Sariah
DALAWANG araw na ang nakakalipas nang kami ay pumunta sa Siargao. Sobrang ganda pala talaga roon. Gusto pa sana akong igala ni Achie pero sabi ko, ayaw ko.
Sapat na para sa akin iyong place na tinuluyan namin. Gusto ko lang humiga roon eh, ayaw ko rin kasi na masyadong gumala roon dahil wala naman akong alam sa lugar.
Ngayon ay nasa cafe ako dahil gusto raw makipagkita ni Candice sa akin after work namin. May sasabihin raw siyang importante, kanina ko pa nga iniisip kung ano iyon pero wala naman akong maalala na pinag-usapan naming dalawa.
Habang hinihintay ko ang update ni Achie sa Wattpad ay dumating na si Candice. Todo ngiti siya sa akin na para bang may malaki siyang good news na sasabihin.
"Kahit magkasintahan na kayo, binabasa mo pa rin ang gawa niya sa Wattpad? Ang cute niyo naman," nakangiti siya sa akin pagkatapos ay umupo
"Oo. Reader pa rin niya ako kahit kami na. Una, supportive talaga ako sa kanya. Pangalawa, ayaw niya sabihin sa akin ang totoong sinusulat niya kaya babasahin ko talaga," sagot ko naman sa kanya
"Alam mo, dahil nga sa inyo kaya nakagawa ako ng Wattpad account eh. Nakakainis nga kasi nakikibasa si Lam! Ayaw gumawa ng sarili niyang account! sagot naman niya
Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ni Lam mula kay Candice. Talaga pa lang naging close sila dahil sa pang-aasar namin ni Achie sa kanila.
"Si Lam, nagbabasa ng gawa ni Achie sa Wattpad? Nagkikita pala kayong dalawa ah. Nawala lang kami noong nakaraan, ang dami na naming hindi alam. Iba rin kayo eh, no?" pang-aasar ko lalo sa kanila
"Ah eh kasi.. Ano eh," sabi ni Candice, nauutal pa siya. Haynaku Candice, ngayon ka pa nagtago sa akin eh alam ko namang isa ka ring marupok tulad ko.
"Huwag mo sabihing naging marupok ka ha? Diyos ko, ilang araw pa lang Candice! Nahulog ka na agad sa lalaking iyon?" sagot ko
"Eh mabait naman kasi siya. Hayaan mo na, nasa getting to know each other pa lang naman kami. Ewan ko ba roon, in-add ako sa VibeChat noong isang araw," sagot naman niya sa akin
"Mabait talaga ang mga lalaki sa una. Candice ha, mag-ingat ka dyan!" sabi ko sa kanya
Ngumiti siyang mapait at uminom na lang ng frappe na inorder ko kanina para sa kanya. Binayaran ko na agad iyon kasi sobrang tagal niya. Tumahimik siya bigla kaya nagtanong na ako.
"Huy, bakit ang tahimik mo dyan? May problema ka ba?" sabi ko
"Wala naman," tipid na sagot niya
"Sorry na. Alam ko na kung bakit," sagot ko
Ayaw nga pala ni Candice na pinapakialamanan siya sa desisyon niya. Nagke-kwento nga lang pala siya dahil gusto niya lang mag-kwento at kailangan niya lang ng support ko.
"Hindi naman kasi lahat ay katulad mong mag-isip, Sariah. Iba-iba naman tayong lahat eh. Isa pa, nasa getting to know each other pa lang naman kaming dalawa ni Lam. Ang gusto ko lang naman ay i-support mo ako sa possible lovelife ko," sagot ni Candice sa akin
Oo nga, mali nga ako. Hindi naman kasi niya ako pinapakialamanan sa lovelife ko with Achie. In fact, napaka-supportive pa nga niya sa amin kahit hindi naman siya totally reader ni Achie.
"Sorry na, magiging supportive na ako sa iyo. Ayaw ko na maging negative simula ngayon," sabi ko sabay ngiti sa kanya
"Promise mo iyan, ha?" sagot niya
"Yes naman. Ayaw mo ba noon, mag-kaibigan tayo tapos mag-kaibigan rin sila edi double date--"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may nagsalita sa aming paligid.
"Double date? Bakit hindi ako kasama dyan? Ang tagal-tagal ko nang gusto na makasama si Rio Achilles eh," sabi ng isang pamilyar na boses.
I know it's you Rocky. Alam na alam ko ang boses na mala-anghel na iyan pero demonyo naman pala sa huli. Wala ka na talagang ginawa kundi guluhin kami eh.
"Haynaku, tigilan mo na nga kami. Bakit ka ba narito? Inggit ka kasi ako na ngayon ang kasama ni Sariah at hindi na ikaw ha?!" sagot ni Candice nang pasigaw
"At sumagot ka pa talaga? Kami lang ni Sariah ang magkausap rito. Okay? Huwag kang sumabat kundi sasabunutan kita!" sigaw naman ni Rocky
"Rocky, ano pa bang gusto mo? Hayaan mo na kami ni Rio Achilles dahil wala naman na akong pake sa iyo ah. Please?" sagot ko sa kanya
"Sariah naman. Alam mo naman kung anong gusto ko hindi ba? Kaso lang, hindi mo naman maibigay sa akin eh," pagtataray pa niya
"Sariah, let us go. Wala kang mapapala sa babaeng iyan. Baliw na yata iyan eh. Kailangan na niyang pumunta sa mental facility," sagot ni Candice
Tumayo siya pagkatapos ay maglalakad na sana kami palabas ng cafe nang biglang hinugot ni Rocky ang buhok ni Candice.
"Rocky! Bitawan mo ang buhok ni Candice! Diyos ko, huwag kayong mag-eskandalo rito!" sigaw ko, pinipigilan ko pa rin silang dalawa
Hindi ko na sila napigilan. Nakita ko na lang na gumanti rin si Candice kay Rocky. Sino ba naman kasi ang hindi mapapasabunot sa ginawa ni Rocky.
"Akala mo, hindi ako gaganti?! Rocky, hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Sariah. Malala ka na! Hindi na gawain iyon ng normal!" sigaw ni Candice
"Ang tanga mo naman, sumama ka pa dyan sa babaeng iyan?! Tingnan lang natin, isusuka mo rin iyang pakiki-pag kaibigan mo sa kanya!" sigaw naman ni Rocky
Hindi ko na namalayan ang mga sumunod pang pangyayari. Nakita ko na lang na pini-picturan at vini-videohan na kami ng mga tao sa cafe. Wala man lang tumulong sa amin.
Ilang saglit pa ay dumating na rin ang manager at mga guards ng cafe. Halos nakatulala lang ako, hindi ko kasi alam kung anong uunahin.
"Mamamatay isa sa inyo ni Rio Achilles. Tandaan mo iyan, hinding-hindi kayo magiging masaya!" narinig kong sigaw ni Rocky habang pinapaalis siya ng guard doon sa cafe.
Kami naman ni Candice ay pinapunta sa manager's office para kausapin. Bago kami pumasok sa loob ay tinext ko muna si Achie kung pwedeng sunduin niya kami ni Candice mula sa cafe.
BINABASA MO ANG
Married To My Reader (Completed)
RomanceWhat if sa isang iglap, maging asawa mo ang iniidolo mong writer? Pwede naman iyon hindi ba? Kahit reader ka lang, pwede kang maging kasintahan ng isang writer. Tao din naman kasi sila, nagmamahal at nasasaktan din. Dream come true para kay Sariah a...