Chapter 5

704 17 1
                                    

Franki's POV

Lumipas ang ilang mga araw hindi parin mawala sa isip ko ang pagkawala ni Argel. Nilunod ko nalang ang sarili ko sa pag-aasikaso ng schoolworks. Hindi nako madalas sumasama sa barkada pag may party.

I never thought that losing him could be this traumatizing. Pumunta ako sa park para magmuni muni. Umupo ako sa may swing. Nakatunganga lang ako habang umiiyak nang biglang may umupo sa katabi kong swing. It's Diana.

Nakatingin lang siya sakin na parang nag-aalala as she offered her handkerchief to me.

Tiningnan ko lang siya.

"Tanggapin mo na." Sabi niya. Kinuha ko nalang at pinunasan ang mga luha ko.

"How on Earth did you managed all of these?." I blurted. Staring intently into her eyes.

"Manage what?."

"Staying positive like that. Diana, Argel just died. Bakit parang wala lang sayo ang mga nangyari?."

"Mabubuhay ba siya pag nanatili akong malungkot? I don't think so. And just because hindi mo ko nakitang umiyak, doesn't mean wala nakong pakialam."

"But at least--"

"Mahal ko siya Franki. Sobrang sakit sakin. But he asked me to fulfill one thing, to make you happy. Kung magiging mahina ako, sinong tutulong sayong maging malakas ulit? Kung hindi ko pipiliting maging masaya, sinong magpapangiti sayo like he did?."

"Diana, hindi mo naman kasi kailangang gawin yun--"

"He wanted to love you longer than possible, pero dinaya siya ng kapalaran. But I'm willing to take the responsibility Franki. I wanted to extend the love that he failed to complete until that pain you have now is gone."

I know may iba pa syang rason maliban dun pero ayoko syang pangunahan.

"And how would you do that?."

"You'll see in about 6..3,*binuksan niya ang dala nyang payong at pinatayo ako para makisilong*, 2, wait for it. 1." And perfect time talaga na bumuhos ang napakalakas na ulan.

Nagulat ako when she wrapped her arm around me para mas magkasya kami sa payong niya.

"Akala ko ba germophobic ka?."

"Just for these types of situation." Sus palusot. Napangiti nalang ako.

"Tara na sa kotse." Sabi nya pa habang hawak hawak parin ang kaliwang braso ko. Ang bango ni Diana, sobra. She's nice naman pala.

2 days later. It's Saturday.

Nasa mall ako kasama ang squad ko para mag shopping.

"Really? Ano namang ginagawa mo dun sa apartment ni Diana nung gabing yun?." Tanong ni Maza habang tumitingin tingin ng mga damit na medyo nang-iintriga. Bibigyan nya na naman ng kulay ang mga bagay bagay.

"Usap lang then dinner tapos hinatid niya nako sa bahay."

"Since when pa kayo naging close? Alam mo girl, masama pakiramdam ko sa babaeng yan." Sabi ni Jodie.

"Huh? Parang mabait naman siya ah."

"Kasi diba, sabi mo she's secretly in love with Argel. Pano kung ikaw yung sinisisi niya sa pagkamatay ni Argel?. Na kinakaibigan ka lang niya para maghiganti." Napaisip ako sa mga sinabi ni Jodie.

About A Girl (FRANKIANA)Where stories live. Discover now