Sariah
HINDI na nga kami nagkita ni Rio Achilles noong isang araw, nagkasakit kasi ang mga magulang ko kaya hindi ko sila maiwan sa bahay nila.
Tatlong araw rin akong namalagi roon para magbantay, kaso pinauwi na nila ako dahil kaya na raw nila roon. Nakikibalita na lang ako kay Nana Nita. Sabi ko i-text na lang ako kapag may nangyari.
Ano na nga kaya ang nangyari kay Rio Achilles? Napaltan na kaya niya ako? Baka may lumandi na sa kanya sa Wattpad, diyos ko!
Sariah123: Hi, RA! Kamusta ka na? Pasensya ka na at hindi na tayo nakapagkita noong isang araw. Free ka ba ngayon?
RioAchillesTheGreat: Naku, hindi naman ako pwede ngayon. May aasikasuhin lang ako, kapag maaga akong natapos ay pwede tayong magkita.
Sariah123: Ah sige, sayang naman. Kung kailan free na ako ay ikaw naman ang hindi pwede. Sige, ingat ka. Message mo na lang ako kapag okay na.
Medyo nalungkot ako RA ha? Sayang naman, pero okay lang din dahil pinagbigyan mo naman ako noong isang araw kaya pagbibigyan rin kita ngayon.
Nagbasa na lang ako ng sa aking Wattpad application, nasa bahay lang naman ako ngayon. Ayaw ko rin tawagan si Rocky dahil may sikreto nga ako sa kanya.
Nagulat ako nang biglang may nakita akong post galing sa isang Windy Escaros, nag-message daw sa kanya si Rio Achilles. Sino naman kaya ang babaeng ito? Aba, napalitan agad ako ah, ilang araw pa lang akong wala eh.
In fairness, ang ganda niya. Talbog ang ganda ko, parang mas bata pa ito sa akin pero mukhang nasa 20 years old na siya. Kami lang kayang dalawa ang minessage niya o marami pa? Ano iyon, nangongolekta siya ng readers na babae tapos paglalaruan niya kami? Aba, magaling din ano?
Inis na inis kong binagsak ang cellphone sa kama at nagtalukbong na lang ako ng aking kumot. Bakit ang sakit sa pakiramdam? Pakiramdam ko'y nagtaksil siya sa akin kahit wala namang kami. Teka, ano nga ba kaming dalawa?
Sabi niya, liligawan niya ako. Tapos ngayon, nawala lang ako ng ilang araw at hindi nagpakita sa kanya ay napaltan niya na agad ako. Sana pala, una pa lang ay hindi na ako nagpaligaw dito. Bakit ba hindi ko naisip na nag-iipon lang siya ng babae? Ang masama, reader pa niya kaming lahat. Puro kalokohan lang pala ang lahat ng ito, bakit ba kasi nag-invest ako ng feelings dito?!
Ilang minuto pa ang nakalipas, nag-vibrate ang phone ko. May nag-message sa aking Wattpad application, malamang ay siya na iyon. Habang naiyak, binasa ko ang message niya. Pinangako ko sa sarili kong hindi ko sasagutin iyon kahit ano pa ang mangyari.
RioAchillesTheGreat: Halika na, pupuntahan na nkita ngayon. Nasaan ka ba? I'm excited to meet you!
RioAchillesTheGreat: Huy, ano na? Pasensya ka na at busy ako, nakatulog ka na siguro. I-message mo na lang ako kapag nagising ka na. NAmiss kita, huy! Salamat at nag-message ka na.
Saan ka busy? Kay Windy Escaros na kakakilala mo lang noong nawala ako? Edi sige, doon ka! Kayo na lang ang magligawan, simula ngayon ay wala na akong paki sa iyo. Hayop ka! Nagtiwala ako sa iyo, tapos sinira mo lang? Huy, mahal ang tiwala ko kaya hindi mo na ito maibabalik kahit kailan!
Dahil nga naiinis ako kay Rio Achilles ay tinawagan ko na lang si Rocky, gusto ko siyang puntahan. Wala na akong pakialam kung malasing ako o ano, basta gusto kong tanggalin na sa buhay ko si RA!
"Rocky, nasaan ka? Pupuntahan kita sa bahay niyo ngayon,"
"Ha? Bakit naman? Eh teka lang, hindi pa ako naliligo eh. Sana ay nagsabi ka man lang nang mas maaga para nakapaghanda ako,"
"Okay lang kahit na hindi ka na mag-ayos. Hindi naman ako lalaki na naporma sa iyo. Sige na, aalis na ako sa amin at pupunta na ako dyan. May dala nga pala akong alak ha?"
"Pero bakit may ala--"hindi na natapos ni Rocky ang sasabihin niya dahil pinatay ko na ang tawag
Kumuha ako ng mamahalin na alak sa mga koleksyon ko at nagtungo na sa kotse. Tama lang na mamahalin ang inumin ko, para malakas talaga ang tama sa akin mamaya kapag nalasing na ako. Sa daan na lang ako bibili ng pulutan, iyong mamahalin rin para sakto rito sa inumin ko.
Pagdating ko sa nina Rocky ay ayos na ayos siya. Tila ba may party na pupuntahan. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa itsura niya. Para talagang ewan 'tong kaibigan ko kung minsan.
"Oh, ayos na ayos tayo ah? Saan ang lakad mo? Mag-iinom lang naman tayo dito sa bahay niyo!" sabi ko sabay lapag ng alak at pulutan sa mesa
"Ayaw ko naman na haharap ako sa iyo na dugyot ang itsura ko. Anong atin? Bakit ka magpapa-inom? May party ka ba?" tanong niya sa akin
"Ano ka ba? Hindi 'no, gusto ko lang na i-libre ka. Masama ba iyon? Alam ko, gustong-gusto mo ang libre!" pagsisinungaling ko
"Hoy babae, never ka namang nagyaya mag-inom na wala lang. It's either masaya ka o malungkot ka. Sabihin mo sa akin, alin doon?" sagot niya
Rocky, kilala mo talaga ako ano? Wala na nga yata siguro akong maitatago sa iyo. Ni utot ng isa't isa ay alam natin eh. Hayaan mo, ike-kwento ko na sa iyo kung bakit ako magpapa-inom ngayon. Aaminin ko na sa iyo na niligawan kuno lang ako ni Rio Achilles. Pinaasa lang niya ako.
"Oo na, wala talaga akong maitatago sa iyo eh, 'no? Sige na nga, sasabihin ko na ang totoo ngayon," sagot ko
"Ano namang totoo ang pinagsasabi mo dyan?" nagtatakang tanong niya sa akin
"Si Rio Achilles kasi, nakakausap ko siya. Kaso, akala ko ay ako lang ang nililigawan niya pero marami pala kami. Pinaasa niya ako, Rocky!" sagot ko
Gulat na gulat man si Rocky ay inayos na namin ang alak at pulutan. Nang makaupo na kaming dalawa ay nagpa-kwento na siya kung anong totoong nangyari. Hindi ko na itatago pa ito kay Rocky dahil tapos naman na kami ni Rio Achilles. Hinding-hindi na ako magpapaloko sa lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
Married To My Reader (Completed)
RomanceWhat if sa isang iglap, maging asawa mo ang iniidolo mong writer? Pwede naman iyon hindi ba? Kahit reader ka lang, pwede kang maging kasintahan ng isang writer. Tao din naman kasi sila, nagmamahal at nasasaktan din. Dream come true para kay Sariah a...