Chapter 19

1.1K 55 8
                                    

Sariah

KINABUKASAN, nagulat na lang ako namng biglang may unknown number na nagtext sa akin. I checked the text and it was from Stanley.

09*********: Hey, I just borrowed a phone from a friend. Tanya isn't around. How's life? Ito ako, malapit na akong bitayin. - Stanley

Sariah:  Baliw ka talaga. Masarap daw kaya mag-asawa. Balitaan mo ako kung anong feeling ha? Medyo stressed ako lately pero kinakaya ko naman.

09*********: Masarap mag-asawa kung mahal mo ang pakakasalan mo. Hay, anyare sayo? Kwento ka naman hangga't nasa akin pa ang cellphone na ito.

Sariah: Si Rocky, niloko niya tayo. She's just using us! Especially me, alam mo bang sinabi niya sa manliligaw ko na ikakasal na tayo just to ruin things up? Baliw na ang babaeng iyon.

09*********: Ha? How will that happen eh you two are besties? Ano iyon, nademinyo kaya tumalikod na sa iyo? And oh, you already have a suitor. Huling-huli na ba ako?

Sariah: We have talked about this already. You have to move on, ikakasal ka na. Ano ba? Kamusta na nga pala si Tanya? Are you getting along with each other?

09*********: Yup, she tries. Medyo okay naman siyang kausap but I think about you everyday pa rin. Hay, too sad I can't choose my wife.

Sariah: Just be happy that you two will be family after this. Kapag nakilala mo si Tanya nang lubusan, you will love her. I know it. Alright, alis muna ako ah?

09*********: Alright, ingat ka ah? I'll try to message you from time to time. Please pray for me, ikakasal na ako. It really scares the hell out of me.

Natawa na lang ako kay Stanley dahil kilala ko siya bilang matapang at walang inuurungan pero kay Tanya lang pala siya uurong.

Papunta ako ngayon sa department store dahil bibili ako ng dress na gagamitin ko sa date namin ni Rio Achilles. It's been a long time since I had this feeling eh.

I dated someone before but that was long time ago. Puppy love pa iyon noon, this is the first time na date talaga ang pupuntahan ko.

Tumitingin ako ng mga damit nang biglang may nasagi ako na babae. Hindi ko siya agad nakita dahil busy ako sa pag-tingin ng dress na bibilhin ko.

"Miss, mag-ingat ka naman sa dinadaanan mo! Hindi ka kasi natingin eh--"naputol ang sasabihin noong babae dahil napatingin siya sa akin

Nagulat kami sa isa't isa, kilala ko siya. She's Keren, ka-klase ko noong highschool.  Grabe ang pinagbago niya ngayon, tanga ito noong highschool kami eh. Nerd-type siya at parang patay na bata most of the time.

"Keren? Tama ba? How are you?" sabi ko

"Oh my gosh, Sariah? Ikaw na ba iyan? Diyos ko, I'm sorry kung natarayan kita. Okay naman ako, ikaw ba?" sagot niya sabay ngiti

"Okay naman ako. Busy with work. Ikaw ba? Balita ko last year, kinasal ka na sa long-time bestfriend mo hindi ba?" sabi ko

"Yeah. Ikaw? Single ka pa rin? Naku, masaya ang may asawa. Sa age natin, we need someone to be with," sagot naman niya

"Naku, wala pa kasi sa isip ko ang mag-asawa. Ayos pa naman ako, don't worry. Sasabihan agad kita kapag ikakasal na ako," nakangiti kong sagot

Ilang minuto pa ay may dumating sa amin. Sa pagkaka-alam ko ay iyon ang asawa niya, they look so perfect together. Sana kapag nag-asawa ako ay kasing ganda rin niya ako. Sana kapag nag-asawa ako ay maayos ang buhay na meron ako.

"Babe, sino siya?" tanong noong lalaki

"Ah, ka-klase ko siya noong highschool babe. Si Sariah," sagot naman ni Keren

"Ah, ganoon ba? Hi! Gusto ko man na humaba pa ang usapan niyo pero kailangan na naming umalis ni babe," sabi noong lalaki

Ngumiti naman ako at tumango. Naglakad na sila palayo sa akin, doon ko lang na-realize na buntis pala si Keren

"Kapag nanganak na ako, ninang ka ng baby ko ah?! Next time na lang ulit!" habol na sabi niya

Ganoon na ba ako kabagal na buntis na ang ka-klase ko at kasal na rin sila? Ayos rin naman ang tadhana, kung kailan naman tahimik lang ako sa isang tabi ay saka naman ako sasampalin sa katotohanan na masyado na akong late sa pagkakaroon ng asawa.

Nakakainis, nandito pa lang ako sa stage na makikipagkita at date kay crush. Para akong teenager na nangangapa pa lang sa dating process. Sariah, bilisan mo naman. Malapit ka nang mabulok at matuyo.

Pagkatapos ko sa department store ay pupunta agad ako sa parents ko. Ike-kwento ko sa kanila ang lahat at hihingi rin ako ng advice patungkol kay Rio Achilles. Rocky gave me so much stress kaya kailangan kong umuwi talaga sa pamilya ko.

Habang nagda-drive ay biglang tumunog ang cellphone ko. Rio Achilles is calling me via VibeChat, inilagay ko ang aking cellphone sa harapan then I turned on the speaker phone. Sana lang ay marinig niya ako dahil malakas ang tunog ng makina ng kotse ko.

"Hey, beautiful! How's your day? Sorry at hindi agad kita natawagan kanina kasi busy ako sa aking trabaho. Anyways, free na ako ngayon. Ready ka na ba to see me tomorrow?" sabi niya

"I'm good. Actually, I'm driving now, pupuntahan ko ang parents ko. Can you hear me? Ang ingay kasi ng makina ko. May sira yata ito, ipapa-check ko pa. Yes, I'm excited for tomorrow!" sagot ko

"Naku, bakit nag-drive ka pa kung may sira na pala iyan? Sana sinabihan mo na lang ako para ipag-drive ka. Pina-check mo muna sana bago mo gamitin," sabi niya

"No, it's okay. I can still manage it. Anyways, mamaya na ako magcha-chat sa iyo. Ingat ka today!" sabi ko

"Okay okay, ikaw ang mag-ingat. I-chat mo ako kapag naroon ka na sa parents mo ha? Teka, may sasabihin pala ako," sagot niya

"Ano iyon?" tanong ko

"Ah, ano kasi.. I love you," sabi niya sabay hagikhik

Natatawa ako dahil alam kong kinikilig siya sa kabilang linya kaya siya napahagikhik. Akala naman niya ay makukuha niya agad ako sa mga ganoon? Hindi naman ako marupok kahit siya pa ang crush at favorite author ko ano?

"God bless you," sagot ko

Married To My Reader (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon