Stanley
NAGISING na lang ako na wala kaming saplot ni Tanya. Napabalikwas ako noong makita ko iyon, anong ginawa ko?! Walanghiya naman, wala akong maalala!
Na-estatwa lang ako sa aking hinihigaan, pilit kong inalala ang mga pangyayari kagabi. Hindi ito maaari!Kung meron man akong gustong makasama sa kama, si Sariah lang iyon. Wala nang iba pa, ayaw ko na sa iba.
Nakatulala lang ako sa kama, nakatingin sa kawalan. Habang nakikita ko si Tanya na masarap ang tulog sa kama ko, iyon ang dumudurog sa akin.
Hindi ito ang gusto kong mangyari, malayong-malayo ito sa lagi kong iniisip. Ang maging nanay si Sariah ng mga anak ko, iyon lang ang gusto ko. Ngunit, paano na ngayon?
Trenta minutos din ang nakalipas nang magising na siya sa kanyang mahimbing na pagkakatulog, nakangiti siyang tumingin sa akin bago nagsalita.
"Hmm, kamusta ang tulog mo? Alam mo bang ginising mo pa ako? Ang galing mo nga kagabi eh," sabi niya sa akin sabay hagikhik
So totoo nga? May nangyari nga sa amin kagabi? Haynaku, nakakabwisit ka naman Stanley! Bakit mo iyon ginawa? Isa pa, bakit hindi mo maalala ang lahat?
"Ha? Ginising kita? P-paano? I'm sorry ha? Wala kasi talaga akong maalala na eh," sagot ko
"Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Kapag gumising kayo sa umaga, hindi niyo na alam ang nangyari? Hmm, pasalamat ka at hindi mo sinabi ang pangalan niya," sagot ni Tanya
"Ha? So meaning, itutuloy na natin ang pakulo nating ito? Eh, hindi ako payag! Kay Sariah lang ako!" pagmamaktol ko
"Nagamit mo na nga ako kagabi, ititigil pa natin ito? Syempre, hindi na! At saka, hindi ka naman mahal noon kaya wala ring kwenta kung iiyakan mo siya," sagot niya ulit
Kung alam ko lang na mabagsik ito, hindi ko na ito pinatuloy pa sa bahay ko. Si Tanya pala ang tatapos sa buhay ko eh, paano pa ako nito? Mickey, yari ka talaga kapag nagkita tayo!
"So ano na ang mangyayari? Tayo na? Magiging girlfriend kita dahil nagamit kita kagabi?" sunud-sunod kong tanong
"We will live together, hindi naman na tayo bata para hindi gawin iyon. Pagsisilbihan naman kita at mamahalin," sagot ni Tanya
Ano ito? In an instant, magkaka-asawa na ako? Hindi naman ako papayag noon! I have to do something, pero ano naman kaya iyon?
Pwedeng ipa-kidnap ko siya, ibenta sa mayaman kong kaibigan or ipagtabuyan ko talaga. Alin kaya doon?
"No. Hindi namam ako papayag na bigla mo na lang sasabihin sa akin ngayon na we will live together. Ang bilis mo naman yata, pag-isipin mo muna kaya ako?" sagot ko
"Mag-iisip ka pa ba kung may anak ka naman sa akin? Remember, may nangyari sa atin at pwedeng magbungga iyon," sagot niya
Grabe naman pala itong si Tanya, ang bilis ng kanyang isip. Hindi pa man buo sa tyan niya ay buo naman na sa utak niya na buntis siya. Iba rin eh, hindi ko kaya ito.
"Buntis agad? Eh isang beses pa lang namang nagamit, at saka malay ko ba kung ako lang ang gumamit sa iyo. Hindi nga kita kilala eh, parang pinulot ka lang at pinakilala--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nasampal na agad niya ako
"Hindi naman ako maduming babae! Hindi ako magiging ganoon, ayusin mo iyang pagsasalita mo sa akin dahil hindi mo pa ako kilala!" sigaw niya
Ang lakas naman pala ng boses nito eh, mabibingi ako. Mukhang tama nga si Mickey, masyadong mabunganga ang mga babae.
"Pasensya ka na sa sinabi ko, hindi na mauulit. Nabigla lang siguro ako," sabi ko
Dahil sa mga salita ko na naman eh nakasakit ako ng damdamin ng babae. Kahit hindi ko siya mahal at hindi ko pa siya ganoon kakilala ay babae pa din siya.
Stanley, nakakarami ka na ah. Kahapon si Sariah, ngayon naman si Tanya? Bakit ba kasi ganoon ang pagsasalita mo?!
"Hindi na talaga mauulit dahil ayaw ko na! Kung alam ko lang na mababastos mo ako ay hindi na ako sumama pa rito," sagot ni Tanya
"Ha? Hindi, sabi mo naman diba? Dito ka na titira. Tama ka naman eh, we can live together here. Wala naman akong kasama eh," sagot ko pa
"Kung ngayon pa lang ay ganyan ka na sa akin, paano pa kung magkasama na tayo sa iisang bubong? Hindi na, I can live by myself!" sigaw niya
"Huy, hindi! Ayaw ko, dito ka na lang. Promise! Aalagaan kita, okay? Dito ka na lang tumira," agad kong sabi
Oo, binabawi ko na ang mga sinabi ko kanina. Siguro nga, ito na ang aking katapusan sa pagmamahal kay Sariah.
"Wala akong pakialam! Kung gusto mong mag-isa ka dito, edi sige! Siguro nga, kaya ayaw din sa iyo ni Sariah dahil ganyan ang ugali mo!" sigaw ni Tanya sa akin
Siguro nga, kaya wala rin nagmamahal talaga sa akin dahil sa ugali ko. Totoo naman eh, may problema sa ugali ko. Kaya nga hindi ako magawing mahalin ni Sariah noon pa man.
Sinubukan ko siyang pigilan pero hindi ko nagawa, umalis na siya bigla at hindi na nagpaabot pa. For sure, mayayari ako kay Mickey nito.
Agad ko tuloy tinawagan si Mickey dahil natatakot ako, baka kung ano pa ang sabihin ni Tanya sa kanya kaya uunahan ko na siya.
"Pare, pasensya na sa abala ha? Eh kasi, si Tanya--" hindi pa tapos ang sinasabi ko pero naputol agad iyon dahil sumagot agad siya
"Alam ko na, alam kong hindi talaga tatagal sa iyo ang kapatid ko. Nasabi na niya lahat sa akin kanina lang," sagot ni Mickey sa akin
Shit! Ano naman itong sinasabi niya sa akin na kapatid niya si Tanya? Lagi naman akong nasa kanila noong bata pa kami pero hindi ko kilala si Tanya noon.
Ang gulo na, ano na ang gagawin ko ngayon? Kung kapatid niya si Tanya, edi mas lalong nakakatakot! Mayayari talaga ako sa kanya.
I need to talk to Tanya, hindi pwede ang nangyayaring ito. Mickey is a long-time friend of mine and I know his capabilities.
BINABASA MO ANG
Married To My Reader (Completed)
RomanceWhat if sa isang iglap, maging asawa mo ang iniidolo mong writer? Pwede naman iyon hindi ba? Kahit reader ka lang, pwede kang maging kasintahan ng isang writer. Tao din naman kasi sila, nagmamahal at nasasaktan din. Dream come true para kay Sariah a...