Chapter 17

1.2K 67 14
                                    

Rocky

NANGAKO ako kay Rio Achilles na hindi ko ipapakalat ang litrato namin pero syempre, hindi ko iyon gagawin. Gusto kong malaman ng lahat na siya ang ka-date ko at para na rin lubusan nang masaktan si Sariah. Kung sasaktan mo kasi ang tao, hindi dapat na masakit lang. Dapat ay mas masakit para hindi ka na niya mabawian pa.

I even messaged Windy Escaros to comment something about Rio Achilles para kapag nakita ni Sariah iyon ay gumuho ang mundo niya. Hindi ko naman siya kilala, inutusan ko lang siya. I'm glad na sinunod naman niya, boba rin yata ito katulad ni Sariah. 

Nang ipost ko ang picture namin ay marami ang comments, paniwalang-paniwala sila na kami nga talaga ng lalaking kasama ko. I know Sariah will see it kaya lalo pa akong natuwa.

Nag-usap kami about it, tuwang-tuwa siya dahil may lovelife na ako. Marahil ay hindi pa niya nakikita ang comment ni Windy kaya hindi pa siya durog.

Ilang minuto rin ang nakalipas nang bigla ulit siyang nag-text sa akin, this time ay alam kong sobrang nasasaktan na siya. She will not text me if she isn't that interested.

Sariah:  I heard na kayo na pala ni Rio Achilles? Bakit hindi mo naman sinabi agad sa akin? Sana sinabi mo, anyways congratulations pa rin kasi nakita mo na siya. Ang swerte mo girl, sana lahat! Sana ay kayo na hanggang sa huli, I wish the best for you. Invited pa rin ako sa kasal if ever ha?

Akala mo'y anghel na mabait at hindi nasasaktan. Huy, ang tagal na nating magka-ibigan at alam kong galit na galit ka sa akin ngayon. Well, iyon naman talaga ang plano ko.

Rocky: Huy, saan mo nalaman iyan? Pasensya ka na ha, hindi ko rin naman akalain na siya iyong naka-match ko sa Find Me Baby, nagulat na lang ako na pinakilala niya ang sarili niya bilang Rio Achilles. Ayaw ko namang sabihin sa iyo kasi alam ko namang masasaktan ka eh. Okay ka lang ba ngayon?

Kunwari ay concerned ako pero ang totoo niyan ay hindi talaga. Syempre, kung magkukunwari ka na lang din ay i-todo mo na. Alam niya na si Rio Achilles iyon pero mabait na kaibigan pa rin ang awra ko. Hindi ako magpapahuli ano, lalo na sa tangang katulad niya.

Masaya akong nagbabasa ng comments sa FaceGram nang biglang may nag-message sa akin sa Wattpad. Agad kong tiningnan iyon.

RioAchillesTheGreat: You were not true to your words. Akala ko ba ay hindi mo ikakalat ang pictures ko? The hell, you posted it on FaceGram!

Rocky08: Hindi ko naman akalain na may magco-comment ng pangalan mo roon. Nagulat na nga lang ako nang biglang nag-comment ang Windy Escaros na iyon. Paano ka ba niya kasi nakilala?

Syempre, kunwari ay inosente rin ako kay Rio Achilles. Hahayaan ko siyang mapaniwala na si Windy Escaros ang may kasalanan at hindi ako. Nagawa ko nga siyang paikutin noon, kaya ko rin ngayon.

RioAchillesTheGreat: Hindi na ako maniniwala sa iyo, baliw ka na! Magpa-lagay ka na sa mental kasi marami ka ng problema!

Rocky08: Oo, baliw na ako sa iyo. Alam mo bang gawa-gawa ko lang ang lahat? Nanalo naman ako dahil nakita na kita finally! Mga uto-uto, magsama kayo ni Sariah!

RioAchillesTheGreat: Why are you like that? Akala ko ba ay mag-kaibigan kayo?  Kawawa naman siya kung ginagawa mo ito sa kanya.

Rocky08: I've been good to her because it benefits me, ngunit noong nalaman ko na pati ikaw ay maaagaw niya sa akin? Hindi ko na kaya, gumawa na ako ng paraan!

RioAchillesTheGreat: Nagsisisi ako na nakipagkita ako sa iyo. Napa-ikot mo man kami ngayon, maka-karma ka naman pagdating ng panahon!

Rocky08: Try me, napa-ikot ko na si Sariah all these years. Magagawa at magagawa ko iyon kung gugustuhin ko! Bago ka lang sa buhay niya, so hindi ka niya paniniwalaan!

RioAchillesTheGreat: Iyon ang akala mo! Adios!

Magre-reply na sana ako nang biglang naka-blocked na pala ako sa kanya. Nataranta ako noong una pero naisip kong may isa pa pala akong account na pwedeng gamitin sa Wattpad.

Todo scroll up and down ako sa FaceGram nang biglang lumitaw ang text message ni Sariah. Halos mabitawan ko ang aking cellphone dahil sa nabasa.

Sariah:  I know all of it already. Sinabi na sa akin ni Rio Achilles. Salamat at pinost mo iyan, nalaman ko na ang totoo. How can you do this to me? You are already a sister to me! How dare you to ruin or friendship like that?!

Sister?  I wasn't a sister to you, hamak na utusan mo lang ako at ang tanga ko dahil sinunod ko ang lahat ng gusto mo simula pa noon! Kinaibigan mo lang naman ako para may may maging yaya ka!

Rocky: Naniwala ka naman sa mga sinasabi niya? Niloloko ka lang niya, hindi naman totoo iyan. Hayaan mo lang siya. Sa akin ka makinig, okay?

Pasalamat ka nga at hindi ko pa rin sinasabi sa iyo ang totoo. Kung gagawin ko kasi iyon, mas lalo kang masasaktan. Shouldn't you thank me for making your pain less? Sariah naman, parang hindi tayo mag-kaibigan niyan.

Sariah: How can I believe you now? There were screenshots of your conversation with him. Ano naman ang sinasabi mong ikakasal kami ni Stanley? God, you are unbelievable Rocky!

Aba! Ayaw mo pa rin akong paniwalaan?  Walang sisihan kapag umiyak ka rito sa sagot ko. Ayaw ko na ngang palakihin ang gulo nating dalawa pero pinipilit mo pa rin ako. Bahala ka na sa buhay mo, oras na rin siguro para itigil na natin kung anong pagka-kaibigan ang meron tayo.

Rocky: Ayaw ko na sanang sumagot, pero pinipilit mo ako. You were never a sister to me, lagi mo lang akong tinatawag kapag kailangan mo ng utusan! Simula ngayon, ayaw na kitang maging kaibigan! I don't need you, kaya kong mag-isa. Sana ay maging masaya ka.

Sariah: Oo naman, magiging maayos kami ni Rio Achilles. We will be together for the rest of our lives at wala ka na roon. You will never be a part of us anymore!

Married To My Reader (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon