Chapter 29 : War

22 4 0
                                    

'Please, help..'

Biglang napalingon si leixar sa paligid nya. Hindi nya alam kung guni-guni lang ang narinig nya. Pamilyar ang boses na narinig nya.

"Sabrina?...... or Saverina?..." Napailing sya sa naisip.

'They can't be one. Saverina is a pormal lady and Sabrina is an amazing girl I ever meet. She laughs so loud and a stubborn girl. But I like her flaws. She's beautiful...'


"Is everyone's ready?..."

"Everything according to plan, your Highness..." Sagot ni stellar. Naging seryoso si stellar ng makuha ng kalaban si Saverina. Parang mundo din nito ay gumuho. Napailing si leixar at napangisi.

Agad na nagsilabasan ang mga agatians na may kanya-kanyang armas. Tumungo si leixar sa kanila habang sakay ang itim na kabayo. Lihim na kinilig ang ibang kababaihan at hindi makapaniwala dahil sa nalaman nila kay leixar.

Half mask ang suot ni leixar ngunit nasa gilid lang ito ng mukha nya. Kaya kita nila ang gwapo nitong mukha.

Sa likod nya si stellar habang lumulutang at puti lahat ng mata.

"Stellar! Do your thing!.." Agad na tumungo si stellar at inangat ang kamay sa ere.

"Star of destruction!!.." Umilaw ang buong Agatha at nakita nila ang mga bituwin na nagbabanggaan at gumagalaw. Bumangga ito sa isang matigas na bituwin. Yon ay ang buwan.

Nanghina si stellar at bumagsak sa lupa na agad dinaluhan ng isang healer.

"Draw your swords!.."

Pinakawalan nila ang magkasunod na malakas na bomba paitaas kaya naglikha ito ng malakas na pagsabog.

Nakita dito ang unti-unting pagbitak ng buwan. Nanlaki ang mata nila ng sumabog ito at nagsilabasan ang iba't ibang nilalang kasabay ng mga traydor sa Agatha.

"Attack!!.."

Gumawa ng light bombs ang ibang agatians at pinatama sa mga demons na agad sinunggaban ng mga fighter. Nag cast ng healing spell ang mga healer sa mga nasugatan.

Lumapad si leixar paitaas gamit ang fire phoenix nya at malakas syang bumagsak sa lupa na naglikha ng malaking pagsabok. Natupok ang ilang demons dahil sa ginawa nya. Naging agresibo sya ng makita ang tatlong naka cloaks na naglalabas ng mga demons.

Agad syang tumalon ng mataas at gumawa ng malaking apoy sa kamay. Inihagis nya ito sa isa ng hindi namalayan ng huli. Tumalsik ito palayo. Nagsilingunan ang dalawang natira at gumawa ng malaking bato. Mas lumakas ang tatlong naka cloaks hindi gaya noong nakalaban nila ito.

Pero agad itong nawasak ni leixar ang mga naglalakihang bato.. Pulang-pula ang mata nya. Agad nyang sinakal ang mga ito.

"Die! Moron!..." Malamig nyang sabi at nilabas ang delikado nyang kapangyarihan. Mabilis na natupok ang dalawa.

"Brothers! No!!..." Sigaw ng isang naka cloak habang nakahiga ito sa lupa. Agad na lumapag si leixar at sinakal ito sa lupa.

"You pay for this! Prince leixar!!..." Sigaw nito bago sya naging abo.

"Stellar! Are you okay now? I need your presence!..." Gumamit ng telepathy si leixar at kalaunan ay dumating si stellar na lumulutang sa ere. Mas humaba ang buhok nito at lumaki ang katawan.

Legend Of Agatha [Under Edited/Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon