Chapter 14

1.3K 58 26
                                    

Rocky

NANG malaman ko na nililigawan pala ni Rio Achilles si Sariah ay galit na galit ako. Ngunit, hindi ko pinakita kay Sariah na galit ako. Kunwari'y mabait ako at maamong tupa na sunod nang sunod lang sa kanya.

"Eh, okay ka lang ba? Kaya pala hindi ka makapag-kwento noong mga nakaraang araw eh, may tinatago ka pala sa akin. Okay lang naman sa akin, masaya nga ako para sa iyo kasi kahit saglit ay nakausap mo si Rio Achilles," sabi ko

"Kinakaya ko naman, pero masakit pa rin eh. Alam mo iyon? Akala mo'y ikaw lang, pero hindi pala. May iba pala siyang gustong makasama. Pasensya ka na kung hindi ko agad sinabi sa iyo ha? Simula ngayon, sasabihin ko na sa iyo lahat!" sabi niya

"Oo, sige ba. Sabi mo iyan ah? No more secrets simula ngayon," nakangiting sabi ko

Malamang, kaya hindi mo agad sinabi sa akin dahil alam mong magagalit ako sa iyo. Alam mo bang galit na galit ako ngayon pero hindi ko pwedeng ipakita sa iyo dahil hindi iyon ang kilala mong Rocky. I really envy you because of what you have. Para kang prinsesa, nasa iyo na ang lahat samantalang ako ay kailangan kong mag-trabaho para makuha ang gusto ko!

Nang mapansin kong lasing na siya ay nagpaalam na ako. Hinatid at pinahiga ko pa si bruha sa napakaganda niyang kama, sana ay ako na lang ang nakahiga rito at hindi siya. Mas bagay kasi siyang matulog sa eskenita.

Pag-uwi ko ay agad kong tiningnan ang Wattpad kung may update na ba si Rio Achilles, malamang ay hindi mag-uupdate iyon dahil apektado siya kay Sariah. Ngayong wala na silang komunikasyon, dapat ay kumilos na ako. Wala akong pakialam kung sagutin niya o hindi ang message ko, ang importante ay i-approach ko siya at sirain ko ang tiwala niya kay Sariah.

Rocky08: Kaya pala hindi ako kinakausap ni Sariah, nililigawan mo pala siya. Bakit siya pa? Bakit hindi na lang ako ang niligawan mo eh active rin naman ako sa pag-appreciate sa gawa mo!

Napukaw ko yata ang atensyon niya dahil sa pangalan ni Sariah, malamang ay gusto niyang malaman kung anong nangyari sa babaeng iyon, ngayon na ang pagkakataon ko para siraan silang dalawa sa isa't isa. Kapag nagawa ko iyon, tiyak na sa akin na si Rio Achilles.

RioAchillesTheGreat: Kilala mo si Sariah? Pakisabi naman na sagutin niya ang messages ko rito sa Wattpad. Parang awa mo na, gusto ko na maliwanagan kung bakit ayaw niya na bigla sa akin.

Ayos ah, mukhang malaki ang magiging utang na loob mo sa akin. Hindi ko naman hahayaan na malaman mo ang totoo, gagamitin ko ang kagustuhan mo kay Sariah para makita kita at mapa-sa akin ka na.

Rocky08: Bakit ko naman gagawin iyon eh ayaw ko naman na mapa-sakanya ka? Gusto ko, akain ka lang! Nauna akong mahalin ka kaya ako dapat ang piliin mo at hindi siya.

Bitch na kung bitch pero gusto ko talagang mapa-sa akin ka, Rio Achilles. Kung iisipin, ako ang unang makakakita sa iyo at hindi si Sariah. Doon pa lang ay panalo na ako, paano pa kaya kung maging nobyo kita?

RioAchillesTheGreat: Anong gusto mong gawin ko para pumayag ka? Lahat nang sasabihin mo ay susundin ko, basta malaman ko lang kung anong nangyari sa kanya. Ayos lang ba siya?

Ayos na ayos, sunud-sunuran ka sa akin ngayon. Malamang, lahat ng aking sasabihin ay paniniwalaan mo. Pagkakataon ko na ito para baliktarin lahat ng kwento. Sariah,ang tagal na kitang gustong bawian. Dito man lang ay makaganti ako sa mga pinag-gagawa mo sa akin simula noon pa.

Rocky08: Ayos lang naman siya, busy nga sa lalaki niya eh. Alam mo kung anong gusto ko? A date with you lang naman, tapos sasabihin ko na sa iyo mga nangyayari kay Sariah.

Tama! Sasabihin kong may lalaki si Sariah para hindi na siya maghabol pa rito. Kapag nangyari iyon, sasaluhin ko siya at ako na ang pipiliin niya. Ang ganda ko, diba? Talo si Sariah sa plano kong ito.

RioAchillesTheGreat: Sino naman ang lalaki niya? Wala naman siyang nake-kwento sa akin, kasi nga nililigawan ko siya. Totoo ba iyang sinasabi mo? Hindi kasi kapani-paniwala ang kwento mo eh. At saka, kapag pumayag ako sa date na gusto mo ay baka magalit sa akin si Sariah.

Wow, writer ka nga. May utak eh, hindi kaagad naniwala sa sinabi ko pero kay Sariah ay naniwala agad? Ang unfair mo naman, my favorite author. Sayang ka, matalino ka nga pero mapapaikot rin kita.

Rocky08: Ah, hindi niya talaga sasabihin iyon sa iyo kasi nga ay pinapaasa ka niya. Siguro naman ay narinig mo na ang pangalang Stanley. Iyon ang lalaki niya ngayon, magkasama nga sila eh.

Ang sakit naman, pinalabas kong pinaasa ka ni Sariah para mapa-sa akin ka. Kawawa man ay kailangan kong gawin ito.  Ngayong kailangan mo ng tulong ko, alam kong hindi ka makaka-hindi pa. 

RioAchillesTheGreat: Stanley? Hindi ba iyon ang kaibigan ni Sariah na ikakasal na sa iba? Alam kong ayaw ni Sariah doon, hindi nga niya iyon sinagot eh.

Iyon ang akala mo, pero hindi! Dahil ang sasabihin ko sa iyo ay sila talaga ang ikakasal at pinapa-ikot ka lang niya. Hindi naman niya nakakasama si Sariah kaya malaki ang chance na maniwala siya sa mga sinasabi ko ngayon.

Rocky08: Mukhang mali ang alam mo, sila ang ikakasal ni Stanley in two weeks. Kawawang manliligaw, walang alam sa kanyang nililigawan. Ano? Ngayong alam mo na, papayag ka na ba sa alok kong date? Bayad mo na rin sa pagtatanong kung ano ang totoo.

Alam kong marami ka pang tanong, kaya sasagutin ko lahat ng iyan ng kasinungalingan. Humanda ka na dahil sa mga susunod na araw ay tayong dalawa na lang sa kwento at wala na ang kawawang si Sariah.

RioAchillesTheGreat: Sige, sabihan mo lang ako kung saang lugar tayo magkikita para puntahan kita. Ang hiling ko lang ay kwentuhan mo pa ako kung anong nangyayari kay Sariah. Isa pa, sana ay hindi niya malaman na nagkita tayo.

Ayos! Nahulog ka rin sa bitag ko. Excited na akong makita ka, kung alam mo lang. Simula na ito nang paghihiganti ko, hawak ko na ang kwento at wala na kayong magagawa kundi ang sumunod na lang sa mga sinasabi ko.

Rocky08: Sige, salamat! Oo, hinding-hindi niya malalaman ang pakikipagkita ko sa iyo.

Married To My Reader (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon