Chapter 18

503 15 16
                                    

Franki's POV

"We have different directors right? Pano nangyari yun?." Tanong ko sa secretary ko.

"Hindi nga rin po namin alam ma'am. Should we change it po?."

"No. No need for that. Wala na tayong panahon. Coincidence lang naman siguro yan."

"Pero napag-usapan po ng board na kung di man natin papalitan ang commercial, dapat lang po mauna tayo sa air--"

"This is not a competition. We're not competing with other companies. We're competing with ourselves, for our own company's growth. By the way, dating gawi. I'll be out of town, alam nyo na siguro dapat nyong gawin at tapusin."

"Yes po ma'am."

"Good. Sige na, may dapat pakong tapusin eh. Yung pinapagawa ko palang brochures and cards, ikaw nalang magclaim mamaya. Ito yung resibo."

"Noted po ma'am. Sige po." labas niya na ng office ko. Hay naku, daming dapat tapusin.

10pm.

Pag-uwi ko, diretso nakong higa. Grabe, nakakapagod tong araw na to.

FLASHBACK

"Uhm Diana--about last night."

"It's just sex. It doesn't mean anything. We're just drunk. Forget it. It's just some stupid mistake." Sabi niya. Really? It's just sex?. And this is just a mistake?

EOFB

I can't blame her for feeling that way and for saying those harsh words. May asawa siya at itong namamagitan samin ay isang malaking pagkakamali.

Kaya lang bumabalik parin tayo sa punto na mahal ko siya but the best option is self control.

Okay lang masaktan, wag lang manakit at yun ang pinipilit kong iwasan kaya lang pagdating sa kanya parang nakakalimutan ko lahat ng feelings ng ibang tao na dapat kong e consider. Nakakalimutan ko ang principles na ginawa ko for myself.

Nakakapagod na kasing masaktan.

Nakakapagod nang umasa.

Nakakapagod nang magmahal ng taong nakalaan na para sa iba.

KINABUKASAN

Valentine's Day.

Hiking, surfing, cycling, wall climbing, lahat ng yan ginawa ko sa araw nato just to keep myself busy and then nagpamasahe ako while staying in a beach resort just to relax.

Gusto ko lang yung ganito, medyo peaceful lang ang buhay hanggang sa narinig ko ang isang pamilyar na boses. Diana.

Naisip ko na baka masyado ko lang syang iniisip kaya ko naririnig ang boses nya pero paglingon ko, nagulat ako nang makitang andito nga siya.

Ayan ka na naman Franki. Bakit ba ang rupok rupok mo?.

"..hindi nga pwede. Alam nyo po ba kung gaano ka layo ang binyahe namin just to get here?."

"Ma'am, pasensya napo talaga pero wala napong available rooms eh." Sabi ng nasa front desk.

Kaya lumapit ako.

"Uhm Kuya, she's with me. I'm Franki Russell and this is my business card. Ako po yung kumuha ng room for two."

"What are you doing?." Mahinang reklamo ni Diana.

"Helping you duh." I said rolling my eyes.

"Sige po. Pasensya na po ma'am. Brando, pakidala nga ng mga gamit ni Ma'am Diana sa room 6." At ayun sumama naman kami ni Diana hanggang sa room. Nang makaalis na ang nagdala ng mga bagahe niya,

"What are you doing here? Are you following me?." Tanong ko.

"And why would I do that?. I'm here for business."

"And uh what type of business is that?." Tanong ko.

"Wala ka nang paki dun, wag mo nga akong kausapin." Biglang nagring ang phone niya, sinagot niya to agad.

..

Diana's POV

Hello po Mr. Lee. Andito na po ako sa venue with the team and the models. Medyo naiba lang po ang room ko.

Oh okay. Anong oras ba magsisimula ang shoot?.

Napag-usapan po namin na by sunset po.

Okay, I like it. I'll visit nalang tomorrow to check the shots.

Okay po.

Sige. See you tomorrow.

End of call.

"Oh? Anong tinitingnan tingin mo dyan?." Irita kong sabi kay Franki.

"Sabi ko nga, lalabas nako." Buti naman para makapagpahinga muna ako.

FF

Ginagawa na ngayon ang photo shoot sa tabing dagat and andito ako to monitor them.

"Hey." Napalingon ako. Tsk. Not again. Andito na naman tong babaeng to. Di ko nalang siya pinansin.

"Ay suplada. Para san ba talaga yang photoshoot na yan?."

"..."

"Ang gaganda ng models nyo--"

"Will you just stop? Ang daldal mo. Tsk. Alam mo kung wala kang magawa sa buhay mo, please naman wag mong guluhin ang buhay ko."

"OA naman to. Selos ka lang eh yieee. Porket sinabi kong maganda sila.."

"Pag may nakarinig sayo dyan, papatayin kita."

"Ay? Patay agad?. Grabe naman to. Masyadong violent."

"Ano ba talagang kailangan mo sakin ha?."

"Happy Vale--"

"Walang happy sa valentines. Dun ka na nga. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo."

"Hmm ang sabihin mo masyado lang akong maganda,and sexy. Diba?."

"Diba sinabi ko na sayong wag mokong kakausapin?."

"Edi kakantahan nalang kita--"

Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Sabi ko nga aalis nako."

FF

I'm having dinner with the models, their handlers and ang team ko. Masaya lang kaming nagkukwentuhan nang mapansin kong mag-isang kumakain si Franki sa gilid dito sa restau habang busy sa binabasa niyang libro. Parang napansin niyang nakatingin ako at napalingon siya kaya lumihis nako agad.

Usap lang kami ng usap.

FF

Nag good night nako sa mga kasama ko at pumasok na sa kwarto namin ni Franki. Sinara ko agad ang pinto nang makita kong nagbibihis pa pala siya.

"Ano ba? Di ka ba marunong maglock?." reklamo ko sa kanya sabay upo sa kama ko.

"Kasalanan ko pa ngayong di ka marunong kumatok? Haha. Nakita mo narin naman tong lahat." she smirked at humiga na.

Whatever. Napairap nalang ako at humiga narin pagkatapos patayin ang ilaw. Tanging yung ilaw nalang sa gitna naming lampshade ang nakaon.

"Was it really just sex?." Bigla niyang tanong.

"It is everything I've said." Sabi ko at pinilit nang matulog. Maaga pako bukas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

About A Girl (FRANKIANA)Where stories live. Discover now