itsura niya ang nagustuhan koeh, ano ka ba? Kaya din siguro hindi siya nagpapakita sa readers niya, para makita kung sino talaga ang magbabasa ng mga kwento niya sa Wattpad," sagot ko
"Sabagay, kapag lalaki kasi talaga ay nakakahatak agad ng readers. Mostly kasi nang gumagamit sa Watt[pad ay babae eh, lalo na ang teens nowadays. Ikaw, hindi ka na teen pero nagbabasa ka pa din ng Wattpad na iyan!" sabi ni Stanley
"Hoy, walang edad ang pagbabasa at pagsusulat ano? Kung iyon ang gustong gawin sa buhay, bakit pipigilan? Kung alam mo lang kung gaano kasaya ang mundo namin," sagot ko
"Alam kong masaya ang mundo dyan pero kailan ka ba sasaya sa mundo ko? Haynaku, ang tagal ko nang nanliligaw eh!" sabi niya
Yes, nanliligaw si Stanley sa akin for 6 months now. Ngunit, hindi ko talaga kaya eh. For me, kaibigan ko lang siya. Buti nga ngayon hindi na siya masyadong nangungulit sa akin, noong una ay grabe iyan. Halos araw-araw ang effort mapasagot lang ako. Kaso wala eh, hindi ko talaga makita ang sarili ko na kasama siya bilang boyfriend ko.
"Hmm, alam mo na ang sagot ko dyan hindi ba? Alam mo namang hindi kita nakikita as a boyfriend. Saka, ayaw mo ba noon? Hindi tayo maghihiwalay kasi magkaibigan tayo," sagot ko
"Alam ko naman eh, walang-wala ako dyan sa Rio Achilles na iyan. Sana ako na lang siya pero hindi eh. Well, masaya pa rin naman ako dahil kinaibigan mo pa din ako after I told you what I really feel," sabi ni Stanley
"Oo naman, why not? Matagal na tayong magkaibigan kaya noong sinabi mo sa akin ay okay lang. Aminado ako na noong una ay awkward siya for me pero nasanay na din ako," sabi ko
"Sige na nga, umuwi na tayo at babasahin mo pa iyang update ni Rio Achilles. Pasalamat ka at mahal kita kaya papayag ako na iuwi kita kahit na nagde-date pa tayo!" hirit ni Stanley
"Date naman daw, baliw ka! Iyan ka na naman sa mga hirit mo eh, hindi naman uubra iyan kahit anong gawin o sabihin mo sa akin. Halika na, iuwi mo na ako sa amin," sabi ko sabay kuha ng aking bag
"Kahit anong gawin ko sa iyo? Eh kung halikan kaya kita? Mawawala kaya ang pagkagusto mo kay Achilles? What do you think?" hirit pa niya ulit
"You know what? I think, matatadyakan kita kapag hindi pa tayo umalis dito at hinalikan mo ako. You know that I hate that. Baka mamaya ay iyon pa ang maging dahilan ng paghihiwalay natin bilang mag-kaibigan," sagot ko at lumabas na sa coffee shop
Narinig ko na nagmabilis siyang lumabas at hinabol ako. Hindi talaga kaya ni Stanley na magka-away kami kaya gusto ko siya bilang kaibigan eh. I feel so special pero mas okay sana kung si Rio Achilles ang magiging kaibigan ko tapos boyfriend na after.
"Sorry na, okay? Hindi ko naman intensyon na bastusin ka. Joke lang iyon for me and you know naman na kahit gusto kita ay nirerespeto ko pa din na ayaw mo sa akin kaya hindi na kita pinipilit," sagot ni Stanley
"Just don't do it again or else hindi na talaga kita kakausapin kahit kailan. You know how much I hate those disrespectful men," sagot ko sabay sakay sa passenger's seat
"Yeah, I'm sorry. Hindi na mauulit, okay? Ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka na, you had a long day at work. Pasensya ka na talaga sa biro ko, ha?" sabi niya sabay sakay sa driver's seat
Mabait naman talaga si Stanley eh, minsan lang talaga ay ayaw ko sa mga hirit niya. Although, ganoon naman talaga ang mga lalaki minsan. Sa sobrang biro hindi nila alam na minsan ay nakakabastos na sila ng babae. Buti na nga lang itong si Stanley, nagso-sorry agad kapag may nagiging problema kaming dalawa.
Nag-iisip tuloy ako ngayon, paano kapag si Rio Achilles na ang kaharap ko? I mean, ganoon din ba siya sa ibang tao? Lalaki daw kasi siya sabi ng iba, so minsan nagbibiro din siya ng bad jokes? Oh no, why am I thinking like this? Mabait naman siguro siya kasi hindi naman masama ang pinapakita niya sa mga kwentong gawa niya eh.
BINABASA MO ANG
Married To My Reader (Completed)
RomanceWhat if sa isang iglap, maging asawa mo ang iniidolo mong writer? Pwede naman iyon hindi ba? Kahit reader ka lang, pwede kang maging kasintahan ng isang writer. Tao din naman kasi sila, nagmamahal at nasasaktan din. Dream come true para kay Sariah a...