Chapter 1

1K 20 0
                                    

Franki's POV

Grade 11.

We're taking our third quarter exam sa last subject namin, which is General Mathematics. Kumokopya ako sa ibang sagot sa nakaupo sa harap kong si Sky nang biglang tumayo si Ms. Calderon at naglakad palapit sa akin.

Dugdugdugdug

Dali dali akong umayos ng upo, akala ko katapusan ko na. Pero lumapit pala siya sa nakaupo sa likod ko. Si Diana. We've been classmates since Junior high school. We're friends naman pero hindi gaanong close.

"Miss Mackey, tulog ka na naman. Don't you know--" sermon ni Ms. C. Tumingin kaming lahat sa dalawa.

Nagising si Diana at inabot ang test paper niya kay Miss Calderon.

"Yan po. Kanina pakong tapos. Pwede na ba akong matulog?." Talagang maattitude si Diana minsan. Pero mabuti naman siyang tao, I think.

Hinablot ni Miss Calderon ang test paper nito at padabog na naglakad pabalik sa desk niya.

5pm.

Uwian na. At ngayon pa talaga nagising ng lubusan si Diana. Kasama niya sina Veah at Gazini. Naglalakad ako sa lobby with my squad. Sina Maza, Jodie and Julia. Dala dala ko ang props na ginamit namin last week for our stage play.

"Franki, ako na." Biglang sulpot ni Argel.

"Wag na, kaya ko naman."

"Sige na Franki, I insist. Hello girls." Sabi niya sabay kuha ng mga dala ko. Sword, shield at helmet lang naman eh. Tinukso naman kami ng tatlo. I just rolled my eyes.

"Alam mo Franki, sagutin mo na kasi tong si Argel. Para you live happily ever after na." Sabi ni Maza.

"Oo nga Franki. Kailan mo ba ko sasagutin?." Tanong ni Argel. Dati naman kinikilig ako pag ginaganito ni Argel. Di ko alam kung bakit parang ang dali ko namang nagsawa.

Hindi ko alam ang isasagot ko, sobrang awkward eh. Naramdaman naman ni Argel na hindi parin ako handa kaya,

"Ay oo nga pala. Mauna nako girls ah. May kailangan pa pala akong tapusin. Tong props pala--"

"Ikaw bahala. Itatapon ko na kasi sana yan."

"Ganun ba?. Sige,ako nang bahala dito. Sige girls ah, bukas ulit. Bye. Ingat  kayo. Diana! Wait!." Takbo niya palapit kina Diana.

Diana and Argel are really close. Hindi ko lang maintindihan kung paano nangyaring walang nahulog ni isa sa kanila.

"Uy nagseselos." Siko ni Julia sakin.

"Nino?."

"Kina Diana at Argel. Sige ka girl, pag di mo pa talaga sinagot yan si Fafa Argel, magsisisi ka." Sira talaga tong si Julia.

"I think that's not possible. May boyfriend ata yang si Diana. I saw her last night at Sawyer's Cafe with a guy. Anyway, andyan na sundo ko girls. Bye. Ingat kayo." Sabay beso samin ni Jodie.

Si Diana? May boyfriend?

After dinner, dumiretso nako sa kwarto ko. Nasa boarding school ang siblings ko kaya madalas solo ko ang bahay. Busy rin kasi sa work si Mommy since wala narin si Daddy.

Binuksan ko ang messenger ko at nagulat nang makatanggap ako ng message from Diana. Well, this is new.

2 hours ago pa siyang online.

Meet me tonight at the **** park. 8pm sharp.

Napatingin ako sa oras. 8:30 na. Bakit kaya? Hindi naman kami ganun kaclose pero sige na nga.

About A Girl (FRANKIANA)Where stories live. Discover now