Chapter 2

706 19 0
                                    

Franki's POV

Nauna akong pumasok sa cr. Sumunod naman siya. Pumasok siya kunwari sa isang cubicle while naiwan akong naghihintay sa ibang students na lumabas. At nang makalabas na sila, kinatok ko si Diana sa loob. Lumabas siya at tiningnan ako.

"So, what is it this time?."

"Someone texted me this."

"Seriously? Yang taong yan, hawak parin niya ang phone ko."

"What should we do Diana? Next week na deadline ng projects natin."

"Tawagan mo." Yun nga ginawa ko pero nagriring lang.

Kaya tinext ko nalang.

Sino ka ba talaga? Isauli mo na kay Diana ang phone niya. Kailangan niya yan. Parang awa mo na kung sino ka man.

Sent!

Paglingon ko kay Diana, nakatitig lang siya sakin.

"What?." Taka kong tanong rito.

"Wala. Oh ayan, nagreply na."

Don't worry. Isasauli ko rin naman to. Pero sa isang condition.

Before that, can I at least get a clue of who you are?

I'm sorry but that's the condition.

Pano kami makakasiguro na isasauli mo kay Diana ang phone niya?

I never break a promise Franki. Sige na, lumabas na kayo sa CR.

Dun kami nagulat. So, he or she is just out there. Inagaw ni Diana ang phone ko at annoyed na nagtype.

Ano bang kasalanan ko sayo ah?! Bakit ako?! Pwede bang isauli mo na ang phone ko?!

Chill Diana. Actually, stealing your phone is a favor. Soon enough, someone really special to you will know about the treasure.

Treasure? Anong ibig sabihin nun? Bakas sa mukha ni Diana ang kaba. Na para bang may idea na siya kung sino ang taong to.

"Diana, are you okay?."

"Yes." Balik niya sa phone ko at nagwalk out. What's going on? Ano yung treasure?

Akala ko after nun ay maayos narin ang lahit pero paglipas nang ilang araw may napansin ako. Isang hapon, naging groupmates kami ni Diana sa Philosophy. Nagrereport na ang unang group. Tumabi ako sa kanya.

"I'm glad na nabalik sayo ang phone mo. Nalaman mo ba kung sino kumuha nyan? Napasa na naman yung projects mo on time diba?. At sya nga pala D, bakit parang hindi kayo nagpapansinan ni Veah? May problema ba?." Mahina kong sabi. Parang wala ulit siya sa mood.

"We're here para mag-aral, hindi makipagtsismisan." Pagtataray nito sakin.

"Nagtatanong lang naman eh."

"Pwes, mind your own business."

"Red days mo ba ngayon?."

"Ano bang paki mo ha?."

"Concerned lang naman ako sayo. Diana, pwede naman kitang tulungan kung--"

"Hindi ko kailangan ang tulong mo." Sabi nito at lumipat ng pwesto para lang layuan ako.

Ano ba talagang nangyari? Nag-away ba sila ni Veah? Hindi kaya si Veah ang kumuha ng phone niya?. Possible yun. Pero dapat ba talagang magalit siya ng ganun?.

About A Girl (FRANKIANA)Where stories live. Discover now