Chapter 35

585 32 4
                                    

Rio Achilles

BUTI naman at agad ko siyang napapayag na makipagkita sa akin ngayon. Two weeks na rin kaming magka-chat ni Rocky eh. Paniwalang-paniwala pa rin siya na wala na talaga kami ni Sariah. Oh god,  I can't live without her.

"Nasaan ka na? Nagte-text na ba siya sayo?" sabi ni Sariah mula sa kabilang linya.

"Oo, nandito na ako. Ite-text kita kapag nandito na siya. Okay? I love you!"sagot ko naman.

"Sige, I love you too. Keep safe, my love! Galingan mong umarte!" sabi naman niya, natawa na lang tuloy ako.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay pumasok na ko sa loob ng restaurant kung saan kami magkikita ni Rocky. I texted her na rin para malan ko kung nasaan na siya.

Rio Achilles:
Nasaan ka na? Nandito na ko sa restaurant. I-text mo ko kapag malapit ka na ah. Thanks :>

Rocky:
Nandito na ako, malapit na. Sure ka bang wala si Sariah dyan sa meet up place nating dalawa?

Rio Achilles:
Wala nga. Kung nandito man siya ay paaalisin ko agad. Okay? Alam kong wala kang tiwala masyado sa akin pero kahit ngayon lang, magtiwala ka. Two weeks na rin tayong nag-uusap di ba?

Rocky:
Ah, ganun ba? Sorry kung pinag-iisipan kita nang masama. Alam mo naman kung bakit ako ganito sayo ngayon eh.

Hindi ko na sinagot ang text niya. Nang makapasok na ko ay inorder ko lahat ang mga pagkain na hindi niya gusto. Good thing na alala pa ni Sariah iyon kaya binigyan niya ako ng list.

Ayaw niya sa dinuguan, ube flavored ice cream, bread with mushrooms at kare-kare. Kinakain ko naman ang lahat ng iyon kaya walang problema sa akin. Ngayon pa nga lang, natatawa na ko sa magiging reaksyon niya. Ano kaya ang gagawin niya mamaya?

Nang maka-order na ako ay bigla naman siyang dumating. Ngumiti ako na para bang masaya ako sa pagdating niya. Gusto ko masuka pero hindi pwede, ngumiti na lang kami sa isa't isa.

Tumayo ako at pina-upo siya roon. Kilig na kilig naman siya sa gesture ko. Kita ko sa mga mata niya yung kilig eh, tiyak ko na mahuhuli talaga namin 'to kapag walang naging problema.

"Bakit ang tagal mo? Iyan, umorder na ko ah. Hindi ko alam kung anong gusto mo pero nag-advance order na rin ako para sa atin," sabi ko nang nakangiti sa kanya.

Nang ma-realize niya na wala siyang kinakain roon ay lumaki ang mga mata niya. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko.

"H-hindi ako nakain ng mga inorder mo pero kakainin ko pa rin 'yan, sayang kasi ang pera. Sabi naman nila masarap 'yang mga 'yan eh," nauutal na sabi ni Rocky.

Nagkunwari akong natingin sa menu list at nakatago roon. Natatawa kasi talaga ko sa reaksyon niya, nang kumalma na ko ay tinanong ko na siya.

"O-order na lang ba ko ng iba? Kahit ako na ang kumain ng mga 'yan tapos ikaw na lang pumili ng pagkain mo."

"Huwag na, napakarami na nito para bumili pa tayo. Malay mo naman, magustuhan ko isa sa mga 'yan edi okay na ko," sabi niya sabay ngiti ss akin.

Tumango na lang ako at umorder ng kanin para sa amin. Nilagyan ko ng kanin ang plato niya saka kumuha rin ako ng kare-kare para sa amin.

"Kain ka na, masarap 'yan. Mamaya, tikman mo yung dinuguan. Okay na okay ang dinuguan rito sa restaurant na 'to eh," sabi ko sabay ngiti.

Pilit na pilit ang ngiti niya sa akin. Tumikim na siya ng kare-kare pero kitang-kita ko na ayaw niya ng lasa noon. Wala akong pake, ang sarap kaya ng kare-kare at dinuguan!

Kumain naman siya ng konting kare-kare pero mukhang hindi na niya kaya dahil parang nasusuka-suka na siya.

"Teka lang ha, punta lang akong comfort room. Hintayin mo ako rito," sabi niya sabay tayo at pumunta na sa CR ng restaurant.

Doon ko na tinext si Sariah, para i-update siya kung ano na ang nangyayari sa amin. Kanina pa rin siya nagte-text sa akin eh.

Sariah:
Ok na? Musta kayo dyan? Anong reaksyon niya?

Sariah:
Uy, reply naman dyan. Update mo ko please? :)

Sariah:
Luh, kinain ka na ba ng babaeng 'yan? Naku naman, umayos kayong dalawa at pupunta talaga ko dyan kapag hindi ka pa nag-reply sa akin!

Achie:
Okay na. Kung nakita mo lang kung anong reaksyon niya kanina. Ngayon kasi ay nasuka siya sa loob ng comfort roon eh. Slr, ngayon lang siya nawala eh.

Achie:
Sorry na, ikaw lang naman mahal ko eh. Na-tyempo lang ako kaya hindi ako maka-reply kanina. Hindi kita pinagpalit, ikaw? Huwag ka na magtampo sa akin. I love you! Update ulit kita mamaya, parang aalis na kami dito ngayon eh.

Nang ma-send ko na ang text ay agad namang nagpakita si Rocky sa akin. Buti na lang at tapos na kong mag-text kaya hindi niya ako nahuli.

"Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo ah, may problema ba?" sabi niya sa akin.

Naku, mukhang gulat na gulat yung mukha ko noong lumabas siya mula sa comfort room. Ngumiti na lang tuloy ako bigla para hindi na siya magtaka pa. Ngumiti naman siya pabalik kaya nawala na ang kaba ko.

"Saan tayo pagkatapos nito? Pwede ba sa bahay mo? Maaga pa naman saka wala rin akong gagawin sa bahay ngayon," sabi niya.

Naku, patay na! Kailangang malaman ni Sariah na gustong pumunta ni Rocky sa bahay dahil nandoon siya ngayon. Hindi naman pwedeng magkita sila at tiyak na gulo lang ang idudulot noon. Kailangan kong mag-isip ng paraan para malusuta  ko ito.

"S-sige, wait lang. Punta lang akong comfort room. Iihi muna ako, dyan ka lang," mahina kong sabi sa kanya.

"Sige lang."

Nang makalayo na ako ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext ko si Sariah.

Achie:
Gusto niyang pumunta dyan, paano na?? Aalis ka muna?? Hindi ko akalain na gusto niya pang pumunta dyan sa bahay ko. Nakakainis!

Married To My Reader (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon