Chapter 39

521 26 0
                                    

Sariah

Ayaw ko na mawala si Papa sa akin.  Ikakasal pa  ako na siya ang mag-hahatid sa akin sa altar. Alam kong matanda na sila ni Mama pero gusto kong matupad niya sa akin ang pangako niya.

"Kukuha muna ako ng mga damit sa bahay, ah? Dyan ka lang, babalik agad ako," sabi ni Achie sa akin.

"D-dito ka magse-stay? Seryoso ka ba dyan? I mean, baka hanapin ka ni Rocky," sagot ko naman.

"I don't care about her at this point. Bahala na kung ano ang mangyari. Kailangan mo ako ngayon kaya dito lang ako sa tabi mo. Okay?" he told me.

"Thank you, I love you. Lalakas pa si Papa, he'll be better because he knows that we are waiting for him, right?" sabi ko.

"Yeah, he'll do better. Naririnig naman niya tayo, alam kong gigising na siya anytime soon. Just wait for me here, okay? I love you," sagot naman niya at hinalikan niya ako sa labi at forehead.

Pag-alis ni Achie ay napatingin ulit ako kay Papa. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti dahil para siyang anghel na natutulog. Gising ka na Papa, paggising mo ay ikakasal na ako. Hindi na ako gaganti pa kay Rocky, sige na Papa..

Ilang saglit pa ay naramdaman kong nagba-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko muna ito. Si Nana Nita ay natawag sa akin. Lumayo muna ako kina Nana Grace at Papa bago ko sinagot ang tawag.

"Bakit Nana Nita? Narito pa kami sa ospital."

"Ma'am, nagagalit na po ang Mama niyo sa akin, hinahanap po ang Papa niyo. Ano pong sasabihin ko?"

"Ibigay mo po ang cellphone sa kanya. Ako po ang kakausap. Salamat."

"Sige po, Ma'am si Ma'am Sariah po, gusto po kayong-"

"Akin na yan! Kailangan kong makausap si Sariah!"

"Mama, kumalma ka. Please? I can explain-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumagot agad siya.

"Explain what?! Nasaan ang Papa mo? Sabi mo, bibili lang kayo ng gamot. Ano ba ang totoo, anak? Tell me! I need to know, asawa ko 'yan eh!"

"Mama, magpahinga ka na. Bukas ng umaga, dadaanan ka ni Achie dyan sa bahay. Okay? Be good and be safe," mahinahon kong sabi.

"Pahinga? How can I rest kung hindi ko alam kung anong nangyari sa Papa mo. Tell me the truth and then I will rest."

"Sure ka ba dyan, Mama? Promise me that you will get rest after this conversation."

"Yes, just tell me what really happened kay Papa. Please. You know that I can't live without him," may lungkot sa tinig niya.

"Papa is unconscious but the doctor told us that he'll be fine. We just have to wait in a few days or-"

"What?! How can that be? I mean, he's fine this week. No signs of pain or struggle, paano daw nangyari 'yon?! I need to see him, Sariah!"

"Okay. You'll see him tomorrow morning. As I've said earlier, dadaan dyan si Achie para dalhin ka rito sa ospital," sabi ko, pero naluluha na talaga ko habang kausap ko si Mama.

"Anak, pwede ba ngayon na? Please, lalo akong hindi makakatulog sa nalaman ko eh."

"Sabi ko na eh, kaya ayaw kong malaman mo ito. But.. no, hindi muna Mama. This is bad for you. I will take care of Papa, promise. Bukas ka na lang pumunta rito. Please? Ibigay mo na sa akin 'to, marami pa akong aasikasuhin dito sa ospital."

"Naiintindihan ko anak. Sige, magtitiwala ako sayo. Bantayan mong maigi ang Papa mo, ha? Bukas, nandyan na ako."

"I will take care of him, siya ang mag-hahatid sa akin sa altar," mahina kong sagot habang nakangiti ako at naluluha.

"Yes, he will be okay in Jesus' Name. Thank you for telling me the truth, anak. Pasensya na rin at kinulit kita, mag-iingat kayo dyan ni Nana Grace."

Narinig ko na binigay na ni Mama ang cellphone kay Nana Nita kaya agad kong inayos ang aking boses.

"Ma'am, salamat po. Ingat po kayo dyan, ipagsdadasal ko rin po ang Papa ninyo."

"Salamat Nana Nita. Ikaw na ang bahala kay Mama, bukas pupunta dyan si Achie para sunduin kayong dalawa ni Mama. Pasensya ka na rin at kailangan mo pang magsinungaling."

"Ayos lang po, naiintindihan ko naman po kung bakit kayo nagtago sa Mama niyo. Sige po, ingat po ulit."

Pinatay ko na ang tawag. Pinunasan ko  na rin ang mga mata ko bago ako pumasok sa loob. Nang pumasok ako sa kwarto ni Papa ay naroon na si Achie.

"Oh, ang bilis mo naman. May hinahabol ka ba? Anong meron?" pilit akong tumawa.

"Wala, kailangan mo ako eh. Kailangan kong maging si superman, kahit ngayon lang. Okay ka na ba? I mean, I heard you are talking to someone awhile ago."

"Yeah, tumawag si Mama. Alam na niya ang tungkol kay Papa, wala na akong nagawa. I have to tell her that," kalmado kong sagot.

"A-akala ko ba ayaw mong sabihin sa kanya dahil makakasama sa health niya?" he asked.

"Asawa pa rin niya si Papa. Kailangan niyang malaman ang lahat, pinaki-usapan ko na lang na mag-pahinga na lang siya ngayong gabi."

"Ano na ang plano mo?" he asked me again.

"Susunduin mo siya bukas para magkita na sila ni Papa. After all, alam kong mas makakatulong na magkasama silang dalawa dahil mahal nila ang isa't isa," nakangiti kong sagot kay Achie.

"Sige, susunduin ko siya bukas. For the meantime, kumain muna tayo. Bumili ako ng pagkain doon sa fastfood chain na nadaanan ko," masayang saad niya.

"Sige, kumain na tayo. Gutom na rin ako eh, sana talaga ay gumising pa si Papa. Kahit para sa kasal ko na lang," naiiyak kong sabi.

"Sshh, he'll be okay. We will pray, okay? He can hear us, I know that."

Sana nga naririnig Niya tayo. Sana nga matapos na 'to, alam kong mawawala na si Papa dahil sa matanda na siya pero hindi pa ako handa. Gusto ko pang makita niya akong kinakasal at gusto ko rin na masilayan niya ang mga apo niya.

Married To My Reader (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon