Diana's POV
KINABUKASAN
Kasama ko si Argel. Dinalhan niya ako ng pagkain sa apartment ko.
Habang kumakain kami ng breakfast,
"Alam mo, pakiramdam ko talaga malapit na akong sagutin ni Franki." Masayang sabi ni Argel. Ngumiti lang ako. I should be happy, right?. Argel and Franki deserves each other. Kaya itong nararamdaman ko, hindi nato dapat umabot sa kahit isa sa kanila.
"Oo nga. Obvious naman eh, she likes you too. Ang hindi ko lang maintindihan is what's causing her yes' delay."
"Siguro kagaya mo, gusto niya ring manigurado. Pero alam mo ba Diana, these past few days parang napapadalas yung masamang kutob ko. Na parang may mangyayaring hindi maganda."
"Hoy Argel, wag ka ngang ganyan. Pinapakaba mo naman ako eh."
"Basta Diana, pag may nangyari sakin ikaw na ang bahala kay Franki ah. Bring her flowers and chocolates every 14th day of the month. Lalo na next month, Valentine's day na."
"Argel, nakalimutan mo na ba?."
"Ang alin?."
"Ah wala. Ay basta, walang mangyayaring ganun. Okay?."
Pero talagang unfair si tadhana. Yun nga yung nangyari. Car accident. Na tuluyan ngang ikinamatay niya. His burial is the day before Valentine's day.
Nakita ko kung gaano kalungkot ni Franki. Sobrang bilis ng mga pangyayari.
February 14. Today is the day na dapat kong simulang e fulfill ang request ni Argel. Masaya sana ang lahat dahil sa okasyon kung hindi lang nangyari ang lahat ng ito.
I held the box that carries my promise. Hindi pumasok si Franki sa school ngayon. Kaya after ng klase, napagpasyahan kong dumalaw sa kanila. Still carrying the small box.
Pinagbuksan niya naman ako agad. Well, she looks miserable.
"Pasok ka. So, napadalaw ka." Bakas parin sa mukha nya ang lungkot
"Gusto ko lang sanang ibigay to sayo."
"What's this?.D, you know you don't have to--"
"Open it, at least."
At binuksan nga niya. Tiningnan niya lang ako tila nagtataka. Napatulala siya saglit na parang may bigla siyang naalala.
"Uhm two different seeds?. Para san to?. May project ba ulit--"
"No Franki. That-that's a present for you."
"Did he asked you to do this? Diana--"
"He did. And I'm keeping my promise. Actually, he asked me to give you flowers and chocolates. Like in person talaga. I don't know why. Sorry,yan lang nakayanan ko eh. Pwede mong itanim sa garden nyo."
"Thank you Diana, I really appreciate it. Mas nanghihinayang nga ako sayo eh. Kasi nawala nalang si Argel, hindi mo parin nasasabi sa kanya na mahal mo siya."
"Franki--"
"Diana, it's okay. Matagal ko na namang alam. I'm sorry."
"Bakit ka nagsosorry?."
"I was there pero wala akong nagawa." Nag-alala ako bigla nang makita kong unti unting tumulo ang mga luha ni Franki.
Lumapit ako sa kanya sa pagkakaupo at pinunasan ang mga luha niya ng panyo ko.
YOU ARE READING
About A Girl (FRANKIANA)
FanfictionTwo of Asia's top successful women are from the Philippines. Frances Margaret Russell (owner of the Russell Gifts Inc.) and Diana Cariaga Mackey (new owner of Mackey Jewels). In an interview aired Nationwide, these two competing company- owners were...