Sariah
NAGISING na lang ako na may bulaklak na sa tabi ko. Nakatayo rin si Achie sa may harapan ko. Napangiti na lang ako sa kanya. Naalala ko na lang, Valentine's Day na pala. Dinala nga pala niya ako sa lugar kung saan nagkakilala sina Mikay at Drex sa kwento niya.
"Thank you so much mahal ko, Happy Valentine's Day ha? Sorry, wala akong regalo ngayon. Bawi na lang ako sa monthsary natin," sabi ko kay Achie
Ngumiti naman siya sa akin pagkatapos ay umupo sa tabi ko. Ang ganda ng umaga ko dahil siya ang kasama ko ngayong araw. Mararanasan ko na rin sa wakas kung paano mamuhay ang mga characters ni Achie.
"No. I should be the one thanking you, sobrang nagpapasalamat ako sa iyo dahil minahal mo ako kahit na alam mong maraming mangyayaring magulo. Sino ba naman kasing hindi ka mamahalin, hindi ba?" hirit pa niya
"Niloloko mo pa ako eh, huwag nang ganoon. Alam kong Valentine's Day ngayon pero huwag mo na akong bolahin. Tara na at lumabas na tayo, yaya ko kay Achie
Ngumiti pa siyang muli pagkatapos ay hinawakan niya na ang kamay ko. Lumabas na kami mula sa aming tinutulugan. Nakakatawa lang na kapag hindi ako nakatingin sa kanya ay tinitingnan niya naman ako. Nakakakilig pala ang mga ganitong tagpo, ano?
Days ago, he told me that he booked a flight to Siargao. Pinakita niya sa akin ang Freedom Society at na-inlove naman kaagad ako rito. Sobrang tahimik lang, hindi ka magugulo. Simple lang at talagang wala ring gaanong tao. I think, bago lang sila kaya konti lang kami dito.
Sinabi ko naman kasi sa kanya na ayaw ko sa magarbong hotel. Buti na lang at ganito ang pinili niya, walang wifi at signal kaya malayo talaga sa stress. Doon kasi sa amin, kahit anong galaw mo ay mase-stress ka lang. Buti at naiintindihan ni Achie na kailangan ko ng pahinga mula sa lahat.
Paggising ko ngayong umaga, nakita ko agad ang dagat. Narinig ko ang huni ng ibon, dumadampi rin ang hangin sa aking balat. Sobrang saya ko dahil alam kong walang magiging problema sa lugar na ito.
Ilang araw ko rin kasing iniisip si Rocky at iyong banta niya sa amin. Baliw na baliw naman na kasi siya kay Achie eh. Buti na lang cool lang si Achie, nahahawa na rin tuloy ako. Although minsan, hindi ko talaga maiwasan na hindi siya isipin dahil we've been friends since.
Nakita ko agad ang pagkain sa lamesa, sobrang probinsya ang feels. Kung pwede lang talaga na dito na kami tumirang dalawa simula ngayon ay ginawa ko na eh. Sa Maynila kasi, puro poluayon ang malalanghap mo.
"Nagustuhan mo ba ang umagahan na hinanda ko para sa iyo mahal ko?" tanong sa akin ni Achie habang nakangiti sa akin
"Oo naman mahal ko. Salamat talaga dahil dumating ka sa buhay ko. Akala ko kasi, ice-celebrate kong mag-isa na naman ang Valentine's Day. Ang swerte ko nga, kasi iyong ka-date ko ay ang paborito kong author," sabi ko sa kanya
"Psh, hindi ako author kapag kasama kita. I am Achie, your boyfriend. Iyon lang ako kapag kasama kita, okay? Ayaw ko iyang author na iyan. Puro stress lang ang dala niyan eh," sagot ni Achie sa akin habang nanguya ng pagkain
"Ha? Eh doon nga kita nakilala. Bakit ayaw mo na doon?" tanong ko naman
"Parang hindi mo pa alam ang sagot dyan ah, syempre kaya ayaw ko dyan kasi nagpa-pahinga po tayo ngayon dito sa Siargao eh. Ayaw ko isipin iyan dahil pumapasok sa utak ko si Rocky," sagot naman niya sa akin
Bigla akong nalungkot doon. Pati siya ay stressed na rin sa dati kong kaibigan pero hindi niya lang masyadong pinapakita sa akin. Kung hindi naman dahil sa akin, hindi niya makilala ang babaeng iyon eh. Haynaku.
"Sorry, mahal ko ah? Kung hindi naman dahil sa akin, hindi mo makikilala si Rocky eh. Kasalanan ko nga talaga siguro kung bakit nangyayari ito sa atin ngayon," sabi ko na para bang nalulungkot
"Ano ka ba? Siya lang ang pinagsisisihan ko at hindi ikaw. I'm always grateful that I met you, my love. Hayaan mo na ang baliw na iyon," sabi niya sa akin habang nakangiti
"Sure ka ba dyan? Hindi ka naiinis dahil nakilala mo ang isang tulad ko?" tanong ko pagkatapos ay humigop ng kape
"Hindi ah. Bakit ako maiinis eh nakilala ko ang makakasama ko habambuhay?" hirit pa niya sa akin
"Baliw ka talaga ano? Alam na alam mo kung paano ako papakiligin eh," sagot ko naman sabay hinampas ko siya sa braso
"Aray ko naman! Totoo nga kasi, gagawin ko naman ang lahat para sa akin ka na bumagsak eh!" sagot niya sa akin sabay tawa pa
"Hmm, we will see. Tara, ubusin na natin itong pagkain. Alam mo, first time kong ganahan sa breakfast dahil ang sarap sa pakiramdam na sa ganito ka mag-umagahan," sabi ko sa kanya
"Haynaku, akala ko naman ay naganahan ka dahil kasabay mo ang isang masarap na tulad ko. Sayang!" biro niya sa akin
"As if naman natikman na natin ang isa't isa?" malokong sagot ko rin
"Ah, ganyan ang mga sagot mo sa akin. Lagot ka, mamayang gabi ka sa akin!" sabay tawa niya
Nakitawa na lang rin ako dahil alam ko naman na niloloko niya lang ako. I know his respecting me kaya hindi niya gagawin iyon kahit alam niyang may chance siya or kahit na sinabi pa ng parents ko na dapat ay may apo na sila pagbalik namin sa Maynila. Buo ang tiwala ko sa kanyang hindi niya gagawin iyon. Ibibigay ko lang naman kasi ito sa asawa ko kapag kasal na kami. Siya nga kaya ang maging asawa ko?
BINABASA MO ANG
Married To My Reader (Completed)
RomanceWhat if sa isang iglap, maging asawa mo ang iniidolo mong writer? Pwede naman iyon hindi ba? Kahit reader ka lang, pwede kang maging kasintahan ng isang writer. Tao din naman kasi sila, nagmamahal at nasasaktan din. Dream come true para kay Sariah a...