After 2 weeks..
Rio Achilles
NAGING kami na ni Sariah, dahil sa halik na iyon ay naisalba ko ang lahat. She told me na may nararamdaman naman talaga siya sa akin pero hindi pa sa puntong pakakasalan niya na ako.
I agreed, ang importante naman na ngayon ay kami na. I can't imagine that I will love a girl from Wattpad. She's only my reader back then, and now girlfriend ko na siya? Amazing.
"Ayos na rin iyon pare, atleast ngayon girlfriend mo na siya. Edi, ako na lang ang single sa ating tatlo!" natatawang sabi ni Lam
"Maghanap ka na Lam, matanda ka na eh. 30 years old ka na, may yaya pa? Gumising ka nga sa katotohanan," sabi naman ni Red
"Oo na, maghahanap na ako sa Find Me Baby," sagot naman ni Lam
Natatawa na lang ako sa mga ito, talagang fan sila ng Find Me Baby ano? Sabagay, si Red kasi eh doon nakakuha ng babaeng makakasama niya sa habambuhay. Ako lang pala ang kakaiba sa kanila kapag nagkataon. Dadating ang panahon, maisusulat ko rin ang love story naming dalawa.
"Oo nga mga pare, may booksigning ako sa sabado. Huwag kayong mawawala ah? Mag-mamask na lang ulit ako para hindi nila makita ang buong mukha ko," sabi ko sa kanila
"Oo naman pare, nandoon kami. Supportive kami eh," nakangiting sagot ni Lam sa akin
"Eh pare, first booksigning mo pala ito na may girlfriend. Anong gagawin mo? Ipapakilala mo si Sariah sa lahat?"
"Ewan ko pa pare. Hindi kasi iyon papayag at mahiyain pero susubukan ko siyang paki-usapan. Kung hindi talaga, wala na akong magagawa. Ayaw ko naman siyang pilitin sa isang bagay na ayaw naman talaga niya," sagot ko naman
Halos trenta minutos rin akong nakatambay sa bahay ni Lam nang nagtext na sa akin si Sariah. Weekly ako napunta sa bahay nila, kapag wala siyang masyadong ginagawa. Buti nga ay nagme-meet ang schedules naming dalawa.
"Paano ba iyan pare, nagtext na si Sariah sa akin. Alis na ako ah? Salamat sa oras," sabi ko sabay labas na ng bahay ni Lam
Hinatid naman nila ako sa aking kotse. Sakto ay may gagawin rin si Red kaya aalis na rin daw siya at sasama na sa akin. Kawawa na naman si Lam dahil nasa bahay lang siya. Buti ay hindi naiinggit ito sa amin, madalas pa naman eh siya ang matampuhin sa aming tatlo.
"Salamat pare ah, next week ulit ah? Huwag kang iiyak dyan!" hirit ni Red
"Gago, hindi ako iiyak porket mag-isa ako! Sige na," sagot naman ni Lam
After 10 minutes ay nakarating na kami sa bahay ni Red. Nagpasalamat siya sa akin sa paghatid ko sa kanya sa kanila. Hindi ko na iyon masyadong napansin dahil sobrang excited ako sapagkikita namin ni Sariah.
Pagdating ko sa tapat ng bahay nila Sariah ay nakita ko agad siyang nasa labas. Hinihintay niya siguro ako, napangiti siya noong nakita niyang nasa tapat na ang kotse ko. Agad akong bumaba para salubungin siya.
"Hi, hinihintay mo ako mahal ko? Don't worry, safe akong nakapunta sa iyo. Nasaan sina tita? Tulog ba sila?"sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi
"Salamat naman at safe ka nakapunta dito mahal ko. Oo, nasa loob sila at tulog pa. Halika na sa loob ha," sagot naman sa akin ni Sariah
Pumasok na kami sa loob, may dala akong pagkain na binili ko sa mall kanina. Lagi na lang kaming ganito dahil ayaw rin naman niyang lumabas ng bahay. Ayos na rin, mas magastos kasi sa labas.
"Mamaya ko na papakainin sina Mama at Papa, tayo na lang muna. Ayaw ko naman silang gisingin," sabi ni Sariah sa akin
"Sige. Oo nga, nakakahiya rin na gumising sila para sa akin. Halika at kumain na tayo," sagot ko naman
Habang nakain kaming dalawa ay tinitingnan ko ang bawat feature niya, ang ganda talaga. Ang swerte ko, parang iyong mga character lang sa kwento ko eh. Ganoon na ganoon ang features ni Sariah, ang reader turned to girlfriend ko.
"Mahal ko, para kang si Mikay. Alam mo ba iyon?" sabi ko sa kanya
"Iyong nasa kwento mo? Baliw ka ba? Ang perfect kaya noon!" sagot naman niya
"Naku, alam mo naman na perfect ka sa mata ko hindi ba? Ikaw si Mikay para sa akin," hirit ko pa
"Hayaan mo na, ikaw din naman si Drex sa puso ko. Naks!" sagot naman niya
"Naku, magkaiba kami ni Drex ano? Nakuha ko lang ang character niya sa ibang tao. Ayaw ko nga sa kanya minsan eh," inis na sagot ko pa
"Oh edi hindi rin ako si Mikay. Sa iba mo rin yata kinuha iyon eh," sagot ko naman niya habang nasubo ng pagkain
"Iyon kaya ang sinusulat ko ngayon at ikaw ang inspirasyon ko roon. Ano ka ba? Ikaw si Mikay!" pilit ko pa
Tinarayan niya lang ako at patuloy na lang siyang kumain. Ang cute talaga niya, kahit inis siya sa akin ay hindi pa rin mawala ang ngiti ko.
"Tigilan mo ako sa ngiti na iyan. Alam ko iyan Achie!" sabi niya sa akin
"Bakit? Bawal na pala ngumiti ngayon? Hindi ako informed ha," sagot ko naman
"Basta, magkaiba kami ni Mikay. Kumain ka na nga lang dyan," mataray na sagot niya, may dalaw yata siya ngayon eh
"Ayaw mo na ikaw si Mikay pero inlove ka naman sa story nila. Iba ka rin eh. Oo nga pala, may itatanong ako sa iyo. Pwede ba?" sagot ko
"Ano na naman iyon? Huwag kakulitan iyan ha. Hindi ako sasagot," mataray na saad niya
"Baliw, hindi ito kalokohan. May booksigning kasi ako sa sabado. Itatanong ko sana kung pwede kitang isama?" tanong ko
"Anong akala mo sa akin? Hindi ko alam? Alam ko iyon ano, bago mo ako maging girlfriend ay reader mo pa lang ako. I know your schedule," sagot naman niya
Napangiti naman ako roon. Dito ko napatunayan na fan ko talaga siya. Sana nga lang ay pumayag siya na sumama sa akin roon. Alam ko kasing magagalit siya kapag nalaman niyang ipapakilala ko siya sa kanila.
"Sasama ka ba sa akin?" tanong ko ulit sa kanya
"Hindi. Ayaw ko," sagot naman niya
Nalungkot ako roon. Alam naman niyang mahalaga sa akin iyon pero ayaw niya akong samahan. Iintindihin ko na lang na nahihiya pa siya at ayaw niya ng gulo dahil maraming pupunta. bago pa lang naman kami kaya palalagpasin ko muna ito.
BINABASA MO ANG
Married To My Reader (Completed)
RomansaWhat if sa isang iglap, maging asawa mo ang iniidolo mong writer? Pwede naman iyon hindi ba? Kahit reader ka lang, pwede kang maging kasintahan ng isang writer. Tao din naman kasi sila, nagmamahal at nasasaktan din. Dream come true para kay Sariah a...