5

144 23 7
                                    

Ezra pov'

Payapa akong naka higa sa pahabang sofa ng opisina ni sir. Kanina ko pa hinihintay na dumating sya ngunit kahit anino nya ay di ko maramdaman

May date ba talaga sila ni ma'am?

Umayos Ako ng upo at tinignan ang relo na nasa wrist ko. alangang sa leeg diba?

"4:14 na pala" sabi ko bago napa buntong hininga.

Ang hirap talagang mag hintay sa taong hindi ka naman mahal.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko para ih text si dad na late na akong makaka uwi.

Siguro ay wala nang ibang students dito sa school dahil 3:30 natatapos ang klase maliban nalang kapag may exam dahil halos gabihin na ang iba kaka review sa library.

Nilibang ko nalang ang sarili hanggang sa namalayan kong mag didilim na pala.

"Hindi na siguro babalik si sir" sabi ko bago naisipang umuwi

Tatayo na sana ako ng may marinig akong mga hakbang papalapit sa direksyon ko. Sa tyansa ko ay dalawa sila

Dali dali akong nag tago sa ibaba ng lamesa ni sir bago sumulip kung sino ang papasok.

Si sir kaya? Tanong sa isip bago tinuon nalang ang atensyon sa pinto

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang pares ng sapatos at isang pares ng high heels. Dahil maliit lang ang space sa pwesto ko ay tanging sapatos lang ang nakikita ko.

"Birthday na ni mom this coming week" rinig kong sabi ng babae na sa tingin ko ay kapatid nya

"I know haley"sagot ni sir

"Gusto na ni mom na magka apo" sabi ng kapatid nya bago bumuntong hininga

"Ready naman na akong magka anak eh"

Muntik na akong matawa dahil sa naiisip buti nalang at naka takip ako sa bibig ko.

"Balak ko na ngang ipakilala magiging asawa ko eh?"

" No! Alam mo namang si Sasha yung pinili nyang magiging asaw--"

"*COUGH*! *COUGH*!" Napa takip ako sa bibig ko ng di ko napigilang umubo dahil sa pagka bigla

Hindi ko na pinansin kung ano yung sinabi ning Haley dahil umeeko sa isip ko yung sinabi ni sir. 

M-MAY GIRLFRIEND SI SIR!!!


you're my studWIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon