Chapter 26

893 45 10
                                    

Sariah

SINABI ko kay Achie na hindi ako sasama sa kanya sa booksigning pero joke lang iyon. Iba ang mukha niya noong sinabi kong hindi eh, parang iiyak na bata si loko.

Alam kong napakahalaga noon para sa kanya, wala naman akong nakaligtaan na booksigning niya noon pang reader niya ako eh.

Pupunta kami ni Candice ngayon roon, hindi siya fan ni Rio Achilles pero masaya siya dahil may boyfriend na ako. Bonus na lang iyong author ang kasintahan ko.

"Alam ba niya na pupunta ka rito? In fairness, ang daming tao ah," sabi ni Candice

"Hindi. Ayaw kong malaman niyang nandito ako ano," sagot ko naman

"Baliw ka. Ano pang point na pumunta ka rito? Magpakita ka sa kanya para malaman niyang nandito ka at nakasuporta," sagot ni Candice

"Ang daming tao. Ang daming fans ang makakakita sa akin. Ayaw kong lumipat sa akin ang spotlight. Alam kong ipapakilala niya ako sa lahat at ayaw ko sa ganoon," sagot ko naman

"Alam mo, ang swerte mo na dyan tapos parang wala lang sa iyo. Kung ako iyon, magiging proud ako sa sarili ko. Lagi akong magpapakita sa followers niya. Mainggit sila, wala akong paki!" sagot naman ni Candice

"Okay na ako sa ganito. Suporta pa rin naman ito hindi ba? Ayaw ko lang na magulo ko ang event niya dahil lang sa naging girlfriend niya ako," sagot ko naman

Yeah, I'm always here to support him. Wala nga akong pinalalagpas na event niya eh, lagi na niya ako nakikita noon pero hindi na niya ako matatandaan sa sobrang dami naming napila. Sadly, kung kailan parte na ako ng buhay niya ay saka naman patago akong pumunta rito.

Bumaba na kami sa kotse at bumili ng libro niya. Sabi ni Candice ay bibili rin siya ng libro dahil gusto rin niyang sumuporta sa boyfriend ko. Nakakatuwa si Candice, hindi siya katulad ni Rocky na inggit sa akin to the point na aagawin na sa akin si Achie.

Teka, nandito ka ba ngayon Rocky? Paano na lang kung makita mo ako? Tiyak na kung anu-ano na naman ang sasabihin mo laban sa akin. Lalo pa tuloy akong magtatago dahil ayaw ko ng gulo. 

Agad akong nagtago sa likod ni Candice habang naglalakad kami. Nagtataka ang mukha niya kung bakit ko iyon ginawa. Natatawa tuloy siya sa akin habang nakahawak ako sa kanya. Nakakainis naman, naka eyeglasses pa ako ngayon at para akong bulag.

"Ano ka ba, Sariah? Mukha kang ewan dyan. Magnanakaw ka ba? Todo tago ka pa," sabi ni Candice sa akin

"Baka kasi nandito si Rocky. Alam mo naman na kaaway ko ang babaeng iyon. Fan iyon ng boyfriend ko kaya hindi imposibleng nandito siya ngayon," sagot ko naman

"Alam mo, kung ako sa iyo ay lalabanan ko iyon. Kapag nahanap ko iyon ngayon dito sasabunutan ko agad iyon eh. Gaga siya, kung anu-ano ang ginagawa niya sa buhay!" galit na sagot sa akin ni Candice

"Baliw ka talaga, ayaw ko nga ng gulo eh. Bilisan mo na lang dyan at umalis na tayo rito. Ayos naman na ako dahil nakita ko na siya eh," sagot ko naman

"Kararating mo lang, aalis ka na agad? Ikaw ang baliw sa ating dalawa eh ano?" sagot naman sa akin ni Candice

Paano naman kasi, ayaw kong makita ako ni Achie dito. Ilang minuto pa ang itagal ko rito ay sure akong mapapansin niya na ako sa crowd. Sabi ko kasi sa kanya na aalis ako dahil ipapa-check up ko sina Mama at Papa eh.

"Eh basta, umalis na tayo. May dadaanan pa ako eh," sagot ko naman

Bago ako umalis sa event ay nagpicture muna ako. Isesend ko na lang ito kapag nakauwi na kami ni Candice. Kapag ngayon ko kasi sinabi kay Achie na nandito ako ngayon ay mapipigilan pa niya akong umuwi. 

"Aalis na talaga tayo? Bwisit naman, hindi ko pa nga nakikita ng personal si Rio Achilles, hinihila mo na ako! Maya-maya naman," sagot sa akin ni Candice

"Candice naman, maawa ka sa akin. Umuwi na tayo, kapag hindi ka sumama sa akin ngayon ay iiwan kita rito," sagot ko naman sa kanya

"Baliktad yata, sis? Ako ang may ari ng kotse na ginagamit mo ngayon? Ikaw ang iwan ko dito eh," banta ni Candice

"Basta, umuwi na tayo ha!" hinila ni Sariah si Candice, wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa kanyang kaibigan

Buti na lang at maraming tao sa event kaya maraming pwedeng tumakip sa kanila kapag malapit sila sa lugar kung nasaan si Achie. Kapag umuwi na si Achie ay saka niya papapirmahan ang librong binili nila.

"Sige, uuwi na tayo pero papirmahan mo kay Achie ang book na binili ko ha? Promise?!" sabi ni Candice sa akin

"Oo naman, sige. Sasabihin ko agad kay Achie iyan kapag nakauwi na tayo," sagot ko naman habang nakangiti

Buti na lang at nayaya ko na siyang umuwi. Ayaw rin naman kasi niya talaga sa crowded places kaya alam kong uuwi rin talaga kami agad. Iyon nga lang, gustong-gusto kasi niya na makita rin si Rio Achilles sa personal eh.

Pagpasok ko sa loob ng kotse ay agad kong sinend ang selfie ko sa event. I made sure na kita ni Achie ang tarpaulin na nakalagay roon para alam niyang pumunta ako sa booksigning niya kahit papaano.

Sariah: You sent a photo.

Achie: Shit, you went here?! Sabi mo, hindi ka pupunta! Why?! Hindi tuloy kita napakilala sa kanila, sobrang lungkot ko kaya na hindi ka pupunta sa booksigning ko! Patay ka sa akin mamaya, pupuntahan kita sa inyo.

Sariah: Sumaglit lang naman kami, bumili lang kami ng book mo tapos umalis rin. Mamaya mo na lang pirmahan ito, kapag nakasa bahay ka na. Bumili rin pala si Candice, siya ang kasama ko.

Achie: Ugh, bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka rito? Sana man lang, nabigyan kita ng seat sa VIP para kita mo ang gwapo kong mukha. Hay, napakadaya mo eh! Lago ka talaga sa akin kapag natapos ko na itong event!

Sariah: Oo, hihintayin naman kita sa bahay eh. Sige na, pinakita ko lang na pumunta talaga ako. Enjoy ka muna dyan sa event mo. Kwentuhan mo ako mamaya ah? No girls, please! I love you.

Achie: I love you more.

Married To My Reader (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon