Chapter 25 : Captured

18 4 0
                                    

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Bumungad saakin ang nakakatakut na silid. Kumikirot parin ang ulo ko dulot ng hampas ni Agatina. Nakaluhod ako sa magaspang na sahig habang may kadena ang dalawa kong kamay na nakaangat sa ere.


"Gagawin ko ba?.." Napalingon ako kay stellar at umiling. Kung gagawin nyang pagalawin ang mga bituwin ay malalaman ng kalaban ang nalalaman namin.

At may posibilidad na mapapaaga ang laban. Hindi pa prepared ang lahat.

"Wag, sinabi ko lang para alam mo na.." Tumungo sya.

"Magpapahinga na ako, ikaw na ang bahala sa iba. Si leixar kasi ay mukhang tinopak uli..." Napakagat ako ng labi at iniwan si stellar na tumatawag saakin.

Agad akong pumasok sa kwarto at sinara iyon. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

"Did the crown princess had the hard time?..." Nanlaki ang mata ko at lumingon pero agad kong naramdaman ang paghampas sa ulo ko.

"Sleep will, crown princess..." Nakita ko ang nakangising si Agatina bago ako mawalan ng malay.


"Gising na ang prinsesa..." Napatingala ako at galit ang sumakop sa pagkatao ko sa nakita.

"Maganda ba ang panaginip mo?.." Nakangising tanong ni Wendy.

"I didn't expect that the crown princess is weak." Sabat ng ina nya na si Lucinda.

"Oo nga eh, tinakot pa ako pero simpling hampas lang ay nakatulog agad..." Napatawa ang mag-ina sa sinabi ni Agatina. I grind.

"Oh, did you just see your face on how bloody reject you?.." Pang-aasar ko at kita ko ang galit na mukha ni Agatina.

"Y-you, Y-you. H-how--.."

"That's enough..." Naputol ang sasabihin ni agatina ng biglang may pumigil. It was cold and husky voice. Napaangat ako ng tingin at nakita ang isang lalaki na hindi masyadong matanda. Makisig ito at gwapo kaya napakapit si Lucinda sa makisig nyang braso.

"Sardy, darling..." Malanding tawag ni Lucinda at nakita ko ang palihim na pagirap ni Wendy.

"Your party did a great job, especially this impostor girl..." Tukoy nito kay Agatina na napangisi nalang.

Legend Of Agatha [Under Edited/Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon