Rio Achilles
Hindi ko alam kung bakit inuulan kami ni Sariah ng problema pero kakayanin namin 'to ng magkasama. Araw-araw kaming nasa ospital para magbantay sa Papa niya.
Ang isa sa mga pangyayaring hindi ko makakalimutan ay yung sinundo ko mula sa bahay nila ang Mama ni Sariah. Kinausap niya ako at sinabing huwag na huwag kong sasabihin na nag-usap kaming dalawa.
"Basta, huwag mong iiwanan ang anak ko ha? Alam kong mawawala na rin ako sa oras na mawala si Papa kaya ikaw na ang bahala kay Sariah."
"Mama naman, huwag naman po kayong ganyan. Hindi pa po oras, gigising pa po si Papa para ijatid si Sariah sa altar."
"Tungkol nga pala sa kasal, hindi ba pwedeng madaliin 'yon? Konti na lang ang oras namin ng Papa niya, baka naman pwede mo siyang paki-usapan na gawin niyo na iyon."
"Opo Mama, aayusin po namin iyon. Napag-usapan na rin po namin 'yan noong isang gabi. Alam ko naman na papayag po iyon."
"Isa pang hiling sana anak, pwede bang ikaw na lang ang maghatid sa kanya sa altar kung sakali mang hindi na maabutan ng Papa niya ang kasal?"
"B-bakit po ako? Pero, sige po. Kung iyon ang gusto niyo."
"Salamat anak, ikaw na talaga ang lalaki para sa anak ko. Sayo ko na siya ipagkakatiwala. Huwag mo sasabihin kay Sariah na nag-usap tayo ah? Atin na lang 'to."
"Opo, Mama. Hindi ko po ito sasabihin sa kanya ito."
Ilang araw na rin akong tine-text ni Rocky pero hindi ko siya sinasagot. Hindi na rin ako nauwi sa bahay ko para hindi kami magkita, alam ko kasing pupunta siya roon. Ayaw kong mangyari 'yon.
Gusto ko nasa tabi lang ako ni Sariah, sabi naman niya mukhang hindi na namin itutuloy ang plano namin gawa nga noong nangyari sa Papa niya. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko kung sakali man na magkita kami ni Rocky. Sigurado ako na bagong problema na naman 'yon kapag nagkataon.
Habang may inaayos ako sa bahay nina Sariah ay biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag sina Red sa akin. Kinbahan ako, akala ko si Rocky na eh. Buti na lang talaga at hindi, kundi ay magpapalit na talaga ako ng cellphone number.
"Red, anong meron? Bakit napatawag ka?" bungad ko sa kanya.
"Pare, alam kong busy ka ngayon pero pwede mo ba kaming samahan kahit saglit? Miss ka na namin eh, pero kung ayaw ni Sariah sabihan mo lang kami ah, ayos lang naman," sabi niya pagkatapos ay tumawa.
"Sure naman akong papayag 'yon, magpa-paalam lang ako ah. Saka, saglit lang naman diba? Kailangan rin kasi ako sa bahay nila at walang tutulong sa kanya sa pag-aalaga kay Papa, sana maintindihan niyo. Ikakasal na ako eh."
"Oo naman, naiintindihan namin 'yan. Gusto ka lang namin makausap kasi alam mo na, matagal na tayong hindi nag-uusap eh. Miss na namin ang mga kwento mo sa Wattpad!"
"Mga siraulo talaga kayo, sige na. Ibababa ko na ito at magpapa-alam na ako kay Sariah. Kita-kita na lang mamaya. Doon ba ulit tayo sa dati nating tambayan? Yung malapit sa bahay ko? Eh teka, nandyan na ba kayo?" tanong ko, naririnig ko kasi si Lam sa background.
"Oo. Doon nga. Papunta na kami. Ingat ka, pre!"
Pinayagan naman na ako ni Sariah agad na umalis pero syempre bibilisan ko lang dahil alam kong kailangan ako ni Sariah ngayon. Isa pa, magpo-propose ulit ako sa kanya kaya kailangan ko rin ng payo sa mga kaibigan ko. Hindi ko lang alam kung kailan pero baka next month?
Pagdating ko ay nakita ko agad sila sa restaurant kung saan kami lagi natambay noong mga single pa kami. Agad akong kumaway sa kanila at ngumiti. Pag-upo ko ay agad nila akong binati.
"Pare, ang gwapo pa rin natin ah. Parang walang problema!" asar ni Lam sa akin.
"Blooming 'yan si pareng Achie, ikakasal na eh," asar naman ni Red.
"Mga gago talaga kayo. Umorder na kayo, hihintayin ko na lang kayo. Libre niyo naman di ba? Kayo ang nagpatawag eh," hirit ko sa kanila.
"Ay tangina, ganun ba 'yon? Kung sino ang nagpatawag, siya ang magbabayad?" sagot ni LAm.
"Oo, ganun na 'yon. Bagong patakaran na, dalian niyo. Ako na ang magbabantay ng mga gamit niyo," sabi ko at sumenyas na umorder na sila.
Ilang minuto pa ay nagulat ako dahil may babaeng tumawag na babae sa akin. Pamilyar na boses, kaya noong nilingon ko ay lalo akong nagulat dahil si Rocky ang natawag na 'yon. Buti na lang at na-send ko na ang text message ko kay Sariah bago pa siya dumating.
"Hello, Rio Achilles! Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Hindi ka kasi nasagot sa texts at mga tawag ko lately, may nangyari bang masama sayo?"
"Rocky! B-bakit ka nandito? I mean, sino ang kasama mo?" tanong ko sa kanya, sana hindi niya mahalata na naiwas ako.
"Friend ko lang, si Lecrexia. Gusto mo ba siyang makilala? Kaso, parang may mga kasama ka eh. Friends mo?" tanong naman niya sa akin.
"Y-yeah, I'm with my friends. May binibili lang sila, gusto mo puntahan muna natin yung friend mo para makilala ko na siya? Pwede naman, wala pa naman sila," natatarantang sagot ko.
"No, okay lang. Hintayin na lang natin ang friends mo dito at ako na lang ang ipakilala mo sa kanila. Okay?" sabi niya pagkatapos ay umupo pa. Patay tayo nito.
Ilang minuto pa ay dumating na sina Red at Lam. Gulat na gulat ang mga mukha, halatang kilala nila kung sino ang kasama ko. Ayaw na ayaw nga nilang makikita 'to eh pero kailangan kong magpanggap.
"G-guys, si Rocky. Yung kini-kwento ko sa inyo. Diba? Tanda niyo pa ba siya?" sabi ko sabay tapik sa braso nila.
"Ah, siya ba 'yon pre? Oo, tanda ko pa. Nice to meet you, Rocky," sagot ni Red sa akin, kitang-kita ko naman na pilit na pilit siya na makipag-kamay kay Rocky. Natatawa na lang ako eh.
"I'm Rocky, nililigawan ako ni-"
"Sige guys, umupo na kayo. Ihahatid ko na si Rocky doon sa friend niya. Rocky, let's go na,"yaya ko sa kanya. Diyos ko po, sasabihin pa niya sa mga kaibigan ko na nililigawan ko siya? Fuck that idea.
"No, ayaw ko pa. Dito lang ako. Baka mamaya kasi, mawala ka na naman sa paningin ko. Ano ba kasing nangyari sayo? A-anong nangyari sa atin?" pag-suway naman niya sa akin.
Nabilaukan naman sina Red at Lam dahil sa narinig. Kung pwede nga lang na sumuka ako sa harapan ni Rocky ay ginawa ko na. Bakit kapag si Sariah ang nagsabi noon, maaawa ako pero kapag si Rocky ay nakakasuka?
Hindi ko siya sinagot doon sa tanong niya. Hinayaan ko lang, pero inalok ko naman siya ng pagkain naming tatlo. Siguro, noong maramdaman niya na hindi siya welcome ay naisipan niya na umalis na lang at bumalik doon sa kaibigan niya.
"Pare, bakit mo kasama 'yon? Tangina, kung hindi lang babae 'yon nasuntok ko na eh! Don't tell me, babae mo siya? Pare, ikakasal ka na ah, ayaw kong maging in trouble ka dahil sa babaeng 'yan!" sabi ni Red.
"Saka ko na ipapaliwanag kung bakit bumalik ulit 'yan. Sasabihin ko na lang kay Sariah kapag naka-uwi na ako. Kumain na tayo."
"Naku, mainit-init ang magiging kwentuhan natin ngayon! Akalain mo 'yon, Lam? May tinatago pa rin pala si pareng Achie sa atin!"
Haynaku, paano ko ba siya matatakasan? Kagaya ba ulit noong dati? Bakit ba kasi abusive reader ko siya? Dahil sa obsession niya sa akin, may lamat na ang friendship nila ni Sariah. Ang hirap maging married to my reader!
BINABASA MO ANG
Married To My Reader (Completed)
RomanceWhat if sa isang iglap, maging asawa mo ang iniidolo mong writer? Pwede naman iyon hindi ba? Kahit reader ka lang, pwede kang maging kasintahan ng isang writer. Tao din naman kasi sila, nagmamahal at nasasaktan din. Dream come true para kay Sariah a...