Chapter 10

646 15 1
                                    

Franki's POV

Kasama ko ngayon si Dylan sa mall. Hinila niya ako papuntang national bookstore. Hmm.

Tumitingin tingin lang siya habang nakabuntot lang ako sa kanya.

"Tell me Tita Franki, bakit di na kayo friends ni mommy?."

"What?."

"Why are you stalking us?."

"Well,uhm I--"

"It's okay. I know you're a good person. Do you have a boyfriend?."

"N-no. I have none."

"Why?. You're really pretty,nice and you have a lot of money. Can't you get one?."

"Haha no. It doesn't work that way."

"So why?."

"Let's just say I love someone that I should not love."

"What? Really? I thought love is for everybody?."

"Hmm think of it like this. Imagine, you saw a toy car on the road. You really like that toy. It's the limited edition that you've always wanted, but it's already owned by some other kid. What would you do?."

"Give it back to the owner."

"Exactly. Because stealing is bad."

"What does it have to do with loving someone you shouldn't love?."

"It means I can't love someone else's lover. That's the same as stealing. That's bad, and I'm not a bad person."

"But my friend Clarke's dad has five wives, does that mean he's bad?."

Ano bang isasagot ko dito? Pero seryoso talaga?

"Did you remember what I taught you about sharing?." Sabi ko nalang.

"Opo Tita. That it's not good to keep more for yourself. You should share, especially to those who are unfortunate."

"You really pay attention talaga ah. Dahil dyan pumili ka dyan ng kahit anong gusto mong book."

"Talaga?."

"Oo."

"Thank you Tita." Yakap niya sakin. That felt really warm. Pumili na ng magagandang books ang bata.

That smile on his face is priceless. Pag sinubukan kong kunin ang mommy niya, masisira ang family nila at hindi ko na ulit makikita ang mga ngiti ni Dylan. He loves his dad very much. I saw how he cared for him kahit na tulog ito at hindi pa sila nagkakausap o nakakapagbonding.

FLASHBACK

Grade 12.

Sa apartment ni Diana,

"Ano?! Kailan mo pa ba balak sabihin sakin to ha?!." Galit na galit kong sabi rito.

"Franki--"

"Halos mabaliw ako dahil sa kung pano mo ko tratuhin lately, tapos malalaman ko nalang isang araw na nakunan ka?! Ni wala nga akong idea na buntis ka pala!."

"Sasabihin ko na kasi dapat sayo, I'm sorry. Naging duwag ako.."

"Kailan pa?! Sino yung lalaki?."

"Hindi na importante yun. I was just so drunk one night. Franki, maniwala ka. Ikaw ang mahal ko, ikaw lang.." Yakap nito sakin habang umiiyak.

Tinulak ko siya at di ko na talaga napigilan, nasampal ko siya.

"Mahal ha?! Mahal?! Hindi yan yung alam kong pagmamahal! Dahil kung mahal mo ko di mo ko lolokohin! Kung mahal mo ko di mo ko sasaktan!. You promised Diana! Pero katulad ka rin pala nila!."

Huli kong sabi at tuluyan nang umalis.

EOFB

Napapaiyak parin ako habang inaalala yun. She first got pregnant when we were in our last days of senior high school. Sobra siyang na stress dahil sa activities sa school at sa takot sa magiging reaction ko at ng pamilya niya. Hindi siya nakakakain at nakakatulog sa tamang oras kaya hindi na naipanganak ang first baby niya sana.

She didn't saw me, but I was there in the first moments when she had Dylan out in this world. Dun ko uli nakitang masaya si Diana. This is her dream. To be a mother. Pambawi nalang sa pagkukulang niya sa kanyang unborn child.

Hinatid ko na si Dylan sa kanila pagkatapos.

Dinner time na.

"Tita, please stay for dinner muna." Hila pa sakin ni Dylan papasok. Nakatingin lang samin ni Dylan.

"Pasensya na baby. I have to go na eh. Next time nalang. I have work pa."

"Okay. Basta balik ka ulit Tita ah. Kasi mommy bakes the best cupcakes. You should try it." I know Dylan.

"Okay okay. Bye. And be a good boy. Wag mong bibigyan ng sakit sa ulo ang mommy mo."

"Okay po Tita Franki. Bye." As he kissed me on the cheek.

Nang makasakay nako sa kotse, saka nako nakahinga ng maluwag. Yung mga titig ni Diana kanina tagos sa buto. Pakiramdam ko tuloy nagpaplano na siyang patayin ako. Wag naman sana. Napalagok ako nang maisip yun.

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Masaya ako dahil patuloy parin ang pagtaas ng sales rate namin, pero nananatiling on top parin ang Mackey Jewels. Malamang maraming magpopropose sa nalalapit na Valentine's day.

Isang week nalang pala.

Parating sold out sa mga branches namin while malaki at madali naman ang kita sa company ni Diana since mahal naman talaga ang jewelries.

Para sa mga nagtitipid, dito naman sila sa company namin bumibili. Hindi naman kasi mahalaga ang kita, aanhin ko naman ang maraming pera maliban sa pagtulong sa kapwa?.

Madalas akong busy because of charity works at pagmomonitor ng factories at plantation namin, kung saan tinutulungan naman ako ng mga kapatid ko.

Today, pumunta ako sa plantation kung saan in charged si Kuya Derek.

"The other day maraming peste, pero naagapan naman. Don't worry sis. I guess marami rami pa ang mahaharvest natin this season." Sabi ni Kuya.

"Thank you talaga at napakahardworking ng gwapo kong Kuya. Hayst. Kung andito lang sana sina mommy at daddy, I'm sure they'll be very proud of you."

"Sayang lang kasi di na nila naabutan. Pero salamat talaga Franki ah, pinagkatiwalaan mo ko sa pag mamanage nito. Kahit na sunod sunod nang kagaguhan yung mga pinaggagagawa ko."

"Kuya, it's all in the past. Ganyan talaga ang buhay.." nang sabihin ko yun, bigla ko na namang naalala si Diana.

"Bakit? Franki--"

"Wala. Basta, ipagpatuloy mo lang yan."

"Sya nga pala, yung pamangkin mo nagtatampo na sayo. Palagi nalang daw anak nung Diana na yun ang kasama mo. Teka, magkaibigan parin ba kayo nun?." Hindi din kasi niya alam yung tungkol samin ni Diana before.

"Ewan. Di ko alam. Sana."

"Diba comatosed asawa niya? Naku, pag yun di na nagising papatusin ko talaga yang kaibigan mo."

"Kuyaaa.."

"Joke lang, to naman. Pero naisip ko lang kasi,sa hinabahaba ng pagkakatulog ng asawa ni Diana, baka nagkagusto na siya sa iba. Pero kung hindi naman, siguro nga mahal niya yung Dino'ng yun."

About A Girl (FRANKIANA)Where stories live. Discover now