Diana's POV
Sunday.
Kakauwi ko lang from church. Nagulat ako nang makitang parang kanina pa sa loob si Gazini. May spare key din kasi siya.
"Kanina ka pa?."
"Medyo. At saka kagabi, dumaan ako dito para hiramin sana yung flashdrive mo. Na delete ko kasi yung soft copy ko nung module natin. Walang tao. San ka pumunta?."
"Ah wala. Nagpahangin lang sa labas."
"Tatlong oras kang nawala, nagpahangin?."
"Bakit? Bawal ba yun?." Diretso ko sa kwarto ko para magpalit ng damit. Sumunod naman siya.
"Hindi. Ang bawal lang ay yang pagiging sinungaling mo. Sabihin mo nga, you're secretly seeing someone no?."
"Walaaaa."
"Sus, yang mukha mo. Good mood. Alam ko may ibig sabihin yan. At saka, pumunta ako kina Veah kagabi. Wala din siya. Ano? Lumabas ba kayo nang hindi ako kasama?."
"H-hindi ah."
"Siguraduhin mo lang. Sigeee, ganyan naman kayo eh. Di nyo ko sinasali."
Kaya niyakap ko nalang sya sa likod.
"Eto naman, tampo agad. Akala mo naman kung sinong hindi palaging busy sa boyfriend."
"Well, ngayon hindi na."
"Nagbreak kayo ni Jovie?."
"Eh ang bastos ng gago. Ayun, buti nga sa kanya. Tinadyakan ko yung ipinagmamalaki niyang kasing rupok naman ng stick-o."
"Haha really? Well, buti nga sa kanya."
"Tao po. Dianaaa." Nagulat ako nang marinig sa labas ang boses na yun. Oo nga pala. Teka, ba't ang aga niya?.
"Dianaaa. I'm here."
"Si Franki ba yun? What is she doing--" labas ni Gazini. At di ko na nga siya napigilan.
"Dia--oh sorry. Did I interrupted you?."
"No. Not really. You're here. I mean, you're close now?. Uhm pasok, pasok ka muna." Hayst to talagang si Gazini kahit kailan.
"So, you're here." Sabi niya ulit nang makaupo na kaming tatlo.
"Yes. Uhm may usapan kasi kami ni Diana na.."
"Yeah yeah. And we have to go now na pala. Sorry Gaz ah, promise next time babawi ako." I said kissing Gazini on the cheeks as I pull Franki out of my apartment.
"Haha what's going on?. Maaga pa naman." Takang tanong ni Franki. Sumakay na kami sa kotse.
"Wala. Maiirita ka lang sa kakatanong ni Gazini. Breakfast, kumain ka na?."
"Oo."
"Ako hindi pa. Tara, kain ka ulit."
..
Franki's POV
FLASHBACK
"Nag breakfast ka na?." Tanong ni Argel.
"Tapos na."
"Sayang. Ako hindi pa eh."
At kumain nga siya mismo sa harap ko. Hinintay ko lang siya hanggang sa makatapos siya.
YOU ARE READING
About A Girl (FRANKIANA)
FanfictionTwo of Asia's top successful women are from the Philippines. Frances Margaret Russell (owner of the Russell Gifts Inc.) and Diana Cariaga Mackey (new owner of Mackey Jewels). In an interview aired Nationwide, these two competing company- owners were...