Chapter 10

1.5K 74 3
                                    

Sariah

ISANG linggo na rin ang nakalipas simula noong sinabi sa akin ni Rio Achilles na gusto niya akong ligawan. Sa mga dumaang araw, sweet at caring naman siya. Ngunit, hindi pa rin siya nagpapakita sa akin hanggang ngayon kaya nagdududa pa rin ako kung gusto niya ba talaga ako o trip niya lang ang lahat.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong nagpaalam sa akin si Stanley na ikakasal na siya. Hindi ko naman mai-text dahil baka mabasa lang iyon ni Tanya. Baka pagsimulan pa nila iyon ng away kaya mabuti nang hindi ako magparamdam sa kanila. 

Ngayon, tinawagan ko si Rocky para kamustahin siya. I've been busy this week at hindi ko na siya nakakausap. Baka sabihin noon ay hindi na kami magkaibigan kaya inimbita ko siya sa aking bahay. Ganito naman kami noon, weekly kami kung magkita kaya nagsawa na rin kami sa isa't isa.

"Madam, nandito na po si Miss Rocky, papasukin ko na po ba siya?" sabi ni Yaya Lourdes sa akin

"Sige po, walang problema. Naihain niyo na po ba ang lunch namin?" tanong ko

"Oo, lahat ng paborito niyang pagkain ay naluto ko na po. Tulad pa rin po ng dati," sagot niya

"Sige, salamat po. Mag-aayos lang ako pagkatapos ay bababa na rin," sagot ko naman

Noong bata pa kami, mahilig si Rocky sa ginataang manok at pansit na luto ni Yaya Lourdes kaya iyon na ang lagi niyang kinakain kapag nandito siya sa bahay ko. Mayroon pa namang iba pero iyon talaga ang pinaka-paborito niya.

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na akong bumaba, nakita ko si Rocky na hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nagbabasa na naman siguro ito ng story sa Wattpad kaya kilig na kilig ang mukha. 

"Rocky, kain na tayo? Luto na ang ginataang manok at pansit na luto ni Yaya Lourdes," sabi ko

"Sars, nag-update na si Rio Achilles! Binabasa ko na ngayon, mamaya na ako kakain ah?  Wait lang!" excited na sagot niya

Ano kaya ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mong nanliligaw sa akin si Rio Achilles?Pasensya ka na kung hindi ko sinasabi sa iyo ang totoo ah. Alam ko kasi na magseselos ka dahil crush mo din iyon. I hate this kind of feeling, ayaw ko na may tinatago ako sa iyo.We shouldn't be like this.

"Sige, babasahin ko iyan mamaya pagkatapos nating kumain. Ano, tara na?" nakangiting sagot ko sa kanya

Agad na nagtaka ang mukha ni Rocky sa akin. Malamang, iyon talaga ang magiging reaksyon niya dahil lagi naman akong excited noon kapag si Rio Achilles na pinag-uusapan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, siguro dahil ayaw ko na may tinatago ako kay Rocky.

"Friend, may sakit ka ba? Bakit ganyan ang sagot mo sa akin? Dati, ikaw ang excited na magsabi sa akin na may update na si Rio Achilles ah? Anong nangyayari ngayon at ganyan ka?" sabi niya

"Ah eh kasi, gutom na ako. Mamaya na iyan kapag tapos na tayong kumain," sagot ko

Nagtataka pa rin siyang tumingin sa akin pagkatapos ay tumayo na sa sofa para pumunta sa dining area. Tahimik lang akong umupo at hinintay siyang maka-upo. Pilit kong iniiwas ang tingin sa kanya dahil nahihiya pa rin ako.

"Huy, ano bang nangyayari sa iyo? May problema ka ba? Pwede ka namang magsabi sa akin," sabi niya, takang-taka pa rin ang mukha

"Paano naman kasi, may nanliligaw na sa akin," sabi ko na lang

"Sino? Ipakilala mo na sa akin iyan, gusto kong ako muna ang kumilatis bago ikaw! Baka mamaya eh saktan ka niyan eh," sagot naman niya

"Eh, hayaan mo na. Hindi ko naman sasagutin pa iyon eh. At saka, akala ko ba ay gusto mo na ako magka-boyfriend? bakit biglang ayaw mo na ngayon?" sagot ko naman

"Ay, speaking of boyfriend, naghanap ka na ba sa Find Me Baby ng prospect mo? Iyang nanliligaw sa iyo, galing ba iyan doon?"

"Ah, oo. Doon nga galing ito, two weeks na rin siyang nanliligaw sa akin. Okay naman, feeling ko ay mabait naman siya. Pero syempre, sa una lang iyon dahil nanliligaw pa lang," sagot ko

Sorry Rocky ha, magsisinungalin muna ako sa iyo ngayon dahil hindi ko pa naman alam kung totoo sa akin si Rio Achilles, kapag nakumpirma kong totoo na siya sa akin ay ike-kwento ko na talaga sa iyo kung paano kami nagsimula.

"Kaya nga ipakilala mo muna sa akin bago mo i-entertain para alam kong hindi ka niyan sasaktan talaga," sagot naman niya sa akin

Bakit noong sinabi mo iyon ay kinabahan ako? Parang gusto mong angkinin si Rio Achilles ah, akin lang iyon! Kung alam mo lang kung gaano na kami ka-close. Sagutin ko na kaya iyon para hindi ka na makaporma pa sa kanya?

"Akin lang si Rio Achilles ah!" sabi ko

Sariah naman, bakit ba nadulas ka pa? Ano na ang magiging palusot mo ngayon niyan? Ang tanong, makakalusot ka pa? Bobita, hindi man lang nag-isip eh. Akala ko ba ay isisikreto mo muna kung ano ang meron kayo noong favorite author mo?

"Ha? What do you mean, Sars?" tanong niya

"Ah, wala. I mean, kung si Rio Achilles ang manliligaw ko ay akin na siya, hindi ko na siya para ipatingin pa sa iyo," sabi ko sabay tawa

"Ah, bakit naman tayo napapunta sa kanya? Siya ba ang manliligaw mo? As if naman na iyon ang manligaw sa iyo, ang swerte mo naman kapag nangyari iyon!" sagot niya

Tama ka dyan, ang swerte ko nga dahil nililigawan na niya ako ngayon. Kung alam mo lang kung anong nangyayari sa akin, inis na inis ka na siguro at naiiyak dahil gusto mong ikaw iyon. Hindi ko na tuloy alam kung dapat bang sabihin ko sa iyo o itago na lang at baka sulutin mo pa si Achilles sa akin. 

"Oo nga ano? Sige na, kumain na tayo at lalamig na ang ulam at kanin," sagot ko

"Actually, ang ganda nga noon ano? Paano nga kaya kung reader ni Rio Achilles ang mapangasawa niya? Single pa kaya siya? Kung single pa, lilinya ako at mag-aapply bilang girlfriend niya!" sabi ni Rocky habang nakain

I'm sorry, nauna na ako sa pila at kahit anong gawin mo ay hindi na ako aalis sa aking pwesto. Ako na ang reyna at sasagutin ko na siya sa tamang panahon! 

Married To My Reader (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon